Epilogue

836K 22K 9.7K
                                    

Epilogue

I HATE HER.

That nanny was a freak. Sinabunutan niya ako ng sabihin kong mukha siyang kabayo. Masama na bang magsabi ng totoo?

Ayoko talaga sa kanya. Wala naman akong nagustuhan sa lahat ng naging nanny ko. I can take care of myself for god's sake! Maybe bata pa talaga ako, pero hindi ibig sabihin non na kailangan ko pa ng nanny.

Kasalanan 'to ni Mommy. Nasa ibang bansa na naman kasi siya, ipinagsh-shopping niya ang anak na babae ng tropa ni Daddy. And my Dad? Nasa tropa niya!

Mabuti na lang at hindi ako napansin ng driver namin ng sumakay ako sa trunk ng sasakyan. Nakatakas na naman ako sa hacienda. And now I'm here in Manila.

I'm going to find Tito Macoy's house from here. Masaya ron, walang rules. Maglalaro kami magdamag ng wrestling ni Phoenix. Wag lang sanang umepal iyong asawa ni Tito Macoy, maldita at KJ kasi iyon, di naman maganda.

Right! Kailangan kong maghanap ng payphone so I can call Macey. I know her little secret kaya I'm pretty sure na kahit salbahe siya ay ba-back-up-an niya ako sa mommy niya kapag doon ako tumuloy sa kanila. Shit. San nga ba ang daan?

Ang lamig na. Tapos nawawala pa iyong wallet na kinupit ko sa yaya ko. At baka kapag pumara ako ng cab ay dalhin ako sa kung saan. Gabi na. Delikado kapag gabi. Siguro dapat magpa-umaga na lang ako. Right! Magpapaumaga na lang ako.

I have to look for a place to stay for the night. Ang kaso, saan? Hindi pwede sa hotel, bukod sa wala akong pera ay baka sa DSWD ang bagsak ko.

Shit again. Kelan ba kasi ako lalaki?

Hindi pa rin ako tumatangkad. Maybe because I was a premature baby. I was so small when I was a baby. And even now, I'm still small. I'm already eight but people would think I'm younger than my real age, which is so annoying for me.

Sa ilalim ng tulay ako napadpad. May iilang barong-barong sa gilid at sa loob non ay may mga batang pulubi na natutulog. Siguro pwede naman akong tumabi sa kanila? Binura ko rin ang idea na iyon. Nagmasid-masid pa ako.

Madilim ang paligid. At sa pinakadulo ng ilalim ng tulay ay may isang barong-barong na napakadilim. Meaning: there's no one inside.

Hindi na ako nag-isip pa. I was so tired and sleepy. Gusto ko ng magpahinga so I decided to go there. Tama nga ako, there was no one inside the barong-barong. I sighed in relief and went inside. Nahiga agad ako sa karton.

Pero hindi pa rin ako makatulog. I was thinking of my mom. I heard her crying last week bago siya umalis ng bansa. She was calling Dad. Saka ko nalaman na nakunan pala dati si Mommy. Dapat pala may ate ako. And her name's Sandy. What a beautiful name. Pero namatay ang dapat ay ate ko. At hindi na pwedeng magkaanak ulit si Mommy pagkatapos niyang mag-50-50 nong ipanganak niya ako. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"Sino ka?!"

Gulat akong napadilat.

"Sino ka?" Ulit ng bulto na nasa bukana ng barong-barong.

Napakurap ako ng masilaw ako sa flashlight na hawak-hawak niya. Isang batang babae ang nandon at nakatingin sa akin.

Who is she? Oh, maybe she's the owner of this barong-barong. At mukhang nag-iisa lang siya. But she's too young to live on her own, right? Tingin ko, kaedad niya lang yung kinakapatid kong si Macey.

"Ssshhh... Sorry. Wag kang matakot... ako si Osang. Ate Osang..."

She was wearing an oversize shirt na halatang luma at marumi. And under that shirt, I know she's thin. Siguro dahil mahirap lang siya at wala siyang makain.

Trapped With HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon