Chapter 28: Birthday

6.5K 111 3
                                    

28: Birthday

Charle's POV

"Happy, happy birthday Charle!" sigaw nila. Nasa dining room na kami. Actually dapat hindi muna ako pumunta rito, I'm about to find pokerface nang binati nila ako at hinarangan pa ako.

Napangiti na lang ako dahil talagang nag-effort sila. Pero asan na ba yung mokong na yun?

"Mandy! Happy birthday," Fil hugged me.

"Oy oy oy! Tama na yan!" awat naman ni Caerick at pinaghiwalay pa kami. Dahil siguro sa excitement di na nila namalayan si pokerface.

Nilibot ko na ang paningin ko, wala talaga akong makitang ni buhok nung mokong na yun. Aysh.

Lumapit sa akin si Vhina at niyakap ako. "Wahahaha! Ilang taon ka na? 27?" bulong niya at tumango na lang ako.

Ang daming regalo. Pati si Phimi nakisali na rin. Ang regalo sa akin ni Vhina ay dalawang black dress which I liked most. Isang bracelet naman amg bigay ni Zymor. May binigay namang relo itong si Fil. Haynako eto namang si Phimi, may binigay siyang iba't ibang design ng ponytail.

"Hehe, pasensya na, yan lang yung nakayanan ng bulsa ko," kailangan pa ba kase ng gift. Hayst. Niyakap ko na lang siya at nagpasalamat kase lagi naman ata akong nagtatali ng buhok eh kahit maganda ang kulot na hair ko.

"Wait! I have also a gift! Here!" abot sa akin ni Eona. Nagniningning ang mata ko sa nakita kong eyeliner. May make up kit din kaso hindi naman ako masyadong naglalagay eh, eyeliner ay okay pa.

"Wala na akong gift, yung fireworks lang siguro," singit naman ni Caerick. "Joke! Syempre may gift ako! Tingnan mo na lang mamaya sa kwarto mo," sabi pa nito. Hayst. Planado nga ba?

Nagsasalo kami rito sa dining room at saka nagkwekwentuhan.

"Where's Xavier?" napatingin kaming lahat sa nagsalita, si Eona.

Yeah! Where is he?! Nakalimutan ko pati boyfriend ko!

"Ah eh... hindi ko napansin-" sagot ko.

"Magkasama lang kayo kanina diba?" tanong naman ni Phimi. Tumango naman ako.

Tumayo na ako. 2am na, bat hindi pa kaya uuwi si Fil? Atsaka bat di pa ba inaantok tong Phimi na to?

"Guys, celebration is over," announce ni Vhina.

"Thanks guys ha! I love you all!" sabi ko sa kanila at saka lumabas na ng mansion. Asan ba yung bampirang yun? Paglingon ko sa itaas, napansin ko ang naka-on na ilaw sa kwarto ni pokerface. Di kaya'y naroon na yun? Hayst. Di ko na napansin na pumasok siya ng mansion kase honestly nakalimutan ko siya for a while.

Dali dali kong ni-lock ang pinto ng mansion at saka tumungo sa kwarto ko. Oo nga, dito sa kwarto ko makikita ang gift ni Caerick. Ano kaya yun? I switched on the lights.

I saw a big big bear. Isang life size bear atsaka may tatlong rose pa sa bed ko. Hayst . Pumapasok sa kwarto ng walang paalam. Palalampasin ko muna to Caerick. Yakap yakap ko teddy bear ko nang naisipan kong pumunta sa kwarto ni pokerface. Bat kase siya nagwalk out?

*knocking the door*

"Hindi naka-lock. Pasok na," narinig kong pinapahintulutan niya akong pumasok kaya eto binuksan ko na yung door at sumilip muna. Nasa terrace na siya ngayon at nakatingala sa kalangitan. Pumasok ako, sinara ko rin agad. I started walking towards him.

"pokerface," tawag ko.

Nung nasa tabi na niya ako, pinagmasdan ko siyang mabuti tulad ng pagtingin tingin ko sa bawat anggulo ng mukha dati ni...Kyros. Tsk. Take note ha, wala na... Tapos na yun, okay?

Teen Vampires ✔ (Editing)Where stories live. Discover now