Chapter XIV - Papatayin kita sa Sarap

4.9K 207 91
                                    

"Oras na Jermie. Oras na para mamatay ka..."

"H-hindi... A-ayoko p-pang m-mamatay..." Hirap pero pilit na sabi ni Jermie bago pilit na ngumiti at isinaksak ang naabot na patalim sa kaharap na payaso. Ngunit mas naging maliksi ang payaso kaya nadalipsan niya lang ito sa may hita. At bago pa ito muling makakilos ay malakas na niyang naikom ang kamao at isinuntok sa mukha ng payaso payaso na ikinatumba nito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na tumakbo at binuksan ang nilapitang pinto. Ilang mga kaklase niya pa ang nakasalubong niya na naka-costume pa rin at inakala yatang nasa performance level pa rin siya nang pananakot kaya hindi pinapansin ang paghingi niya ng tulong. Ramdam niyang nakasunod pa rin sa kanya ang payaso kaya hindi pa rin siya tumitigil sa pagtakbo.

"Jermie? Where have you been? Baki –" Hindi na naituloy ni Nero ang sinasabi nang mapansin ang hitsura ng kausap.

"Guys! He's here! He tried to kill me! He was here!" naghi-hysterical na sigaw niya. Panay ang tingin niya sa likod pero wala na siyang nakikitang payaso na nakasunod.

"J-jermie, r-relax... Sino bang sinasabi mo?" nagsisimula na ring kabahan na tanong ni Ariane. Naglakad silang tatlo patungo sa sulok malayo sa ibang estudyanteng nagsisimula nang tumingin sa kanila.

"Guys, sorry I'm late. Wala akong makontak sa inyo kanina kaya hindi ko alam paano magku-kwento," anang bagong dating na si Aaron bago napansin ang namumutla at lusaw nang make up sa mukha ni Jermie. "What happned?"

"He was here. T-the psychotic clown."

Saglit na nagkatinginan sina Ariane at Nero.

"Nasaan siya?" seryosong tanong ni Nero.

"S-sa second floor. Sa may pangatlong kwarto," nangangatal pa rin na sagot niya.

"Stay here, pupuntahan ko siya," ani Aaron.

"Samahan kita pare."

"Nero." Hindi na niya napigilan ang sarili na mag-alala. Kung muntik na siyang mapatay ng payaso sigurado siyang hindi iyon magdadalawang isip na patayin rin si Nero. "Mag-iingat ka."

Tumango naman si Nero bago umalis kasama si Aaron.

"Jermie, relax ka lang. Here, umupo ka muna."

Nanginginig ang kamay niya bago tumalima kay Ariane. "H-hindi ko alam paano ako nakaligtas pero muntik na niya akong mapatay."

"You're safe now, Jermie. Iyon ang mahalaga."

Nasalubong niya ang tingin ni Ariane na bakas ang sobrang pag-aalala lalo na sa paghawak nito nang mahigpit sa kamay niya.

"I'm so glad that you're safe, Jermie."

Minsan naiinis siya kay Ariane pero sa pagkakataong ito pakiramdam niya ay sincere ang magandang kaibigan sa mga binibitawang salita.

"Guys, wala na siya."

Sabay silang napalingon sa kababalik lang na sina Aaron at Nero. Muli siyang kinabahan nang makita ang hawak ni Nero. Ang kulot at makulay na wig at maskara ng payaso.

"Ito na lang ang naabutan namin," ani Nero na itinaas ang hawak.

"Guys, I think kailangan muna nating pumunta ng canteen para makainom na rin ng tubig si Jermie." Lahat ay sumang-ayon sa sinabi ni Ariane bago sabay-sabay na pumunta sa canteen.

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon