015 || Vorfreude

791 50 56
                                    

MINGYU’s POV

“Happy lunch!” Rinig kong sabi ni Haseul sa speaker na nasa loob ng classroom namin pagkatapos na pagkatapos niyang mag-lead ng Angelus.

Tumayo kaagad ako at pumunta sa pwesto ni Tamiah. Nakita kong nakikipag-usap siya kay Jiho. Noong makarating ako sa pwesto nila, kinalabit ko siya, “Tams, tulong nga. Kakausapin ko na si Wonwoo sa garden mamaya eh.”

“Hindi pa kayo okay?” Nag-aalalang tanong ni Jiho saakin. Tumango ako, “Oo eh. Hindi ko pa siya natatanong tungkol dun sa kaibigan niya sa STEM 3.” Alam niya rin kasi ang nangyari kasi madalas siyang kasama ni Tamiah kapag humihingi ako ng tulong sa kanya.

Kinuha ko ang isang upuan sa kabilang column at itinapat ito sa table ni Tamiah. Umupo ako doon.

Ngumiti si Tamiah, “Paano kita matutulungan?”

“Uhm ano, gawan mo ‘ko ng script, ‘di ko kasi alam sasabihin ko sa kanya mamaya, hehe.” Tapos napakamot ako sa batok ko.

“Baliw, ba’t kailangan mo ng script? Magpeperform ka ba sa harap niya mamaya?” Sarkastikong tanong niya saakin. Kahit kailan talaga ‘di mo makausap ‘to ng matino. Masyado siyang sarcastic sa pagkatao ko.

“H-Hindi naman sa ganon. Hindi ko kasi alam sasabihin ko mamaya eh. Baka hindi ako makasalita.” Medyo malungkot kong sabi.

“Be natural. Act natural. Kung anong nararamdaman mo at kung anong gusto mong sabihin, sabihin mo lang. Hindi mo naman kailangan ng script eh. Kung scripted sinabi mo edi parang hindi siya sincere. Kasi hindi galing sa puso mo yung sinabi mo eh.” Sabi ni Tamiah.

Napatango nalang ako sa sinabi niya.

“Kausapin mo siya ng maayos ah? Uulitin ko, MAAYOS NA USAPAN. Huwag kang magpadala sa emosyon mo kung gusto mo nang sumabog.” Tapos pinukpok niya ang ulo ko gamit ang hawak niyang ballpen.

“O-Opo.”

“Anong oras ba kayo magkikita?” Tanong ni Jiho saakin na kanina pa nakikinig sa usapan namin.

“12:15, sa garden yung sinabi kong meeting place. Walang tao dun eh.”

“Kailangan ka ba namin samahan sa garden? Pwede ka naming samahan. Aawatin ka namin kung sasabog ka na.” Pag-alok ni Tamiah.

Umiling ako, “Hindi na, kaya ko ‘to.”

Napatingin si Tamiah sa wrist watch niya, “12:12 na, punta ka na dun. Sakto pagkarating mo dun 12:15 na.”

“Sige. Pagdasal niyo kaluluwa ko ah.” Sabi ko sa kanila bago tumayo.

Tinapik ako ni Tamiah sa balikat, “Goodluck brother. Magpapa-pray over kami mamaya. Dadasalin namin buong rosaryo hehe.”

Baliw talaga ‘to. Ngumiti lang ako sa kanya. Napatingin naman ako kay Jiho na kanina pa nakatitig saakin ng matagal, “Bye Jiho.”

“A-ah, bye?”

“See you later sister. Libre mo ako ice cream mamaya ah! Yung cornetto.” Sabi ko kay Tamiah.

“Yes brother. Punta ka na dun hoy. 12:13 na!” Pagkasabi niya non, talagang umalis na ako ng classroom.

Habang naglalakad ako papuntang garden. Nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Kinakabahan talaga ako eh, baka kung anong masabi ko kay Wonwoo mamaya. Habang naglalakad ako, nag-iisip na rin ako ng mga pwedeng itanong at sabihin. Tinitignan ko na rin ang possible reactions ni Wonwoo sa mga tanong ko.

Nakarating ako sa garden namin. Bumuntong hininga muna ako ng ilang beses bago tuluyan na naglakad papunta sa loob. Noong sa tingin ko nakakalma na ako, dumiretso na ako sa garden. Nakita ko naman na nakaupo na doon si Wonwoo habang suot ang blangko niyang ekspresyon.

Vorfreude • meanieWhere stories live. Discover now