Chapter Five

3.3K 133 0
                                    

"CRAYON, ikaw ang mag-cover ng Empire's Kite And Lantern Festival next week, okay?"

"Okay, Ate Ellie," sagot niya kay Ate Ellie na siya ring editor-in-chief ng student publication ng Empire.

Ang festival na tinutukoy nito ay ang okasyon kung saan sabay-sabay na magpapalipad ng saranggola ang mga estudyante ng Empire University sa open field nila. Pagsapit naman ng ala-sais ng gabi ay paper lanterns naman ang papaliparin nila. Isa iyong campaign to save mother Earth.

"Anyway, na-sprain kanina si Logan sa practice nila. Can you check on him for me? Madami pa kasi akong article na in-e-edit," pakiusap ni Ate Ellie.

Nilukob ng pag-aalala ang sistema niya para kay Logan. "Okay. Sisilipin ko siya."

Pagkatapos makipag-usap kay Ate Ellie ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa locker room ng tennis team, kahit pa ang sabi niya sa sarili niya ay iiwasan niya muna ito.

"Logan?" She found Logan sleeping on the floor. May bimpo sa mukha nito. Lumuhod siya sa harap nito. Napasinghap siya nang biglang hawakan ng binata ang kamay niya, saka ito bumango.

"Gotcha," sabi ni Logan sa seryosong tinig.

Binawi niya ang kamay niya mula rito, saka tumayo. He looked fine to her. "Mukhang maayos naman ang kalagayan mo."

Tumayo ito at namaywang. "Why are you avoiding me, Crayon?"

Nag-iwas siya ng tingin, at kinagat ang ibaba niyang labi. "Hindi kita iniiwasan."

"You bite your lip when you lie," he said matter-of-factly. "May nagawa ba kong kasalanan sa'yo?"

Pumikit siya ng mariin habang nag-iisip ng mabuti. Heto na 'yon. Hindi na niya kayang itago ang nararamdaman niya. Nasasaktan na siya, sumasama pa ang loob ni Logan. At sa pagdating ni Paige, na-threaten na ang posisyon niya sa buhay ng binata.

Nagmulat siya at humarap sa binata. "Are you in love with Paige?"

Halatang nagulat si Logan sa tanong niya. Tinangka nitong sumagot, pero walang salitang lumabas sa bibig nito. Bumuntong-hininga ito.

Something sharp struck her heart.

Pilit siyang ngumiti at tinapik sa balikat si Logan. "Kung mahal mo si Paige, huwag mo na kong alalahanin. Sampung taon mo na kong inaalagaan, Logan. Isipin mo naman ang kaligayahan mo ngayon."

Umiling ito. "Crayon, hindi kita puwedeng pabayaa –"

"Hindi na ko bata, Logan," sansala niya sa sinasabi nito. "Let me grow. Bigyan mo na ng oras ang sarili mo... at si Paige. Kalimutan na natin ang nangyari sa nakaraan. Kaya ko na."

"Crayon –"

She just smiled, shook her head and walked out on him. Tinatapik-tapik niya ang kanyang magkabilang pisngi habang naglalakad ng mabilis. "'Wag kang iiyak, 'wag kang iiyak –" Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. Napahikbi na rin siya.

Napaupo na lang siya sa matabang ugat ng puno na nadaanan niya. Niyukyok niya ang ulo niya sa mga tuhod niya. "Sinabi nang 'wag kang iiyak, eh!"

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now