17

464K 16K 5.7K
                                    

Chapter 17


"SHHH!"


"D-Damon!" Inalis niya ang pagkakatakip ng mainit niyang palad sa bibig ko at pinadikit ang aming noo.


"Come..." Hinila niya ako at ikinulong sa mga braso niya. Langhap na langhap ko ang mainit at mabango niyang paghinga na hinahaluan ng scent ng mint candy na paboritong-paborito niya.


"S-sino iyong... a-anong... b-bakit..." hindi ako magkandatuto. Nanginginig ako.


"I said come..." Hinila niya ako pabalik.


Hinampas ko si Damon sa balikat. Girlfriend niya ba iyon? Pero akala ko ay wala naman siyang nagugustuhan.


"Damon, si Cleopatra," sabi ko kasi nilampasan namin iyong dala kong kabayo.


Huminto kami sa punong kinatatalian ng kabayo niyang si Spider.


"Sakay..." mahinang utos niya sa akin.


Hindi na siya nagsalita. Kinalas niya ang pagkakatali ni Spider at basta niya akong binuhat pasakay sa kabayo. Sumampa rin siya at pumuwesto sa likuran ko.


Hindi na ako nakakibo pero gulong-gulo pa rin ang isip ko.


Sino iyong babae sa tree house? At bakit basta na lang siyang pinabayaan ni Damon?


...


ALAS TRES ng madaling araw ng makarinig ako ng katok sa pinto ng kuwarto ko. Bumangon ako para i-check kung sino iyon. Hindi pa rin kasi ako nakakatulog dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin talaga ako.


"Damon?!"


Hinarang niya ang isang paa sa pinto para hindi ko iyon maisara. "Let's talk."


"G-gabi na..." nauutal akong napaatras. Para bang kapag nadikit ako sa kanya ay mapapaso ako bigla.


"Umaga na, Jesusa." Nakangiwi siya, tila alam niya na siya ang dahilan kaya ako balisa.


Wala na akong nagawa ng pumasok siya sa loob ng kuwarto ko. Naupo siya sa gilid ng kama.


"Damon—"


"Forget what you saw yesterday." Tumingin siya sa akin. "Can you?"


Saka ko napansin na bihis na bihis siya. Sa kaliwang palad niya ay meron siyang hawak na car keys.


Saan siya nagpunta? Saan siya galing? At bakit ngayon lang siya? Hindi kaya hinatid niya iyong babae kanina? Sino ba kasi talaga iyon? Ano niya iyon?


"Don't hate me." Nagsusumamo ang mga mata niya sa akin.


Umiling ako. "B-bakit ako magagalit? May dapat ba akong ikagalit?"

Trapped With HimWhere stories live. Discover now