Chapter XXIV - Ang Tunay na Mukha ng Isang Payaso

4.1K 183 64
                                    


Warning! Sobra-sobrang nakakabitin!!!

Pwede ninyo munang i-skip ito at basahin na lang kapag may next update na. Char!

Please, h'wag ninyo akong isusumpa dahil sa chapter na ito. Hahaha

***

***

***

***

***

***

***

Sa isang pagkisap ng mga mata ni Jermie ay ang unti-unting pagluwag ng hawak ng mga kamay ng payaso sa baril na mahigpit nya ring hawak. Hanggang sa tuluyan na itong bumagsak sa harapan niya kasabay ng pagkalat ng malapot sa sementadong sahig. Nanginging ang mga kamay na kaagad niyang binitawan ang baril. Napatay niya ang payaso. Nakapatay siya ng tao.

"Jermie, halika na lumabas na tayo!" boses ni Stephen ang tila nagpagising ng diwa nya sa kasalukuyan.

At sa kabila nang panginginig ng katawan dahil sa takot ay sinimulan niyang ihakbang ang mga paa. Ngunit kaagad siyang natumba nang biglang hawakan ng payaso ang binti niya.

"Saan ka pupunta?" nagsimulalng gumapang ang payaso at pumaibabaw kay Jermie bago nanggigil na ipinulupot ang mga kamay sa maliit niyang leeeg. "Papatayin kita! Papatayin kita!!!"

Unti-unti na siyang nauubusan ng hininga. Nagi-iinit na ang mukha niya kung saan alam niyang naiipon na ang hangin at dugo. Mamatay na ba siya? Ito na ba talaga ang katapusan ng buhay niya?

Bang!

At bago pa tuluyang malagutan ng hininga ay muli siyang nakarinig ng putok ng baril kasunod ang pagkadagan sa kanya ng katawan ng payaso na kaagad niyang itinulak. Habol hiningang lumayo siya dito na putok na ang ulo bago lumapit kay Stephen na may hawak ng baril.

"We have to go now!" muling lumapit si Stephen kay Nero upang alalayan ito.

"Iwanan ninyo na ako dito! Magiging pabigat lang ako sa inyo. Ahhhh!!!" sigaw ni Nero nang kumirot ang malaking sugat niya sa paa kung saan kita na ang laman at buto.

"Ano ka ba? Hangga't buhay ka tutulungan ka namin kaya halika na," matigas na tugon ni Stephen bago muling bumaling kay Jermie na nakatayo pa rin malapit sa payaso at nakatitig doon. "Jermie! Let's go na! Kailangan nating humingi ng tulong para kay Nero!"

Hindi naman tumalima si Jermie at dahan-dahang lumapit sa payaso na bahagya nang sira ang suot na maskara dahil sa tumagos na bala ng baril sa may noo nito. Nais niyang makita sana ang mukha nito bago man lang sila makatakas. Dumoble ang panginginig ng kamay niyang nang lumapat iyon sa duguan at basag na maskara. Halos marinig niya ang kabog ng dibdib niya habang tinatanggal ang maskara.

"C-Coach Arthur?" hirap man ay hindi na rin napigilan ni Nero ang mapabulalas nang makita ang mukha ng taong gustong kumitil ng buhay nilang lahat.

"Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali," ani Stephen. Makailang beses na  muling ipinutok nito ang hawak na  baril sa ulo ni Coach Arthur. "If you want to survive to a real-life horror movie, you have to kill the psychotic  killer not just once, twice or even thrice! Kill him as much as you can!" seryosong sagot ni Stephen. 

  "Stephen, patay na si Coach Arthur, tama na 'yan!" saway ni Nero.  

  Muli nilapitan ni Stephen si Jermie at hinila na upang maalis ang pagkatulala sa bangkay ni Coach Arthur. "Let's go Jermie."  

"H-hindi ako makapaniwala... P-paano nagawa ni Coach ang lahat ng ito?!" natanong pa rin ni Jermie na naiiyak na.

"Hindi ko masasagot ang tanong na 'yan Jermie. Basta kailangan na nating makaalis dito para makahingi na tayo ng tulong. Halika na!" ani Stephen.

Tumalima na si Jermie at tinulungan si Stephen na alalayan si Nero.

"Kotse ni coach 'yun!" turo ni Stepehen. Sinakay na nila si Nero sa may tabi ng driver seat at si Jermie naman ay sa may passenger seat at dahil tanging si Stephen ang marunong mag-drive ay ito na ang pumwesto sa may manibela. Laking pasalamat nila at naandoon lamang ang susi ng kotse. "Sa wakas makakaalis na tayo." Ngunit bago pa man mabuhay ni Stephen ang makina ng kotse ay biglang nabasag ang salamin sa may bintana sa tabi ni Nero at sumambulat sa mukha nina Stephen at Jermie ang dugo dahil sa palakol na bigla na lang bumaon sa ulo ni Nero.

"Sinong may sabing maaari na kayong umalis?"

***

***

***

***

***

***

***

Tama na ba ang mga bagay at pangalan na tumatakbo sa isipan niya ngayon? :)

Please don't forget to hit VOTE and leave some COMMENTS about this chapter. :)

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now