CHAPTER XX - Multo ng Nakaraan

3.8K 172 37
                                    


"N-No, please... H-hindi ako. A-ayoko n-na. P-pagod na ako. T-tama na..."

Naalimpungatan si Jermie sa mga pag-ungol nang katabi sa kama na si Ariane. Binuksan niya ang ilaw bago sinimulang tinapik at niyugyog ang katabi. "Ariane... Ariane, binabangungot ka... Wake up."

Pinagpapawisang napabangon si Ariane bago humarap kay Jermie at naiiyak na yumakap. Binangungot ito. Isang bangungot na ayaw n asana nitong maalala pa.

"Ariane, binangungot ka lang... Tahan na," hinagod-hagod niya ang likod nang kaibigang patuloy pa ring umiiyak.

"Jermie, promise one thing..." Inihiwalay ni Ariane ang katawan sa kausap at hinawakn ang mga kamay niya. "Kahit kailan, hinding-hindi mo ako iiwan. Hinding-hindi magbabago ang pagtingin mo sa akin. Mamahalin mo pa rin ako."

Napalunok siya sa narinig mula kay Ariane. Pakiramdam niya kasi ay ibang Ariane ang kausap niya ngayon.

"Jermie..."

Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Ariane sa mga kamay niya. 'Yung tipong parang wala siyang ibang pagpipiliang sagot kung hindi ang nais nito. "Promise Ariane, I will never leave you."

"And you will love also me forever? Right Jermie?"

"O-of course. We're friends. I mean we're best of friends. And that friendship woul be forever."

Isa malalim na buntong hininga ang binitawan ni Ariane bago sa wakas ay ngumiti. "Thank you Jermie, at least ngayon mapapanatag na ang loob ko."

Pilit naman siyang ngumiti kay Ariane. Bigla kasi siyang na-weird-duhan sa ikinikilos at sinasabi ng kaibigan. Idagdag pa ang kabang nararamdaman niya na hindi niya alam kung saan nanggagaling. "Where are you going?" biglang tanong niya nang bumaba ng kama si Ariane.

"I need water."

"Sasamahan na kita."

"Nope. I can manage. Okey na ako," ani Ariane bago hinawakan saglit ang mukha niya at ngumiti. Naglakad na ito palabas ng kwarto.

Naiwan siyang nakaupo sa may gilid ng kama. Bakit ba kasi parang may kakaiba talaga sa ikinikilos ni Ariane o napaparanoid pa rin siya hanggang ngayon? Kinuha niya ang cellphone mula sa tabi at tiningnan kung may bagong text message. Puro mga pangungumusta lang na text message mula kay Dan bago nagtaka nang wala pa ring natatanggap na na kahit na anong text message mula kay Nero. Sinubukan niya muli itong tawagan pero panay ring lang at voicemail ang naririnig niya. Napabuntong hininga na lang siya nang maisip na baka nagpapahinga na rin ito kaya inilagay na niya ang cellphone sa bulsa at ibinaling sa may katabing maliit na lamesa ang mga tingin. Hindi na rin niya napaigilan ang sarili na mapangiti nang makita ang mga picture frame na nakapataong doon. May tatlong frame doon na picture ng Wantutri ang nakalagay at sa dalawang picture frame ay litrato nila Ariane na magkasama. Nakakatuwa lang isipin na sa kanilang magbabakarda ay sa kanya pala talaga pinaka-close si Ariane, kahit pa minsan ay nai-insecure siya sa ganda ng kaibigan. Nai-insecure siya kapag nararamdaman niyang lahat na lang ng lalaking nakapaligid sa kanila ay may gusto dito.

"Sh*t!" Napamura siya bigla at napahinto sa pages-senti nang biglang mamatay ang ilaw sa kwarto. "A-Ariane?" Kinakabahang napahawak siya sa lamesa mabuti na lang at may nakapa siyang lighter. Magtataka sana siya kung bakit may lighter doon dahil alam niyang hindi naman naninigarilyo si Ariane pero hindi na niya pinag-aksayahan ng panahon na isipin pa iyon bago nagsimulang maglakad palabas ng kwarto habang may munting liwanang na gumagabay sa kanya.

"Jeeerrrrrrrrmiiiieeee!"

"Ariane!" saglit pa siyang napahinto sa paglalakad nang marinig ang malakas na tili ni Ariane mula sa unang palapag ng bahay. Nagkukumahog na siyang bumaba ng hagdan at hiananp ang pinaggalingan ng tili nito. Ngunit halos malibot na niya ang buong kabahayan ay wala pa rin siyang Ariane na nakita. "Ariane, nasaan ka!" Hindi na niya napigilan ang mga luha nang hindi pa rin makita ang kaibigan. Bigla siyang napahinto sa paglalakad palabas ng bahay nang makarainig nang tila may pumupukpok sa may pinto ng C.R. na hindi pa niya napapasok. Hindi iyon ingay ng pukpok. Mahihinang hampas iyon sa may pinto na tila hirap na hirap sa paggawa ng ingay ang sinomang nasa loob ng banyo. "S-sino 'ya? A-Ariane, ikaw ba 'yan?" Wala siyang ibang tugon na nakuha mula sa loob ng banyo kung hindi ang mahihinang hampas lamang. Pinunasan niya ang mga luha bago lumapit sa may pinto ng C.R. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ang seradura bago dahan-dahan iyong pinihit. Muli siyang napalunok nang hindi iyon kaagad maitulak. Para bang may mabigat na nakaharang sa kabilang pinto. Isang malalim na buntong hininga pa bago buong pwersa niyang itinulak ang pinto upang tuluyan nang makapasok. At nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang nasa loob ng banyo. "Oh my God! Stephen!" Ang duguang si Stephen na may busal sa bibig at may tali ang mga kamay, kaya pala ganon na lamang ito kung humampas ng pinto. Kaagad niyang nilapitan si Stephen at tinanggal ang busal sa bibig bago sinimulang kalasin ang mga tali at tinulungan itong makatayo. Awang-awa siya sa hitsura nito na putok na ang mga labi at kulay ube at duguan na ang iba't-ibang parte ng katawan.

"Ahhh!!!" Sa kabila nang matinding sakit na nararamdaman ni Stephen sa katawan ay pinilit nitong tumayo at sabayan ang paglalakad palabas ng banyo. Ngunit hindi pa man sila nakakalayo ng banyo ay tuluyan na itong nawalan ng malay.

"Stephen, gumising ka! Hindi ka pwedeng mamatay. Stephen!" Tanging mga ugol lamang ni Stephen at naririnig niya hangang sa sampal-sampalin na niya sa pisngi ang duguang binata. Kailangan niyang malaman kung sino ang may kagagawan nito. Kailangan niyang malaman bago mahuli ang lahat. "Stephen, wake up!"

"S-si M-Mike. J-Jermie, s-si M-Mike-" Hindi na naituloy ni Stephen ang sinasabi nang muling pumikit ang mga mata nito at bumagsak ang kamay na nakakapit sa braso ni Jermie.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig. Si Mike? Si Mike ang may kagagawan nito? Si Mike na pinagkatiwalaan niya at ng buong barkada!? Hindi pwede! Pero paano at bakit iyon gagawin ni Mike? Bakit si Mike? "Stephen, stay here. Babalikan kita. Hihingi lang ako ng tu-" At bago pa magawang tumayo ni Jermie ay bigla nang nagdilim ang lahat sa kanya.

***

***

***

Nalalapit nang lumabas ang katotohanan...

Nalalapit na ang katapusan.

Sino nga ba ang pumapatay?

Sino ang matitirang buhay sa Wantutri?

At sino ang mga nasa likod nang madugong pagkitil ng mga buhay?

Ikaw? Paano mo gustong mamatay? (Published under  ABS-CBN PUBLISHING)Where stories live. Discover now