021 || Vorfreude

686 50 59
                                    

12:13 PM

Son Wendy
active now

Mingyu: May party ba sa HUMSS 3, secretary? Napadaan lang ako kanina sa classroom niyo

Wendy: Mingyu!

Wendy: Hindi mo pa ba nabalitaan? Aalis na si Wonwoo bukas. May mini despidida kaming ginagawa para sa kanya bago siya umalis papuntang Korea.

Wendy: Akala ko alam mo na eh.

Mingyu: . . .

Seen 12:15 PM

Muntik ko nang mahulog ang hawak sa cellphone ko. Tumitibok ng mabilis ang puso ko sa nabasa ko.

Akala ko ba. . . Akala ko ba hindi niya ako iiwan?

Gusto kong magwala. Gusto kong magwala.

“Mingyu?” Pagkarinig ko sa boses ng kaklase kong tinawag ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at pumunta sa pinakalikod ng classroom. Nararamdaman ko ang tingin ng mga kaklase ko saakin pero hindi ko sila pinansin. Dumiretso lang ako sa paglalakad hangga’t sa makarating ako sa timba ng mga basurahan sa likod ng classroom.

Sinipa-sipa ko yun ng sobrang lakas. Naiinis ako at naiiyak sa lahat ng nangyayari saakin sa mga nakaraang araw na ito. And I can’t take it anymore, gusto ko nang sumabog. Gusto ko nang makaraos sa lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Mingyu, ano ba! Kawawa yung basurahan tangina mo!” Rinig kong sigaw ni Minghao. Sinimulan na rin niya akong awatin pero hindi ako nagpatinag.

Naririnig ko na rin ang mga kaklase ko na sinasabing tigilan ako.

“MINGYU TUMIGIL KA SABI! KUNG MAY PROBLEMA KA SABIHIN MO SA AMIN, HINDI YUNG MANINIRA KA PA NG INOSENTENG BASURAHAN!”

Tumigil ako at napaluhod. Nagsimulang tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Sobrang naninikip na ang dibdib ko.

Hindi ko napansin, nakapaikot na pala ang mga kaklase ko saakin. Nakita kong lumapit saakin si Seokmin, lumuhod rin siya at yinakap ako, “Nabalitaan mo na?” Rinig kong bulong niya saakin.

Tumango ako, “H-Hindi na maaayos ‘to, S-Seoks. Malabong magkaayos pa kami kung siya na ‘tong b-bumitaw na.”

epilogue next :)

Vorfreude • meanieΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα