Chapter XVII - Walang Ulo

4.3K 180 39
                                    




Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Jermie bago uminom ng kape. Kanina pa siya naghihintay sa loob ng Coffee Shop sa barkada at alam niyang kanina pa rin siya tulala. Kagabi lang kasi nang makuwi siya ng bahay ay kinausap siya ng mga magulang tungkol sa nangyayari sa Faubourg Academy at sa barkada niya. At dahil wala naman talaga siyang alam maliban sa naging laro ng barkada nila noon ay wala siya halos maisagot sa mga ito. Hindi tuloy siya nakatulog buong gabi dahil sa nalamang balita tungkol sa pagkawala ni Stephen. Hindi niya kasi lubos maisip kung paanong nadamay ang weirdong kaklase sa gulong alam niyang tanging barakda niya ang kasangkot.

"Would you mind if I join you?"

Napataas ang tingin siya sa nagtanong na lalaking nakatayo sa may kaharap niya bago napakunot noo.

"I'm Dan, remember? Sa bookstore?"

"Ah. Yeah, naalala na kita," tugon niya nang maalala ang tinutukoy nito. Ang misteryosong lalaki nakipagkilala sa kanya noong nakaraan lang.

"So, pwede ba akong maki-share ng table? Medyo crowded na kasi eh."

Saglit niyang inilibot ang paningin sa paligid at napansing halos lahat nga ng upuan ay okupado na. "Sure."

"Thanks," ani Dan bago naupo sa isa sa mga bakanteng upuan at inilapag ang tray ng kape at pastry sa lamesa. "Okey ka lang ba?"

"Ha? Oo, naman."

"Kanina ka pa kasi tulala eh," muling sabi ni Dan bago kumagat sa tinapay na hawak.

"May iniisip lang," tugon niya. Wala rin naman siya sa mood mag-kwento ngayon lalo na sa isang estranghero. "Teka, 'di ba may sinasabi ka no'ng nakaraaan?"

"Alin 'yun?"

"About the picture?" patanong na sagot niya nang maalala ang naging unang pagkikita nila ng kausap.

"H-ha? Ah wala 'yun, akala ko kasi ikaw 'yung nasa picture na nakitang kong Missing Student sa Faubourg Academy."

"O-okey," nasabi na lang niya bago humigop ng kapee. Kinuha niya ang cellphone sa may katabing bag nang biglang may sumigaw mula sa labas ng coffee shop.

"Bangkay!!! May bangkay na babae dito na walang ulo! Tumawag kayo ng pulis, dali!!!!"

Hindi niya alam kung paanong natabig niya ang kape na iniinom kanina lang at natapon sa may ilalim ng lamesa. At dahil malaking transparent na salamin lang ang pagitan mula sa labas ay nakikita niya ang mga nagkukumpulang tao kung nasaan ang sumisgaw na lalaki. Malakas man ang kabog ng dibdib niya ay tumayo na siya mula sa kinauupuan at lumabas upang puntahan ang nagkukumpulang mga tao.

"Excuse me... Excuse me po."

Napalingon pa siya sa may likuran at nakitang inaalalayan siya ni Dan na makasingit sa dami ng tao. Hindi niya akalaing susunod ito sa kanya dahil kaka-order lang nito ng sariling pagkain. Muli siyang nagpatuloy sa pagsingit hanggang sa biglang napahinto nang makarating sa may bandang unahan. Nagsimulang mangatog ang mga tuhod niya nang makita ang bangkay ng babaeng nakasuot ng uniform ng Faubourg Academy. Natatakpan na ng mga duguang dyaryo ang bandang leeg nitong alam niyang wala ng ulo.

Nagsimula naman nang dumating mga barangay tanod bago inusisa ang bag ng bangkay na nasa may tabi lang.

"May I.D. dito!"

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now