Chapter 41: Go

4.1K 69 2
                                    

41: Go

Charle's POV

Wala naman ako masyadong ginawa buong araw. Siguro kumain ng mga sweets lang ang ginawa ko while picking flowers sa garden nila dito sa mansion. Busy naman si Stun dun sa business ata nila na naiwan ng dad nila. Badtrip nga siya kasi dapat trabaho iyon ni Caerick dahil he will be on the highest position soon. Oh diba? Lumevel up si bestfriend ko.

Hmmm... ano kayang ginagawa niya? I mean nila? What if nasa kwarto sila ngayon. What if magkasama sila ni Caerick at Phimi? What if what if? Argh!

Pagtingin ko sa watch ko, alas singko na pala. Nag-ayos ako ng sarili at papasok na sa loob.

Nagulat nalang ako na nakauwi na si Caerick. Sa likuran nito, nakabuntot pala si Phimi. Expected. Mas mabuti na nandito si Phimi baka tuluyan siyang lamunin doon ng mga vamps. Joke!

Tumingin sa akin si Caerick pero inirapan ko na.

Ewan ko ba!

Sige, wag na muna akong pumasok sa loob. Isang oras pa bago ako pumasok sa loob. Mas nabigatan na naman ako ng nagtawanan sila sa may kitchen. Rinig ang tawa nila grabe.

"Oo yung ganito-- hahaha!!" rinig kong kwento ni Phimi. Parang nainis ako sa kanila. Lumapit ako at kunyaring uminom ng tubig at umubo. Natigilan naman din sila. "Ay meron ka po pala," inosenteng sabi ni Phimi. I understand her. Pero malamang meron ako.

"Si ate Charle na lang muna tumulong sa'yo. Magpapalit pa ako ng damit," excuse ni Phimi. Inirapan ko na at sinulyapan ako ni Caerick! Sigurado namang di niya nakita ang irap kong iyon.

"Ha? May gagawin pa ako," excuse ko pero tiningnan na ako ng masama ni bestfriend. Langya, naiirita na yata si Caerick. I need to get outta here! Magmamadali sana akong aalis pero hinarangan niya ako.

"You can go," sabi ni Caerick kay Phimi. Tumango naman siya at naglakad palayo.

Caerick stared at me. Nakakunot pa ang noo niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at saka nagsalita. "Why are you doing this?" tanong nito kaya kinabahan ako.

"W-what why?" tanong ko na di maiwasang mautal. I tried my best not to look at him straight in his eyes.

"Iniirapan mo na ngayon si Phimi?" tanong ulit niya kaya tiningala ko siya. Siya naman ngayon ang inirapan ko. Grabe lang ha! "Are you jealous or something? Do you even care? Do feel what I feel? D-do you love me now ngayon na may iba na ako?" sunod sunod niyangg tanong. Nabigla naman ako sa sinabi niya. May iba naman na pala siya eh! Dapat masaya ako kase may lovelife na ang mokong!

"Charle," lumapit siya lalo sa akin. Ang pagbanggit niya sa pangalan ko ay parang nakakapagpaalala sa tawag niya kagabi. "Tell me now," sabi pa niya.

Ako naman yumuko na.

He held my chin.

"Charle, what?" wala akong niregister sa utak ko na isasagot. IDK!!!

"I'm just... yes... a bit jealous..." sagot ko. Shems!! Hindi ko kaya. As I am uttering that line, it hurts a little.

Napalundag ako sa paghalik niya sa akin.

I never kissed back. Hindi ko rin alam bat di ko siya maitulak. Ayaw ko na hinahalikan niya ako. Kumikirot ang puso ko sa ginagawa niya. Parang may parte sa akin na mahapdi ba.

Nung narealize niya, nanlaki na ang mata niya at tumigil. I stepped backward at napatakip ako ng bibig.

"I-I'm .. s-sorry," sabi nito at tinanggal ang pagkakahawak sa baba ko. Hindi ko alam sasabihin ko! "sorry talaga..." mahinang sabi niya. Umiling iling ako kaya sa pag-side view ko, I saw STUN standing and watching us.

Teen Vampires ✔ (Editing)Where stories live. Discover now