011 || Vorfreude

958 54 31
                                    

12:09 PM

Choi Seungcheol
active now

Seungcheol: Gyu, urgent!! Nasa'n ka?

Mingyu: Nasa classroom hyung, bakit?

Seungcheol: Umiiyak si Wonwoo mo dito sa classroom namin, hindi namin alam kung anong dahilan. Punta ka dito sa STEM 3, dali!

Mingyu: HALA HYUNG?? PERO BAKIT SIYA NANDIYAN SA sTEM 3.

Mingyu: PAPUNTA NA PALA AKO.

Seungcheol: Ewan ko ba sa kanya. Bigla nalang dumiretso dito pagkatapos na pagkatapos ng Angelus. Pinuntahan niya si Junhui eh. Pero maski kay Junhui hindi niya sinasabi yung dahilan. Bigla nalang naiyak.

Seungcheol: Punta ka dito ah, bili ka ice cream. Kahit yung ice drop lang, pampa-goodvibes kay Wonu.

Mingyu: Sige hyung

-

Kinuha ko ang Pepero na green tea sa bag ko. Hindi man siya matcha, pero parehas pa rin naman siyang tsaa. Ito nalang ang ibibigay ko kay Wonwoo. Matatagalan pa kasi kung bibili pa ako ng ice drop sa cafeteria, mahaba pa kasi pila dun.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko. Binasa ko ng ilang beses ang sinabi ni Seungcheol hyung habang naglalakad ng mabilis. Napakagat ako sa labi ko nung maramdaman kong may tumutusok sa puso ko sa bawat pagbasa ko ng pangalan ni Junhui.

Ang raming tanong na pumapasok sa isip ko.

Bakit siya yung pinuntahan? Bakit hindi ako? Hindi ba dapat ako yun? Hindi ba dapat ako yung may mas karapata—

Karapatan? Ano nga bang karapatan ko. . . Wala namang kami.

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang STEM 3 sa floor ng mga grade 12. Noong nasa tapat na ako ng classroom nila, nakita kong sobrang tahimik na kumakain ang mga taga-STEM 3. Konti lang sila sa loob ng classroom kaya sobrang tahimik.

Hinanap ng mga mata ko sila Seungcheol hyung. Hindi ko sila mahanap kaya naman kumatok ako sa pinto kahit napansin na ako ng ibang estudyante sa loob, "Hello. Pwede bang mag-trespass?" Pabirong tanong ko sa kanila. Bawal kasi pumasok ang ibang taga-section o grade level sa iba’t ibang classroom. May offense kang matatanggap kapag nahuli ka. Pero since hindi naman kami binabantayan ng mga teachers tuwing lunch, palihim pa rin kaming nakakapasok sa mga classroom.

"Pasok lang, Mingyu. Nandito sa dulo sila Seungcheol." Pagkasabi non ng lalaking nakapansin saakin, nakita kong may biglang tumayo sa pinakalikod ng classroom sa kanang dulo. Pagkaharap niya sa direksyon ko, nakita ko si Seungcheol hyung.

When he saw me, he signaled me to come inside, “Pasok, Gyu!” Pumasok ako sa classroom nila. Agad-agad akong pumunta sa pwesto nila. When I came near them, I almost dropped my phone and pepero with what I saw. Nakita ko lang naman na nakaupo si Junhui at Wonwoo sa sahig habang magkayakap.

Magkayakap. Hindi ba dapat ako gumagawa non sa kanya?

Dahil sa sobrang dala ng emosyon ko, hindi ko napansing tumayo na pala si Junhui noong makita ako at kinakausap ako ni Seungcheol na lapitan si Wonwoo.

Kalma, Mingyu. Kalma ka lang. Hindi ito ang panahon para magselos sa maliit na bagay. Yinakap niya lang si Wonwoo for comfort, wala namang problema dun dahil yun naman ang kailangan niya diba?

Vorfreude • meanieWhere stories live. Discover now