Chapter XXI - Madugong Paghihiganti

4K 185 26
                                    

Mariin munang ipinikit ni Jermie ang mga mata bago muling iminulat. Mabigat at masakit ang pakiramdam niya sa ulo niya na lalo pang tila pinasakit ng masangsang na amoy sa paligid na parang mga nabubulok na karne at kung ano mang karne iyon ay hindi niya alam at ayaw na niyang alamin pa. Tuluyan nang luminaw ang lahat sa isipan niya nang mapagtantong nakatali siya mula sa kinauupuan. Mas lalong lumakas ang kaba sa dibdib niya nang makita ang tatlo pang nakatali sa may malapit sa kanya. Ang mga wala nang malay na sina Ariane, Nero at duguang si Stephen. Tuluyan nang binalot ng takot ang katawan niya nang mapansin ang pwesto nila na magkakaharap sa isa't-isa. May kung ano nang naglaro bigla sa isipan niya kaya hindi na niya napigilang maiyak pa. "N-Nero... A-Ariane... S-Stephen... W-wake up..."

Ilang tawag pa ang ginawa niya bago sa wakas ay kumilos sina Ariane at Nero na halatang masakit rin ang ulo samantalang si Stephen ay nanatiling walang malay na nakalungayngay ang ulo.

"O-oh my God! N-nasaan tayo?" naiiyak na ring tanong ni Ariane.

Kinakabahang inilibot ni Nero ang paningin sa buong paligid. Pamilyar kasi dito ang munting bahay na kinalulunan nilang apat. "F-feeling ko nasa lugar tayo kung saan tayo nag-camping dati."

"Mamamatay tayo! Mamamatay tayong lahat!" nagsimula nang humagulhol si Ariane.

"Araine, hindi tayo mamamatay. Walang mamamatay sa atin," pagpapakalma ni Nero kahit walang kasiguraduhan sa sinasabi.

Wala namang maapuhap na salita si Jermie na maaaaring sabihin. Balot ng takot ang buong katawan niya habang patuloy ang paglandas ng mga luha sa magkabilang pisngi niya. Mamamatay na ba siya? Ito na ba talaga ang katapusan nilang apat?

"Oh my god!"

Nabaling ang tingin ni Nero sa may likuran ni Stephen kung nasaan ang mga tingin ni Ariane, may mahabang lamesa doon at nasa ibabaw ang pugot na ulo ni Miles at Aarin kasama ang mga chop-cop na katawan nito at mga kasamahan sa fraternity.

"Help! Help! Help!" malakas na sigaw ni Ariane. Pakriamdam nito ay hindi na ito tatagal sa lugar na iyon.

Sinubukas namang kumilos ni Nero sa pagbabakasakali na lumuwag ang pagkakatali sa katawan ngunit bigo ito.

"N-Nero, nahanap mo ba si Mike? B-bakit wala siya dito ngauon?" wala sa loob na tanong ni Jermie. Pinipilit niyang labanan ang bagay na tumatakbo sa isip niya. Ayaw niyang isipin na si Mike ang may kagagawan ng lahat ng ito pero panagalan ni Mike ang binaggit ni Stephen bago nagdilim ang lahat sa kanya kanina.

Napatiim bagang naman si Nero. Mukhang pareho ang bagay na tumatakbo ngayon sa isipan nila ni Jermie. "Malakas ang kutob kong may kinalaman siya kung bakit tayo nandito ngayon."

"No. H-hindi pwede. Hind niya magagawang saktan ang sinoman sa barkada natin," muling iyak ni Ariane.

"Pero nagawa na niya Ariane!" sigaw ni Nero.

Isang kantang pambata ang umalingawngaw sa paligid na nagpahinto sa pagsisigawan nilang tatlo kasunod ang dahan-dahang pagbukas ng pinto.

Napalunok si Jermie nang naunang lumitaw sa may gilid ng pinto ang malaking kulay pulang sapatos ng taong nagbukas noon.

"Oh my God!" bulalas ni Ariane nang isang kamay na nakagwantes naman ang lumitaw.

Pilit na nilabanan ni Nero ang pangangatal ng mga labi nang tuluyan nang pumasok sang isang taong nakasuot ng makulay na costume na tinernuhan ng nakangiting maskara ng isang payaso na bakas pa ang mga natuyong dugo. "P*tang ina mo Mike!!! G*go ka talaga! Papatayin kita!!!"

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now