Chapter 29: Leaving

5.8K 105 5
                                    

29: Leaving

Fil's POV

Filibert Ramirez here! Isa ako sa mga tinitingala ng mga kababaihan sa campus namin, gwapo eh. I'm 2nd year college taking... business management syempre. Di ba nga sikat ako? Sikat ako dahil ang dad ko ang MAYOR ng Vincent Village. Hayst.

Halos lahat alam na na ako ang susunod na mayor pero ayoko, mas gusto ko pang maging office worker. Mahirap kayang maging mayor! Lalo na ngayon, after ten years naglabasan na naman ang patayan dito. Siguro 5 people a week ang namamatay. Puros nga animal attack eh. Pero nagkaroon ako ng interest dito dahil nga 'vampire hunter' daw si Mandy which means hindi lang ordinary animal attacks ang mga iyon kundi kagagawan ng mga bampira.

Hindi nga minsan sumagi sa kokote ko iyang bampira eh pero sa ngayon, curious na ako dahil nga sa nakita kong Mandy na hawak ang puso ng tao ay este bampira. Argh! Pero I'm ready to seize vampires for the sake of the community! Fighting!

Isa ako sa mga basketball players sa school. Sa kasamaang palad, rarely kaming manalo. Ang gagaling kase ng mga taga ibang team. As in sinosolo nila ang court. Para nga silang extraordinary, mahirap pang pantayan. Ang bilis nila at malakas. Kaya nga kapag basketball ang pinag-uusapan, lumalayo ako. Nakakasawa na eh. Lumalayo na rin ako sa mga ka-team ko. Wala na akong oras dun kase lagi ko ng kasama sina... Ten tenenen!---sina Mandy, Stun pokerface daw, Kuya Caerick o Caerick na lang, Princess Eona raw, Vhina, Zymor, at saka si Phimi na pinakabata sa amin. Maganda kayang kasama tong mga 'to, feeling ko tuloy safe lagi.

Sa lovelife tayo, ahmm... Marami akong mga babae pero hindi ako seryoso sa kanila. Mabait naman akong bata, hindi pa ako batang ama. Haha! Kakikilala ko pa lang kay Mandy, ang gaan na ng loob ko. Tapos familiar naman siya sa akin, I just can't remember. One important thing, may boyfriend na yun. Wala akong panama sa boyfriend niyang si Stun. Naku! Sobrang sungit, di ko nga yan close. Parehas silang masungit ni Mandy. Si Eona naman, feeling princess, ang hinhin niya kailangan ako pa ang unang kakausap, Inglesera pa ang prinsesa! Hayst.

Nandito pala kami sa mansion ni Mandy. We surprised her kase birthday niya. Wahahaha! Pakana ni Caerick to eh. May gusto yata sa kanya at sobrang close sila. Bakit nga hindi si Stun ang nagsurprise no? Ay hindi pala, may SURPRISE si Stun, something to do in BED! Wahahahahaha! Kaso nabitin ata yung dalawa. Nakamamatay nga ang tingin ni Stun eh! Sayang baka palpak iyong surprise niya.

By the way, kahapon ng gabi, may namatay ulit.

"Fil!" sigaw sa akin ni Eona.

"What?" tanong ko naman tapos ngumiti ng hanggang tenga, ganda niya eh. Wahahaha! Kaso 'pag ikukumpara kay Mandy, sexier ang dating ni Mandy. Hahaha! Pero maganda rin to eh, friendly pa!

"Let's go shopping!" nakakasawa 'tong babaeng to. Shopping. Puros shopping! Kung alam lang niya na sa amin yung mall eh hindi ko na papapasukin 'to. Si Mandy rin mahilig.

"Ha? Okay. Treat me!" pagsang-ayon.

"Okay, my treat!" masayang sabi nito. Need to go! Next time ulit!

Caerick's POV

I hear sobs.

*girl sobbing*

Napabangon ako sa nakita ko. Phimi was beside me embracing the pillow. She was crying. Medyo silent ang pag-iyak niya, siguro takot baka magising ako.

She needs to be comfort. Nasa iisang kama kami. Ewan ko kung bakit eh. Lumapit ako sa kanya.

"Stay away from me!!" umiiyak niyang sigaw. "Please don't hurt me...." iyak nito na parang nagmamakaawa.

*Knock knock*

"Pasok!" sigaw ko na lang.

"What's happening?!" natatarantang tanong ni Charle. Nanlaki naman ang mata niya dahil naka boxers lang ako. Panu ba naman, nainitan ako kanina eh! "A-anong g-ginawa mo sa k-kanya?" tanong nito. Nagsipasok na rin sina Vhina at Zymor pati yung chismosong Fil na yun.

Teen Vampires ✔ (Editing)Where stories live. Discover now