Chapter Eight

3.4K 144 1
                                    

NANGINGINIG na sa lamig si Crayon. Mag-isa lang siya sa rooftop ng Journalism building dahil nagtatago siya. Hindi naman siya makauwi dahil inaabangan din niya ang pagpapalipad ng flying paper lanterns. Pagkatapos paliparin ni Riley ang saranggola kung saan nakalagay ang wagas nitong pagtatapat, hindi na siya tinantanan ng tanong ng mga kaeskwela niya tungkol sa totoong relasyon nila ng binata. Pati nga sina Ate Ellie at Antenna ay tinatanong na siya.

Hindi siya sanay na nagiging sentro ng atensiyon ng gano'n kalaking bilang ng mga tao kaya tumakbo siya at nagtago. Isa pa, kahit siya ay naguguluhan sa mga nangyayari.

Hindi niya makumbinsi ang sarili niya na may gusto talaga sa kanya si Riley. Si Logan lang ang tanging lalaki sa buhay niya noon, kaya parang nagulo ang mundo niya sa pagdating ni Riley. He was popular, and he was every girl's dream boy. To be his apple of his eye, she was flattered. Oo, sige na, masaya siya.

Ngayon lang kasi may nagpakita sa kanya ng gano'ng klaseng interes at talagang ipinagsigawan pa 'yon ng binata sa buong unibersidad nila. Aaminin na rin niya, kinilig siya sa kabila ng mga katanungan sa isip niya.

"Why me?" pabulong na tanong niya sa sarili. She sighed and looked up at the sky.

All her worries seemed to be washed away when she saw the flying paper lanterns making the evening sky vivid and lively. Ang gagandang pagmasdan ng mga iyon na animo'y maliliit na alitaptap ang mga iyon.

"Beautiful, aren't they?"

Marahas na nilingon niya ang nagsalita. Nagulat siya nang makitang nakatayo malapit sa kanya si Paige, at nakatingin din sa paper lanterns sa kalangitan. Hindi niya namalayan ang pagdating nito.

Dumako ang tingin ni Paige sa kanya. "Hello, Crayon. You've been quite popular today, huh?"

Alanganing ngiti lang ang sinagot niya rito. Kung alam na nito ang nangyari, malamang ay alam na rin iyon ni Logan.

Ano kaya ang naging reaksiyon niya?

Mahigit isang linggo na rin silang hindi nagkakausap man lang ni Logan. Parati din naman nitong kasama si Paige kaya nakakailang naman kung lalapit pa siya sa binata. Those days without him were hard, but not as hard as she thought it would be. In fact, unti-unti na rin siyang nasasanay na wala ang binata. She needed to.

Dumako ang tingin niya sa suot na jacket ni Paige. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagtantong kay Logan ang pulang varsity jacket na 'yon. Regalo niya iyon kay Logan noon. It was supposed to be sentimental, kaya bakit basta na lang nito iyong pinahiram sa girlfriend nito?

"Ah, pinahiram sa'kin ni Logan 'to," nakangiting paliwanag ni Paige nang marahil ay mapansing nakatitig siya sa jacket na suot nito. "It's kinda chilly tonight. But thanks to Logan's jacket, hindi na ko nilalamig." Nakangiting tumingala uli ito sa kalangitan, saka hinapit ang jacket sa katawan nito. "This jacket has Logan's scent. Pakiramdam ko tuloy, siya ang nakayakap sa'kin."

Kinagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang sarili niyang umiyak. Hindi niya alam kung nananadya si Paige o ano, pero talagang nasasaktan siya sa mga naririnig niya.

"Paige, ano'ng sinasabi mo kay Crayon?"

Sabay silang lumingon ni Paige sa pinto ng rooftop. Naroon si Logan. Pero mas pumukaw ng atensiyon ang kasama nito – si Riley.

"Riley," gulat na bulalas niya.

"Hello, Crayon," tila tinatamad na ganting-bati nito sa kanya, saka ito tumayo sa harap niya. Kinulong pa nito ang mukha niya sa pagitan ng mga palad nito. Ah, so warm. "Kanina pa kita hinahanap. Nagkita na nga kami nitong kaibigan mo sa paghahanap ko sa'yo."

"Paige, my jacket –"

"Ah, yes. Your jacket. Actually, kakakuwento ko nga lang kay Crayon kung gaano kasarap isuot itong jacket mo." Nakangiting binalingan ni Paige si Riley. "Riley, if you want to win Crayon's heart, you should be a gentleman and lend her your jacket."

"Rather than lending her my jacket..." Riley suddenly put his arms around her shoulders from behind. Because he was taller than she was, he managed to put his chin on top of her head. She could feel the warmth and the strength of his body behind her. It felt good. "I would just warm her with my hug. Human heat is much better anyway." And his hot breath was tickling her ear and neck!

Jusmio! Malapit na kong mawalan ng ulirat!

"Crayon, anong namamagitan sa inyo ni Domingo?" kunot-noong tanong ni Logan.

Humigpit ang pagkakayakap ni Riley sa kanya, na para bang sinasabi nitong ipagtanggol naman niya ito. "Logan, Riley is... someone I let to be a part of my life."

Hindi niya alam kung saan nanggaling 'yon, o kung sinabi niya lang iyon para may maisagot siya kay Logan. Pero nang bitawan niya ang mga salitang iyon, alam niyang galing iyon sa puso niya.

Tumikhim si Paige. "Ayun naman pala, eh. Hayaan na natin sila, Logan." Kumapit na ang dalaga sa braso ni Logan at hinila paalis ang binata, kahit mukhang ayaw pa ng huli. "Bye, Crayon! Bye, Riley!"

Nang tuluyan nang sumara ang pinto, parang naubusan siya ng lakas. Napasandal siya sa solidong katawan ni Riley sa kanyang likuran. Hindi naman ito nawalan ng balanse sa biglaan niyang pagsandal dito. Niyakap pa nga siya nito ng mas mahigpit.

May maliit na bahagi pa rin pala niya ang nasasaktan at nanghihinayang na tuluyan nang nawala si Logan sa kanya. Nakakayanan naman niyang makitang magkasama sina Logan at Paige, pero iyong harap-harapang ipamukha ng dalaga na nagagawa nito ang mga bagay na hindi nila nagawa ng best friend niya noon, iyon ang masakit.

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now