017 || Vorfreude

744 52 130
                                    

⚠ just a warning 😋 baka may ma-trigger 😂

MINGYU's POV

"T-Teka handali, sobrang nanginginig kamay ko." Nilapag ko ang cellphone ni Heejin sa table. Ipinagdikit ko ang dalawa kong kamay at sinubukang pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako hindi mapakali habang naririnig ang cellphone ni Heejin na kasalukuyang tinatawagan ang number ni Wonwoo. Naka-loudspeaker naman siya kaya okay lang kahit ilapag ko siya sa table. Hindi pa rin siya sumasagot hanggang ngayon. Pangalawang ring na namin 'to sa number ni Wonwoo.

"Dude, kalma ka lang." Nag-aalalang sabi saakin ni Seokmin habang hinihimas ang likod ko. Lahat sila nakatingin saakin ng may pag-alala, tapos sobrang tahimik pa nila kaya nakadagdag pa yun sa kaba ko.

Yumuko ako at kinagat ang labi ko. Hindi ko talaga alam sasabihin ko eh. Baka-

"Hello, Heejin?"

"Fck." Sht Mingyu, kalma. Buti nalang naibulong mo lang yan. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko nung marinig ko ang malalim na boses ni Wonwoo sa kabilang linya. Hearing his voice makes me weak and fragile for a matter of seconds.

Biglang umatras ang dila ko.

Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang iba't ibang reaksyon ng mga kaklase ko. Yung iba sa kanila nakatingin saakin ng may pag-alala, yung iba nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone, may hinihintay ang sagot ko at yung iba naman ay hindi mo maipinta ang ekspresyon. Tumingin ako kay Tamiah na nakakunot ang noo saakin, she's mouthing something at me but I can't understand. Inulit niya ng inulit hanggang sa maintindihan ko, "Magsalita ka. Kalma ka lang."

"Heejin, may sasabihin ka ba? Ibababa-"

"H-Hyung." Mahina kong sabi pero tama lang para marinig niya at marinig ng lahat. Nakita ko ang iba sa mga kasama ko na napatakip sa bibig nila. Yung iba naman napapakagat sa unan na yakap nila.

Biglang tumahimik sa kabilang linya.

Biglang tumahimik ang lahat sa paligid ko.

Kung gaano kami katahimik ngayon, kabaliktaran naman ang nakakabinging ingay na maririnig mo sa loob-looban ko. Sobrang ingay sa utak ko ngayon na ang gusto ko nalang gawin ay sumabog na.

"Mingyu?" He asked with his monotone voice. He didn't say my name like he used to do-or like how I used to hear.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa oras na binanggit niya ang pangalan ko, I let my guard down and I emotionally broke down infront of my classmates, "H-Hyung, hyung miss na k-kita." Pumipiyok at naiiyak kong sabi.

Biglang bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko. Biglang napuno ang utak ko ng mga pinagsamahan namin ni Wonwoo. Bumabalik rin lahat ng sinabi niya saakin nung nag-away kami kaya mas nahirapan pa tuloy ako na pigilan ang luha ko. Dagdag mo pa na sinimulan na akong yakapin ng iba kong kaklase para patahanin ako.

Kinagat ko ang labi ko para hindi niya marinig ang hikbi ko. Sinandal ko ang noo ko sa dibdib ni Seoks dahil siya talaga ang nakayakap saakin ngayon sa tabi ko para patahanin ako. Sobrang sakit na ng dibdib ko dahil sa kakapigil ng paggawa ng kahit anong ingay.

Naramdaman ko namang may hangin na malakas na tumatama sa balat ko. Napatingin tuloy ako sa gilid kaya tuloy-tuloy nang umagos ang luha ko. Nakita ko na pinapaypayan pala ako ng mga kaklase ko.

Ilang segundong katahimikan ang nangyari. Hanggang sa nagsalita si Wonwoo sa kabilang linya, "Ibababa ko na."

Biglang nagpanic mga kaklase ko sa sinabi ni Wonwoo. Unti nalang batuhin nila ang cellphone ni Heejin noong tuluyan na talagang binaba ni Wonwoo ang tawag. Binaba niya ang tawag nang hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na pakinggan ako.

Vorfreude • meanieWhere stories live. Discover now