Chapter One

10.3K 213 20
                                    

Empire University, HELLO Band Clubroom

NAKALUHOD si Riley sa sofa habang nakapalumbaba sa pasimano ng bintana. Sa ibaba ay pinapanood niya si Crayon, ang supladang pinsan ng kaklase niyang si Antenna, na kanina pa abala sa pagtetext. May nakapasak na earphones sa magkabila nitong tainga kaya halatang wala itong pakialam sa mundo.

He first met Crayon four years ago, during Empire's entrance examination. Maaaring hindi na nito naaalala iyon, pero siya, malinaw na malinaw pa sa isipan niya kung paano sila nagkakilala. Iyon ang dahilan kung bakit naaaliw siya sa tuwing nakikita niya ito.

"Bro, sinong sinisilipan mo d'yan?"

Naramdaman niya ang pagpatong ng braso ni Connor sa balikat niya. Pero bago pa nito makita si Crayon ay sinara na niya ang binata, saka niya hinarang ang katawan niya ro'n para hindi makasilip ang kapatid niya.

Connor smirked. "It's her, right? The girl you fancy?"

Hindi siya sumagot.

"Is it Crayola?"

"It's Crayon," asar na pagtatama niya rito. Napamura na lang siya ng mahina nang ngumisi si Connor. Nautakan siya nito.

"Ah, so it really is her." Tinabig siya nito at binuksan ang bintana. Hinayaan na niya dahil nahuli naman na siya nito. "Oh. She's alone. Bihira ko lang siyang makitang hindi kasama si Logan."

Tumas ang kilay niya. "Madalas mo siyang makitang kasama si Logan?"

"Kaklase ko si Logan kaya natural lang na madalas ko silang makitang kasama. Parati kasing naghihintay si Crayon sa tapat ng classroom namin." Tinapik-tapik siya nito sa balikat. "She already likes someone else, Ri. Go find another girl to fancy."

"I don't fancy girls."

"Kung gano'n, anong tawag mo sa pagtitig-titig mo kay Crayon?"

Tumikhim siya. "I'm merely observing her. Iniisip ko lang kung puwede ko siyang maging subject sa painting ko."

Ipinaikot nito ang mga mata nito. "Observe your ass, bro. Riley Mac Domingo doesn't "observe" a girl unless her name is Crayon and her last name is Pacia. You like her. Get over it."

Nangiti lang siya habang iiling-iling.

Napangiti rin si Connor. Pero makikita sa mga mata nito ang pag-aalala. "But seriously, masaya ako na may babae nang kumukuha ng atensiyon mo ngayon, Ri. Makakatulong 'yan sa'yo para makalimutan mo na ang nangyari noon."

Biglang nabura ang ngiti niya. Alam niya kung ano ang tinutukoy ng kapatid niya. "Imposibleng makalimutan ko pa 'yon," halos pabulong na wika niya.

Bumuntong hininga si Connor. "Kuya."

Ngayon lang uli siya tinawag na "kuya" ni Connor. Kaunti lang ang nakakaalam pero mas matanda siya ng isang taon dito. Inaakala lang ng karamihan na mas matanda si Connor dahil nasa ikalimang taon na ito ng kurso nitong Engineering, samantalang nasa ikaapat na taon naman siya ng kursong Fine Arts. Huminto kasi siya noon sa pag-aaral noon. Hindi na nila tinama ang akala ng karamihan tungkol sa edad nila dahil tinatamad silang magpaliwanag.

Marahang umiling siya. "Huwag na nating pag-usapan 'yan, Connor."

Nilagpasan na lang niya ito. Lumabas na siya ng classroom at didiretso na sana sa parking lot. Pero nakita niyang nakaupo pa rin si Crayon sa bench sa tapat ng college building niya. Namalayan na lang niya ang sarili niyang nasa harapan na ng dalaga.

"Hi," bati niya kay Crayon.

Katulad ng inaasahan niya, hindi siya pinansin o tinapunan man lang ng tingin ni Crayon at nagpatuloy lang ito sa pagte-text. Pero himbis na mainis ay napangiti pa siya sa ginawa nito.

Suplada talaga ang babaeng 'to.

Yumuko siya sa bandang tainga ni Crayon saka malakas na nagsalita sa tapat niyon. "Hi, Crayon!"

Napapiksi si Crayon. Tinuro nito ang earphones nito saka siya tinapunan ng masamang tingin. "May nakapasak na earphones sa tainga ko. Ibig sabihin, hindi ko gustong makipag-usap kahit kanino so leave me alone."

Walang babalang hinatak niya ang earphones nito na ikinasinghap nito. "It's rude to ignore people with that petty excuse. Ilang beses mo na kong hindi pinapansin, namumuro ka na. May sasabihin ako sa'yo kaya makinig ka."

Tinaasan siya nito ng kilay.

Bahagya siyang natigilan. Inaasahan kasi niyang lalayasan siya nito gaya ng madalas nitong gawin. But instead, she was looking back intently at him. Lumipad na sa hangin lahat ng ipinaglalaban niya. Ang gusto na lang niyang gawin ngayon ay titigan ang maganda nitong mukha.

Tumayo si Crayon at nilayasan na siya.

"Crayon, let's go grab something to eat!" sigaw niya para pigilan ito sa pag-alis.

Kunot-noong hinarap siya nito. "Hinihintay ko si Logan. May usapan na kaming sabay magla-lunch," mataray na sabi nito saka siya tinalikuran.

He rolled his eyes. "Logan, Logan. Puro ka Logan. Subukan mo namang mag-"Riley" minsan."

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now