13

434K 16.7K 2.5K
                                    

Chapter 13

ANONG GINAGAWA NIYA RITO?

Pero hindi na mahalaga iyon. Tuluyan na akong napahagulhol. Ligtas na nga ako. Niligtas na naman niya ako.

Lumapit siya sa akin ngunit iwas ang kanyang mga mata sa katawan ko.

Wala siyang imik na kinalagan ako sa pagkakatali. Hinubad niya ang suot na jacket at isinuot sa akin.

Ipinasan niya ako sa likod niya saka walang salita na isinama ako paalis sa kuwarto ni Henry.

Palabas na kami ng gate ng makarinig kami ng wangwang ng pulis. Maraming sasakyan ang huminto sa tapat ng bahay ng mga Husik.

"Shit." Agad akong binitawan at ibinaba ni X.

"B-bakit?" Takang tanong ko.

Ihinilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. "Nandito sila para sa'yo."

"Ha?"

"Safe ka na,"

"Ha? Pero ikaw ang nagligtas sa akin— teka saan ka pupunta?!"

"Napadaan lang ako." Sa gulat ko ay bigla siyang tumalikod at sumampa sa pader at tumalon.

"X!" Pero wala na siya.

Nakaalis na siya!

Sakto na pumasok na ang mga pulis sa gate. Kasunod ang mga nakaitim na lalaki ngunit may mga dala ring baril. Huminto sa harapan ko ang isa sa mga lalaki na may tatak na nagliliyab na phoenix ang suot na jacket.

"Are you Jesusa?"

Bago pa ako nakasagot ay kinarga na ako nito at isinakay sa unang nakaparadang kotse.

...

"MONMON, mayaman ka?"

I didn't answer Maricel's question. I was furious.

My eyes were watering in tears. I felt so pathetic. It was my job to protect Jesusa, pero hindi ko nagawa. At kung may mangyaring masama sa kanya, kasalanan ko.

"Hey, young man, don't blame yourself." Dad tapped my back. "And don't worry yourself too much. Tumawag na sa akin ang Phoenixes HQ, na-rescue na nila si Jesusa. Your friend is safe now."

"She's not just a friend." Tinabig ko ang kamay ni Dad.

"We know that, son." Mom said. "Halos magkapatid na talaga kayo sa tagal ng ipinagsama niyo."

"Sana po talaga okay na siya..." sabat ni Maricel.

"Don't worry, Maricel." Hinarap ni Mom si Maricel. "Your friend will be safe. Sabi ng ng husband ko, nakuha na siya ng mga tauhan namin sa bahay ng mga Husik."

"Salamat po..." sagot nito kay Mom. "Matutuwa po si Osang kapag nalaman niyang may pamilya pa si Monmon."

"I owe her a lot. For taking care of my son and for loving him as her own brother."

"Tama po kayo, mahal na mahal ng kaibigan ko ang sutil niyong anak." Kumindat pa ito sa akin.

Sutil? Damn this girl.

Napahagikhik si Mom saka niyakap si Maricel kahit napakarungis nito. "I like you, Maricel, and I think I'm going to like your friend, Jesusa, too." Tumingin si Mom sa akin at ngumiti.

You must like her, Mom. You must.

...

TULALA pa rin ako hanggang ngayon. Naririto na ako sa isang airconditioned room kung saan katatapos lang akong i-check at gamutin. Nakakain na rin ako at nakainom ng gamot.

Trapped With HimWhere stories live. Discover now