27

508K 17.1K 4.5K
                                    

Chapter 27

SABOG AKO.

Iyon ang tamang tawag sa itsura ko at nararamdaman ko.

Daig ko pa ang adik. Nangangalumata ako, wala sa hulog ang pag-iisip at palaging tensyonado. Kung bakit ba kasi nabaliw si Damon.

Ano bang nangyari sa kanya?!

Sabado, walang pasok, kaya nagpatanghali talaga ako ng gising—kahit ang totoo ay wala pa akong tulog. Kunwari lang ay late na akong nagising. Baka kasi naririto si Damon, mabuti na lang at wala siya. Tahimik ang paligid pagbaba ko.

Biglang may nag-doorbell. Sino kaya? Wala akong inaasahang bisita. At kung si Damon man, may sarili ng susi iyon. Nagpa-duplicate ang lintek! Iyong nagdedeliver ng news paper naman na si Mang Torio ay iniiwan lang naman ang news paper sa mail box.

"Sino iyan? Saglit!" Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang isang bouquet ng red roses. Parang mga nasa thirty pieces iyon. Pulang-pula.

"Ma'am, delivery po!" Nakangiti sa akin ang delivery boy na nasa labas ng gate.

Nilapitan ko siya. "Sure ka?"

"Opo. Tama po itong address. Kayo po ba si Mrs. Jesusa Montemayor?"

Kumibot ang sentido ko. "Ako nga—I mean, para nga sa akin iyan."

Tinanggap ko ang bulaklak, pinirmahan ang dapat pirmahan saka ko pinaalis iyong delivery man.

May note iyong bouquet: 'I know I'm sweet. You're welcome.'

Pagpasok ko sa bahay ay gigil na kinontak ko agad si Damon.

"Hello?" Pagkalambing-lambing ng boses ni Damon.

"Anong ibig sabihin ng pabulaklak mo diyan?! Ano ba, Damon—"

"Hey, sorry! I'm having a meeting right now, and later may rehearsal for the foundation concert kaya di ako makakapunta diyan. But I will make it up to you tomorrow, okay ba iyon?"

"Hindi okay! Ano ngang ibig sabihin n—"

"Agahan ko bukas."

"Damon, sandali nga—"

"Promise, magkikita tayo bukas, okay? Wag ka ng magalit. Babawi naman ako, e."

"Damon, ano ba—"

"Bye! I miss you, too." Sabay baba niya.

"Shit!!!" Inis na nilingon ko ang red roses. "Anong gagawin ko sa'yo?!"

Nag-ring ang cell phone ko, agad ko iyong sinagot ng makitang si Tita Kara ang caller.

"'Lo, Tita?"

"May alam ka ba?"

"Po?"

"Damon is getting married, Jessie." Parang nagpa-panic na happy ang tono ni Tita Kara.

Getting married?! What? "Hello, Tita? Ano pong sinasabi niyo?"

"Wala akong alam na GF niya, or may idini-date siya. Baka may alam ka? Nagsabi ba siya sa'yo?"

Kinabahan ako. "Saan niyo po ba nalaman iyan?"

"Nasa news."

"Po?!"

"He just changed his Facebook status into 'engaged'. Jessie, this is the first time na nag-post si Damon. You know he's not into social media, 'tapos biglang ganito? Oh, my God! He must be in love!"

Hindi ko na kausap si Tita Kara ay tulala pa rin ako. Nang mahimasmasan ay nag-online ako. Saka sumakit ang ulo ng makita ang relationship request sa notif ko. Shit na malagkit!

Nag-search ako sa FB, 'Voss Damon Montemayor'. From patay na Fb ay bigla iyong nabuhay. He's engaged sabi sa status niya. I searched on Twitter: @mon_montemayor may tweet siya, ang sabi: "I don't give up so easily."

Pagbukas ko ng TV, laman siya ng balita at ang 'Mysterious Girl'.

Hindi nila alam if trip lang daw or what. Di raw kasi nilinaw ni Damon. May nagsasabi na ginawa lang daw iyon para tantanan na ito sa issue na 'bading' ito.

Pero maraming babae ang nagsabi na malabong bading daw ito dahil last year ay may actress na na-blind item na naka-one-night-stand daw ni Voss Damon Montemayor. Isinugod daw si girl sa ospital dahil sa butt yata chinuk-chak. Iyong part na iyon parang gusto kong maniwala na ewan.

"Oh my God talaga!" Buong araw tuloy ay sabog na sabog ako.

...

ALA-UNA ng madaling araw ay gising pa rin ako. Napa-praning.

Nang biglang marinig ko ang kotse ni Damon. Pagbaba ko ng sala ay nasa sala na siya. Nakangiti.

"Do you have any idea what time is it?" Inis na tanong ko sa kanya.

Madaling araw siya dumating at nang-istorbo! Paano kung tulog na ako? E di nagising ako?! Hindi ba alam ng lalaking ito na hirap na hirap akong makakuha ng tulog?!

Pero nakangiti si Damon. Parang walang kasalanan. Parang walang nangyari nong nakaraang gabi.

Chill siyang lumabas ng bahay at pagbalik ay may dala ng itim na maleta. Saka ko lang napansin na may box sa ibabaw ng center table. He brought his things into my house? Even his personal stuffs like toothbrush and razor!

"Anong ibig sabihin nito?!" Halos lumuwa ang tonsil ko. "Damon!"

"Hey, relax, will you? Iyan lang kasi ang kaya kong dalhin dito, uuwi-uwi na lang ako sa condo ko."

"Damon, hindi iyan ang ibig kong sabihin!"

Tumawa siya at cool na namulsa. "What? Gusto mo ba na ikaw ang titira sa condo ko?"

"Hindi iyon! Bat ka nandito?! Bat nandito ang mga gamit mo?! Bakit nandito ang toothbrush at razor mo?!"

"Dahil ayoko ng maki-share ng toothbrush at pang-shave mo."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-ano kamo?! Ginagamit mo ang toothbrush at ang pang-shave ko sa—" Jusko, makakapatay ako!

Humalakhak si Damon. "I told you, ayoko sa condo ko. Lonely."

"At dito ka titira?!"

"Halos nandito naman na rin ako palagi, so I decided na lumipat na talaga. Aren't you happy?"

"Bwisit!" Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang mukha ko.

Naupo siya sa sofa at pinagpag ang kandungan niya. "Nakakagigil ka na kanina pa, come here."

Kumibot-kibot ang ulo ko. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

Ngumisi siya. "Hindi rin naman ako nakikipagbiruan sa'yo, Love."

"Ano?! Anong Love?!"

"Come on, ayusin mo na lang ang mga gamit ko. Dapat nagsasanay ka ng gawin iyan." Itinuro niya ang maleta. "Iyong mga panlakad ko, paki-hanger na lang."

"Magagalit si Jeremiah 'pag nalaman niya na nandito ka! Seloso iyon at alam niya ng hindi tayo tunay na magkapati—"

"Stop it." Dumilim ang mukha niya.

"Pero iyon ang totoo!" Wala na akong maisip kundi gamitin si Boy Daldal. "Unfair ito sa boyfriend ko lalo na at ikakasal na kami!"

"I said stop it!"

"Damon, kasi mali nga ito! Ano na naman—Ay!!" Napaurong ako ng bigla niyang ibalibag ang maleta niya. Kumalat ang laman niyon sa sahig.

Tumayo at nagtatagis ang ngiping tinitigan ako nang masama. "I'm giving you until tomorrow, Jesusa."

Napalunok ako.

"I want you to tell that bastard that you're not seeing him again. Ever."

"P-paano k-kung di kita sundin?"

"Don't make me lose my temper, Jesusa. You wouldn't like what I'm gonna do."

JAMILLE FUMAH

Trapped With HimWhere stories live. Discover now