Chapter 2

581K 17.9K 6.9K
                                    


TININGNAN ko siya.


Moreno, makinis ang balat. Kahit marungis siya ay hindi siya mukhang mabaho.


"Ilang taon ka na?"


Itinaas niya ang kamay at ipinakita sa akin ang walong daliri.


Walong taong gulang pala siya.


"Anong pangalan mo?"


"Damon..." mahinang sagot niya.


Mahiyain. Napangiti ako.


"Damon." Ulit ko sa pangalan niya. "Damon... Bonbon..."


Nagtataka ang mga matang napatingin siya sa akin. "Huh?"


Natawa naman ako at ginulo ang kanyang malambot na buhok. "Wala. Pero mas gusto ko sanang tawagin ka na lang na Monmon. Okay lang ba? Masyado kasing brusko ang pangalang Damon, e hindi bagay sa'yo kasi ang cute-cute mo."


Hindi siya kumibo, pero hindi rin nag-protesta.


"Nasaan pala ang mama at papa mo? Ulila ka na ba?"


Lumikot ang mga mata niya. "Iniwan nila ako..."


"Ganun ba?"


Umiwas siya ng tingin sa akin. "G-gusto ko ng matulog, Osang..."


"Ate," sabi ko. "Ate Osang."


Hindi na siya kumibo pa. Nahiga siya sa karton at pumikit. Nakangiting pinagmasdan ko si Monmon hanggang sa makatulog na siya. Nang antukin ako ay tinabihan ko siya at niyakap. Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili kung bakit napakagaan ng loob ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay parte na agad siya ng buhay ko.


...


ILANG buwan na sa akin si Monmon. Napagkasunduan na rin namin na ituring ang isat-isa bilang tunay na kapatid.


Masasabi ko na nagkakasundo na kami. Mabait naman siya, may pagkakataon lang na minsan ay mahirap espelingin ang kanyang ugali. Mas gusto niya kasi minsan na mapag-isa kesa makipaglaro sa ibang batang-kalye. 


Pero tingin ko naman kay Monmon ay hindi siya ang tipo na magpa-pasaway sa akin. Magalang naman kasi siya at masunurin.


May pagkakataon lang talaga na pakiramdam ko ay hindi walong taon ang edad niya kung umasta siya, para kasing kung magsalita at mag-isip ay mas matanda siya sa akin. Siguro dahil sa hirap ng buhay kaya maagang nag-matured ang isip at kilos niya.


"Si X! Si X!"


Napalingon ako nang magkagulo ang mga bata sa labas ng simbahan. Pababa kami ng simbahan ng Quiapo sa Quezon Boulevard. Katatapos ko lang magbenta ng sampaguita kasama sina Purita at Maricel.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon