Kadiliman

821 8 0
                                    

Sa bawat pagpatak ng ulan,
Tila nalulumbay; hindi na alam ang tunay na nararamdaman.
Naiisip kung saan pa ang direksyong pupuntahan,
'Yan ang isang tanong na gumugulo sa aking isipan.

Ano paba ang aking halaga?
Palagi na lamang akong binabalewala.
Kailan kaya ako mabibigyan importansya?
Mahal ko, bakit bigla kana lamang nawala?

Sariwa pa sa aking isipan,
Ang lahat ng ating mga napagdaanan.
Kung paano tayo nagsimula nang hindi inaasahan,
Pinapangarap na sana hindi iyon humantong sa katapusan.

Bigla na lamang dumilim ang kalangitan,
Kasabay na rin nito ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Nilabas ang payong upang ang sarili ay masilungan,
Naglakad na hanggang sa aking paroroonan.

Hindi inaasahang may mapansin,
Isang lalaking hindi na alam ang gagawin,
Basang-basa na rin ang kanyang salamin,
Lumapit siya; nagulat nang ako'y kanyang kausapin.

"Miss, pwede bang makisilong?"
'Yan ang iyong eksaktong tanong.
Tumango ako at ikaw na ang naghawak ng payong,
At ang ating relasyon ay unti-unting umusbong.

Tinanong mo ang aking pangalan,
Nag-isip kung ikaw ba ay sasabihan,
Sapagkat ako pa'y nag-aalangan,
Ngumiti ka nang bahagya at ako'y pinagtawanan.

Sabay rin tayong sumakay ng jeep,
Dalawa pa raw ang pwede ngunit napakasikip,
Habang humaharurot ang sasakyan ako'y napaisip,
Tama lang ba na ika'y sinagip?

Paglipas ng panahon, ika'y naging kaibigan,
Hindi rin nagtagal, ako'y iyong niligawan.
At humantong na rin tayo sa pagiging mag ka-ibigan,
Ang pagmamahal ko ay sayo lamang nilaan.

Tila napakaperpekto ng lahat,
Mahal mo ako, mahal kita; inisip na ito na ay sapat,
Ngunit bigla na lamang din nagkaroon ng lamat,
Saan ba ako nagkulang? Minahal naman kita nang tapat.

Parang kailan lang, masaya pa tayong dalawa,
Na sabay tayong nangarap na balang araw ito'y matatamasa,
Sa mga planong iyon ay ang masayang pamilya,
Kasama na roon ang mga magiging anak na ating makakasama.

At sa pagtunog ng malakas na kidlat,
Kasama nito ang alaala ng pusong may peklat,
Na sana, ang liwanag sa akin ay muli nang sumikat,
Sa lahat ng memorya, mahal ko, maraming salamat.

---
July 08, 2017

Tinta at Luha; Mga Tagalog na Tulaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن