018 || Vorfreude

722 48 124
                                    

TAMIAH's POV (pagbigyan niyo na 😂)

Nagulat ako nung biglang bumukas ang pinto ng kwartong tinulugan namin ni Ira, "Dudes, nawawala ata si Mingyu? Hindi siya natulog sa kwarto namin." Bungad na sabi sa amin ni Minghao.

Umaga na. Halos lahat ata nabangon na except sa aming dalawa ni Ira.

Napakunot bigla ang noo ko. Saan naman kay nagsusuot ang batang 'yon? Baka mamaya hindi namin alam, may ginawa na pala yun na kalokohan dahil sa broken hearted nga siya.

"Hanapin niyo, mamaya kung ano nang nangyari sa batang 'yon."

Kinuha ko ang glasses ko sa bedside table at bumangon sa kama. Natutulog pa si Ira kaya tinapik ko siya para gisingin, "Ira, gising. Nawawala yung treasurer nat-"

"MINGHAO!! MAY BASAG NA BOTE NG ALAK DITO SA SALA. HINDI KAYA UMINOM SI MINGYU KAGABI?" Napalunok at napatigil ako noong marinig ko ang sigaw ni Seokmin na galing sa sala. May possibility na baka nga uminom si Mingyu kagabi. Pero kung uminom siya, saan niya nakuha ang mga nainom na alak? At hindi niya ba naisip ang mga pwedeng mangyari kung uminom siya? For Pete's sake! Nasa ibang bahay siya para uminom. Pero. . .

"Si Jiho na saan?" Tanong ko kay Minghao na nasa pintuan pa rin. Kung nakainom si Mingyu kagabi, I think Jiho has something to do with this. Tsaka naipagpaalam na rin sa amin ni Jiho kagabi na sasamahan niya muna si Mingyu sa sala na umaayaw pang matulog kagabi. So may possibility na baka kasama ni Mingyu si Jiho kagabi na uminom. Tsaka kami-kami lang nila Jiho ang nandito sa bahay since yung parents niya ay nasa bussiness trip sa Singapore.

"Hindi ko alam. Baka natutulog sa kwarto niya?" Sagot ni Minghao.

Buti nalang dinala kami ni Jiho sa kwarto niya kagabi. Kundi baka mabuksan namin ang lahat ng kwarto dito para lang mahanap kung na saan ang kwarto ni Jiho.

"Si Heejin at Hyunjin, gising na ba?" Tanong ko ulit.

Tumango si Minghao, "Nasa labas sila ng bahay. Naghahanap ng signal para matawagan at ma-text si Mingyu."

Tuluyan ko na talagang ginising si Ira. Buti naman nagising kaagad siya noong tinapik-tapik ko ng marahan ang mukha niya para gumising. Noong pinaliwanag ko sa kanyang nawawala si Mingyu, bumangon kaagad siya sa kama at inayos ang sarili.

"Minghao, punta lang kami sa kwarto ni Jiho. Gigisingin namin siya at tatanungin kung alam niya kung saan pumunta si Mingyu."

Tumango si Minghao kaya naman hinila ko na si Ira palabas ng kwarto para dumiretso sa kwarto ni Jiho.

-♡-

Kumatok ako ng medyo mahina sa pinto ng kwarto ni Jiho. Nahihiya kasi kaming pumasok nalang doon nang walang paalam, "Jiho? Knock knock po, gising ka na ba?" I asked with my sweetest voice. Syempre, kailangan kalmado ang pagtatanong ko sa kanya.

Wala kaming nakuhang sagot pagkatapos ng ilang minuto kaya kumatok ulit ako.

"Buksan mo na kaya? Hindi naman ata magagalit si Jiho." Suhestyon ni Ira.

Kahit ayaw ko talaga buksan ang pinto, sinundan ko ang sinabi niya. Noong mahawakan ko ang door knob, pinihit ko ito at dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kwarto. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko noong matanaw ko ang kama ni Jiho. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, feeling ko nga nawalan na ako ng hininga sa nakita ko. Ilang ulit ko pang tinanggal at pinunasan ang glasses ko dahil baka niloloko lang ako ng mga mata ko. Pero hindi eh! Kahit ilang ulit ko punasan ganon pa rin ang nakikita ko. Kaagad kong sinara ang pinto!

Vorfreude • meanieWhere stories live. Discover now