Chapter 55: Pre

4.2K 66 5
                                    

AN:
Hello po! Ang hirap po honestly na tapusin itong istoryang ito. Kabwisit. Kapag natapos na ito, may story akong ibabahagi ulit. Bale dalawa na: yung FTAHV at saka LNFBTVP :) THANKS FOR SUPPORTING! Sana pati mga iyon eh suportahan niyo.

Clue po sa lahat ng magiging vampire stories ko~ LAHAT NG PROTAGONIST AY MANGGAGALING DITO SA 'VT'.

And one thing more, I can't reach a hundred chapters!! You know yourself. Nahiya naman ako ang talino mo kase ;) harhar. Salamat sa pagbasa.

enjoy reading!

55: Pre

SPG.

Charle's POV

Hindi naman patatalo ang enggrande't klasikal na kasalan nina Sheera at Kyros. Kompleto nga ang pamilya nina Fil eh. Eh mala-diyosa na nga rin si Sheera. Diyosa na sana kung di ko lang nalaman ang kasamaan niya.

Beach wedding. Beach wedding na di mo maintindihan kung saang era ibinase. Basta maganda. Hindi naman sa mismong buhanginan kundi may venue naman na talagamg pinaghandaan. Ang ganda nga ng kulay ng kalangitan dahil na rin sa palubog na ang araw. Idagdag natin ang nalalanghap nating sariwang hangin. Di rin siyempre mawawala ang audible na daluyong.

Konti lang naman ang mga naimbitahan. Nandito si Em pati si Vannie? Hindi ko namukhaan agad si Vannie. What happened to her? Kumaway pa si Em sa akin. Aalis sana ako kaso kasama ko ang vampire teens. Gusto kong ipaliwanag lahat lahat. "Guys, dun muna ako ha?" tanong ko. Matagal nga nila akong tinitigan bago sila tumango.

Papalakad palang ako sa kanila eh tumakbo na kahit naka-killer heels at nandito sa buhanginan si Em papunta sa akin. "Tell me you are Charle," aniya habang nakayakap sa akin.

No need to hide truths, right? Unti unti akong tumango kaya mas lalong humigpit ang yakap nito. "My God! Julien Charle, I've missed you," sabi nito. Naramdaman ko ang luha niya sa balat ko sa bandang balikat. "Gosh buti ikaw di na tatanda," sabi pa niya na medyo humalakhak bago kumalas.

"Hindi ako bampira ngayon," sabi ko.

"Whatever. Basta magkwento ka ha on the right time," sagot niya.

Nilapitan namin si Vannie habang magkahawak ang kamay. Tumulo ang luha ko. She's undergoing several problems in her health, in her life. Talagang nabaliw yata siya. Tinitigan niya ako. Ngumiti siya sa akin. Halos humagulgol ako sa itsura niya ngayon. Napatakip ako sa bibig ko.

"What?" natatawang tanong niya.

Agad ko siyang niyakap. "Do we need to be melancholic in this wondrous and outlandish wedding of Kyros?" singit naman ni Em. How I missed them.

"Okay na ako ano ba," sabi ni Vannie. Kumalas ako sa pagkakayakap.

"Oh, sino sa mga gwapong nilalang doon ang prince mo?" anila.

"Haha!" tumawa muna ako bago inayos ang mukha ko. "The one staring at me right now, I guess," sabi ko. Kahit nakatalikod ako, feeling ko tinititigan niya pa rin ako.

"Uy, dalawa naman ang nakatitig sa'yo! Yung nasa likod niya ba o yung-"

Tinalikuran ko sina Em para makita ko yung mga nakatitig sa akin.

Yeah, Stun's staring. Chaos also stares at me.

Sabay pa ang pagkunot ng noo nila. Hinarap kong muli ang mga kaibigan ko. "Y-yung p-pinakagwapo," sabi ko.

"Eehh! Andaming gwapo! Ang gugwapo kaya nung nakatitig sa'yo kanina!" tili ni Em.

"Sabihin mo na dali!" tili naman ni Vannie.

Teen Vampires ✔ (Editing)Where stories live. Discover now