7

415K 14.8K 3K
                                    

Chapter 7

NASAAN na siya?

Bakit hindi pa siya umuuwi? Ano ng nangyari sa kanya? Kumain na kaya siya? Mag-a-alas dose na ng gabi pero wala pa rin siya!

"Nakita mo na?" tanong ni Maricel sa akin.

Naluluha akong umiling. Kanina pa kami pabalik-balik ng plaza, wala tala siya. Siguro galit na galit siya sa akin kaya iniwan niya na ako.

"Uy, tahan na... babalik din iyong kapatid mo." Hagod niya sa likod ko.

"P-paano kung hindi na?"

"Babalik iyon." Paniniyak niya. "Mahal ka non."

Mahal?

"Natatakot ako... natatakot ako na baka hindi na siya bumalik." Nalaman ko na lang kasi sa mga tambay kanina kung ano talaga ang tunay na nangyari. Balak pala akong i-surprise ni Monmon dahil birthday ko ngayon. Ang kaso hinarang siya at pinagtripan ng Dark Angels.

Biglang dumating si Purita. Humahangos siya at basa ng pawis ang kanyang makinis na mukha. "Alam ko kung nasan si Monmon!"

"Ha?"

"Nasa looban siya. Don sa bahay ng tiyuhin ni Randy." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Pinanlamigan ako ng palad. Kilala ko si Randy, talamak na tulak iyon kahit menor palang. At ang tropahan non ay madalas na nagra-rugby sa may tulay, malamang magkakasama ang mga iyon sa barong-barong ng tiyuhin nitong kilala ring adik.

"Salamat, Purita..."

Tumango lang siya. Alam ko na may something samin ni Purita, ramdam ko na may galit siya sa akin. Pero sa ibang araw ko na lang siya kokomprontahin, dahil sa ngayon ay mas importante sakin na masundo ko na si Monmon.

Nanakbo na ako, kasunod ko si Maricel. Hindi ko alam kung nasa likuran din namin si Purita.

Sa looban ay pumasok agad kami. Wala kaming pakialam kahit madilim, maraming aso o maraming lasing sa tabi-tabi. Ang target ko ay makapunta agad kina Randy. Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay kumabog agad ang dibdib ko. Parang hindi ko kayang makita kung ano ang nasa loob niyon.

"Oy, anong ginagawa mo rito, Regla?" Nagulat ako ng biglang sumupot si Ronel. Isa sa Dark Angels. May bitbit siyang kahon ng Marlboro. Dito nga lang din pala siya sa looban nakatira.

"May hinahanap ako!"

"Umalis kayo rito. Delikado rito. Mamaya tropa ko na naman ang mapagbintangan ng tropa ni X!" Singhal niya sa sakin. "Hindi ko alam bakit ipinagtatanggol ka ng X na iyon, nakakainis ka, Regla! Umalis ka na nga lang dito!"

"H-hindi..." iling ko. Napansin ko ang biyangot niyang bibig, alam kong dahil iyon sa sapak ni Berting sa kanya.

Nang bumaling ako kay Purita ay masama ang tingin niya sa akin. Sumunod pala siya hanggang dito. Napaisip ako kung bakit ba talaga siya nagagalit sa akin.

"Anong hindi? Kursunada ka ata ni X, e!" Singhal ni Ronel sa akin na halos paliguan niya ako ng tumatalsik niyang laway. "Bahala ka na nga! Basta kapag may nangyari sa'yo, labas ang Dark Angels!" Nagmamartsa na siyang umalis.

Hindi ko na siya pinansin, dumeretso na ako sa loob ng maliit na bahay. Basta ko binalya ang manipis na plywood na pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Sila Randy at ang tropa niya ay magkakaharap sa sahig. May bote ng gin at isang pitsel ng juice sa gitna nila. Hindi na nila ako napansin dahil tingin ko ay mga lango na sila sa alak, at pati na rin sa droga. Nagkalat din kasi ang mga drug paraphernalia. Sa gilid ng bahay ay may babaeng nakahiga at walang saplot maski isa. Ang alam ko ay nagta-trabaho ito kay mamshie at syota ito ni Gido, tropa ni Randy.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon