Chapter XIII - Habulang Saksakan

4.7K 218 37
                                    


"Bakit hindi mo sinundan si Miles?" takang tanong ni Jermie. Sa isang coffeeshop sila dumiretso na magkakaibigan maliban kay Mike na dadaanan lang daw saglit ang mga kasama sa basketball at si Ariane na saglit na pinatawag ni Coach Arthur para kunin ang pointers to review sa mga na-miss na klase.

"Hayaan mo siya."

"Huh? May sakit ka ba pare?" Hindi alam ni Nero kung matatawa sa tanong na ibinato sa kaibigan. Kilala kasi nito si Aaron, alam din nito ang mga grupo ng frats ng kaibigan sa labas ng campus. At kung anong tapang ni Aaron kasama ang fraternity na binuo ay iyon namang taob sa harap ni Miles.

"Naisip ko lang pare, parang medyo nakakasawa na. 'Yung nakakapagod ba. Nakakapagaod na siyang suyuin at habulin kasi siya ang mali. Saka isa pa," sinalubong ni Aaron ang tingin ng dalawang kausap. "Nauna naman ang pagkakaibigan nating Wantutri kaysa mabuo ang relasyon naming dalawa."

Napangiti siya sa sinabing iyon ni Aaron. Hindi kasi niya inaasahang mas pipiliin ni Aaron ang barkada kaysa kay Miles.

"Guys, bakit hindi ninyo sinasagot ang mga text ko? Akala ko nakauwi na kayo eh," nakalabing sabi ni Ariane nang makalapit sa barkada.

Nagkanya-kanya naman silang check ng mga cellphone.

"Naka-silent ang phone ko, sorry Ariane," ani Nero.

"Deadbatt na pala ang cellphone ko," sagot naman niya.

"I can't find my cellphone."

Sabay-sabay silang tatlo na napatingin kay Aaron na halos nailabas na ang lahat ng laman ng bag.

"Don't tell me, naiwan mo sa classroom kanina?" tanong ni Ariane.

"I'm not sure I mean, I don't know," tugon ni Aaron. Sinisimulan na nitong ibalik ang mga gamit sa loob ng bag.

"Oh, hindi mo na hahanapin? Baka nga naiwan mo sa classroom, tara balik tayo?" takang sabi niya.

"Hayaan na natin 'yun Jermie."

"Bakit naman?" si Ariane naman ang nagtanong. Alam nito na halos hindi kayang bitawan ni Aaron ang cellphone at isa si Miles sa mga dahilan kung bakit.

"Baka kasi mag-text pa do'n si Miles, hindi ko pa mapigilan ang sarili ko na mag-reply sa kanya."

Naramdaman ni Ariane ang lungkot sa boses ni Aaron. "Sorry guys kung nasampal ko si Ariane kanina."

"Naunahan mo lang ako Ariane. Wala kang dapat ipag-sorry," sagot ni Jermie. Pakiramdam pa nga niya ay pinagtanggol siya ni Ariane kanina.

"Tama si Jermie. Kasalanan niya naman 'yun. Kung gusto ni Miles uumalis sa Wantutri. Uamlis siya ng maayos."

"Miles? Miles na talaga pare, hindi na baby?" pansin ni Nero.

"Narinig ninyo naman ng sabi niya kanina 'di ba? Kapag sumama ako sa inyo, break na kami. So kanina lang, opisyal na kaming break talaga."

"Tama ba ang narinig ko, naumpog na rin si Aaron sa wakas?"

"Mike, kanina ka pa d'yan?" tanong ni Ariane. Hindi kasi nito napansin ang pagdating ng binata.

"Medyo, parang ang seryoso nga ng topic ninyo," tugon ni Mike bago umupo sa bakanteng upuan.

"Parang ang tagal ng meeting ninyo kanina? Akala ko nga hindi ka na susunod," si Ariane ulit.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon