007 || Vorfreude

774 73 34
                                    

9:54 PM

Jeon Wonwoo
active now

Wonwoo: Puppy Gyuuuu

Wonwoo: Gising ka pa?

Mingyu: Bakit grandpa Wonu? (ㆁωㆁ*)

Wonwoo: Tapos mo na ba assignments mo?

Mingyu: Kakatapos lang. Bakit?

Wonwoo: Pasama

Mingyu: 'Di ka nanaman makagawa?

Wonwoo: Oo. Alam mo namang hindi ako makagawa ng assignment kapag walang kasama. (´°̥̥̥̥̥̥̥̥ω°̥̥̥̥̥̥̥̥`)

Mingyu: Video call nalang, you want? Hehe. Gabi na eh, 'di na ako papalabasin ni mama panigurado. Kahit kapitbahay lang kita ‘di niya ako papayagan.

Wonwoo: Sige

Jeon Wonwoo is calling. . .
accept | decline

Napangiti ako nung makita ko si Wonwoo sa screen ng cellphone ko. Nakita kong nasa loob siya ng kwarto niya at nakaupo sa harap ng study table niya. Suot niya rin ang circle specs niya na minsan niya lang gamitin. Madalas kasi siyang naka-contact lense. Medyo malabo na rin kasi mata niya.

Kasalukuyan na akong nakahiga sa kama habang yakap ang unan at hawak ang cellphone ko.

Nakita kong napahikab siya, “Patulog ka na pala. Baka naistorbo kita.”

“Hindi naman hyung. Basta ikaw hindi naman ako tatanggi, hehe. Research nanaman ba yang ginagawa mo?” Tanong ko.

Narinig ko na inilapag niya ang cellphone niya sa table at in-adjust niya ang pagkakaayos ng cellphone para makita pa rin siya.

“Mmhm, nakakapagod na nga eh. Dalawang araw na akong walang maayos na tulog.” Nakaharap na siya sa laptop niya.

“Magpahinga ka na muna ng konti kung pagod ka na, huh?” Sabi ko. Nakita kong tumango siya at nginitian ako.

Ilang minutong katahimikan ang nanaig sa aming dalawa.

Ganito si Wonwoo sa tuwing gumagawa ng assignment. Kailangan may kasama siya sa tuwing ginagawa ito. Okay lang kahit tulog yung kasama niya basta may kasama siya. Hindi ko alam kung bakit at hindi niya rin alam kung bakit noong minsang naitanong ko. Siguro may psychological reason doon.

Tanging ang pagtipa ni Wonwoo sa keyboard ang tanging maririnig mo.

Naramdaman kong medyo nabibitawan ko na ang cellphone ko, pero sinusubukan ko pa rin itong hawakan ng mahigpit para hindi mawala sa hawak ko. Napapikit naman ako dahil bumibigat na ang mga mata ko, “Hyung, inaantok na ako.” Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko. Sa sobrang antok ko hindi na ako makapagsalita ng maayos.

“Tulog na.” Rinig kong sabi niya.

“Okay lang sayo kahit tulugan kita?”

“Mhmm, sanay na ako Gyu. Palagi mo naman akong tinutulugan sa video chat.”

Medyo natawa ako sa sinabi niya habang nakapikit. Tuluyan nang pumikit ang mga mata ko pero hawak ko pa rin ang cellphone ko.

“Goodnight, Hyung. Tulog ng maaga ah? I love you. . .” Huling sambit ko sa kanya bago ko tuluyang nabitawan ang cellphone ko.

Narinig kong nagsalita siya, pero hindi na ma-process ng utak ko kaya hinayaan ko nalang.

“. . . I love you too. Sleep tight.”

—♥—

Vorfreude • meanieWhere stories live. Discover now