Chapter XXVI - Flasback II

4.2K 180 13
                                    



Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ko nang makapaasok ako sa loob ng comfort room at makaharap sa salamin. Hindi ko na alam ang nangyayari sa school na ito lalo na sa barkada namin. Ang pagkawala ni Gelo, ngayon naman ay ang pagkamatay ni AJ. Ayoko sanang mag-isip ng kahit na anong masama tungkol sa barkada ko pero paano nga kung si Gelo ang pumatay kay AJ? Paano kung siya ang may pakana ng mga text messages sa mga ? Paano kung siya ang may pakana ng kaguluhang nangyayari dito sa campus? Hay... Ewan! Hindi ko na napigilan ang sarili kong muling mapaiyak. Pinunasan ko na ang mga luha ko nang maalala ko kung bakit ako humiwalay saglit sa grupo. Muli akong napabuntong hininga nang pumasok sa isipan ko ang mga mukha nina Nero at Jermie. Ang dalawang 'yun na magkasabay at sigurado akong magkatabi na naman sa van na sasakyan namin mamaya. Bakit ba kasi silang dalawa ang madalas na magkasama? Bakit palaging siya na lang ang pinipili ni Jermie? Bakit ba kasi hindi magawang mapansin ni Jermie ang nararamdaman ko para sa kanya?! Lalo lang akong naiiyak dahil sa mga tanong na gumugulo sa isip ko ngayon. Nakakainis! Naiinis ako at nasasaktan. Kung bakit hindi ko na lang aminin kay Jermie ang lahat. Ang lahat ng totoong nararamdaman ko para sa kanya. Pero hindi... Alam kong hindi pa ngayon ang tamang panahon. Hindi pa ngayon ang panahon upang maging kami.

Saglit ko pang tinitigan ang sarili ko sa salamin bago nagdesisyon pumasok na sa loob ng isa sa mga cubicle. Ibababa ko na ang palda ko nang mapahinto ako dahil sa malakas na pagbalibag ng pinto sa may dulong cubicle. "Ang ingay naman no'n. taeng-tae lang!?"

Muling naantala ang pagbaba ko ng palda dahil sa mga ingay ng kadenang bumagsak sa tiles na sahig. Hindi ko alam kung bakit nagsimula akong kilabutan lalo na nang simulang hilahin ang mga kadena sa sahig. Nangatal ang mga labi ko nang maramdaman kong huminto sa paglalakad ang taong may hila-hila ng kadena. Huminto siya sa tapat ng cubicle na kinatatayuan ko! Tuluyan nang nilukob ng takot ang katawan ko nang makita ko ang pares ng mga paa niya sa ilalim. Mga pares ng paang nakasuot ng malalaking sapatos na parang kay Mcdonald!

"S-sino 'yan!? Kung sino ka man, hindi ka na nakakatuwa! Umalis na kan d'yan kung hindi – Ahhhh!!!" Muntikan na akong mapaupo sa bukas na bowl dahil sa malakas na paghataw niya ng kadena sa may kaharap kong pinto. "S-sino ka ba?! Anong kailangan mo!? Umalis ka na d'yan dahil hindi ka na nakakatuwa!" Muling nawala ang tapang ko nang magkakasunod na niyang hatawin ang pinto. Nangatal na ako sa takot nang makita kong malapit nang masira ang lock ng pinto. Hindi ito pwede! Ayoko pang mamatay. Hindi ako pwede mammatay! Ilang ulit akong nagpaikot-iukot sa masikip na cubicle bago tuluyang nagdesisyong gumapang sa ilalim patungo sa kabilang cubicle. Ilang gapang pa ang ginawa ko hanggang sa narating ko na ang dulong cubicle at bago ko nagawang ikandado ang pinto ay malinaw ko siyang nakita. Ang payasong nais na pumatay sa akin!

"Tama na!!!! Umalis ka na!!!"

Napasiksik na ako sa may basurahan na may samu't-saring dumi ang laman. Halos yakapin ko na ang sarili ko habang muling sinisira ng payaso ang kaharap kong pinto. "Tulungan ninyo ako!!! Parang awa ninyo na... Tulungan ninyo ako!!!"

Hindi ko alam kung may nakakarinig ba sa labas ng mga sigaw ko o nakakaintindi ng mga sinasabi ko. Ang mahalaga ay may ibang makarinig ng mga pagmamakaawa ko dahil gusto ko pang mabuhay. Ayoko pang mamatay! Ayoko pa!

At kasunod nang tuluyang pagsikara ng kandado ay ang pagkabukas ng pinto. Bigla akong napaluhod sa maduming sahig habang patuloy na umiiyak at nagmamakaawa. Ang sahig kung saan naghahalo na ang putik, ihi, luha, sipon at laway ko. "Hindi ako... Hindi ako ang pumatay kay Rayden. Ang barkada ko ang pumatay sa kanya. Pinagtulungan nila si Rayden! Pinagtulungan nilang lunurin si Rayden. Hindi ako... Hindi ako kasama do'n. S-sinubukan... Sinubukan ko namang pigilan sila. P-pero... Pero wala akong nagawa. Wala akong nagawa upang iligtas si Rayden. Pero hindi nila ako kasama sa pagpatay. Hindi ko gustong mamatay si Rydden. Maniwala ka sa akin... Parang awa mo na, h'wag mo akong patayin. Pangako.. pangako... T-tulungan kita. Tutulungan kitang makaganti sa kanila.. T-tulungan kitang patayin sila!"

Hindi ako sigurado kung naintindiha pa ba ng payaso ang mga sinasabi ko dahil sinasabayan ko 'yun ng mga hagulhol. Basta ang importante ay mabuhay ako... Kailangan kong mabuhay.. Mabubuhay ako. Mabubuhay ako sa kahit na anong paraan.

"Tutulungan mo akong makaganti? Tutulungan mo akong patayin ang pumatay kay rayden? Tutulungan mo akong patayin ang barkada mo?"

Napalunok ako at napahinto sa paghagulhol nang biglang lumaglag sa harapan ko ang kadenang nagwasak sa kaharap kong pinto. Nanginginig ang buong katawan ko habang dahan-dahan kong iniaangat ang tingin ko sa taong anumang oras ay pwedeng kitlin ang buhay ko. Napatiimbagang ako nang tuluyang magtama ang paningin namin ng payasong ngayon ay wala ng suot na maskara. Hindi ako mapakaniwala... Paanong nangyari siya ang nais na umubos at pumatay sa barakada namin? Bakit gustong niyang ipaghignati si Rayden? Bakit? "C-Coach Arthur!?"

"Bubuhayin kita sa isang kondisyon... Tutulungan mo akong patayin ang mga pumatay kay Rayden. Tutulungan mo akong patayin ang buong barkada mo."

***

***

***

***

***

***

Please don't forget to VOTE and LEAVE some comments about this Chapter. :)
Thanks! :)


Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now