Chapter Nineteen

3.4K 137 2
                                    

TAHIMIK lang si Crayon habang pinapanood si Riley na asikasuhin siya. Naroon sila ngayon sa kuwarto niya sa bahay. Kalalabas lang niya ng ospital. Masaya siyang hindi umalis sa tabi niya ang binata kahit nalaman na nito ang sekreto niya, pero mas nangingibabaw sa kanya ang kalungkutan dahil nararamdaman niyang may malaki nang nagbago.

Ayaw man niyang aminin, pero alam niya sa kaibuturan ng puso niya na nawawala na sa kanya si Riley. Marahil ay hindi nito gano'n katanggap ang nakaraan niya.

"Crayon, magpahinga ka na," mahinang wika ni Riley.

Tumango siya at pilit na ngumiti. "Salamat sa pagsama sa'kin sa ospital sa nakalipas na dalawang araw, at sa paghahatid sa'kin sa bahay."

Tumango lang ito. Hinila niya ito paupo sa gilid ng kama niya. Niyakap niya ito, pagkatapos ay siya na ang naunang humalik dito. Tumugon naman ang binata sa halik niya, pero mabilis din nitong pinutol iyon.

"Uuwi na ko," paalam ni Riley. "Matulog ka na. Kailangan mo nang bumalik sa school bukas. Graduating student ka kaya hindi ka dapat lumiban ng matagal sa klase. Don't worry, I'll keep you safe."

Yumuko siya. "Okay."

Narinig niyang bumuntong-hininga si Riley. Niyakap siya nito at hinalikan sa noo. "I love you, Crayon."

Kahit paano ay gumaang ang kalooban niya sa sinabi nito, kahit pa wala siyang maramdamang emosyon sa boses ng binata. "I love you, too, Riley."

Pagkaalis ni Riley ay ang ina naman niya ang pumasok sa silid niya. May dala itong hot chocolate. Pagkalapit pa lang nito sa kanya ay niyakap na niya ito.

"Mama, ramdam ko, may nagbago na kay Riley," natatarantang bulalas niya, kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina pa niya pinipigil. "Ang layo-layo na niya sa'kin. He became cold and distant!"

Naramdaman niya ang paghagod ng ina niya sa likuran niya. "Anak..."

Napahikbi siya. "Let's face it, 'Ma. Hindi madaling tanggapin ang nakaraan ng tulad ko! Kahit si Riley siguro, nandidiri na sa'kin dahil sa nangyari sa'kin noon. Ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko ngayon, 'Ma. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko."

Her mother cupped her face. Bakas ang matinding sakit sa mga mata nito. "That's not true, daughter. Don't say that. You're beautiful. And I love you. Always remember that."

Tuluyan na siyang napaiyak. "Nahihirapan na kong kumbinsihin ang sarili kong may magmamahal pa sa tulad ko bukod sa inyo. I don't want to lose Riley, 'Ma. I'm so scared to lose him. I love him."

Napaiyak na rin ang ina niya. Niyakap siya nito. Sapat na iyon para mapawi ang sakit sa puso niya ng mga sandaling iyon. Mahal at tanggap siya ng pamilya at mga tunay niyang kaibigan sa kabila ng mga nangyari sa kanya noon.

Pero nadudurog ang puso niya isipin pa lamang na hindi kasama si Riley sa mga taong may kakayahang tanggapin siya ng buo.



***

MALALAKI ang hakbang ni Crayon habang papunta siya sa clubroom ng bandang HELLO.

"Crayon, kumalma ka lang," natatarantang wika ni Antenna.

"Kumalma?" hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa sinabi nito. "Antenna, paano ako kakalma gayong tatlong araw nang hindi nagpapakita sa'kin si Riley? Paano ako kakalma kung bigla na lang naglaho ang boyfriend ko pagkatapos niyang malaman ang nakaraan ko?" Pinunasan niya ang mga luha niyang basta na lang pumatak. "Kung gusto niyang tapusin na ang lahat sa amin, sabihin niya 'yon sa'kin ng harapan!"

Kinalampag niya ang pinto ng clubroom. Ilang sandali pa ay bumukas iyon. Bigla siyang kumalma nang sumalubong sa kanya ang isang magandang babae.

Kumunot ang noo niya. "Sino ka?"

Ngumiti ang babae. "I'm Madison. Kapatid ako nina Kuya Riley at Kuya Connor."

Nabuhay ang munting pag-asa sa kanyang puso. "Ako nga pala si Crayon. Alam mo ba kung nasaan si Riley?"

Bago pa makasagot si Madison ay sumulpot na mula sa likuran nito ang malaking bulto ni Connor. Ang binata ang sumagot sa kanya. "Crayon, pasensiya ka na pero sa tingin ko, makakabuti kung hindi muna kayo magkikita ni Riley."

Tumingin siya kay Madison. Isang malungkot at humihingi ng pasensiyang ngiti lang ang isinagot nito sa kanya.

Tuluyan na siyang napaiyak. "That's so unfair. Bigla na lang naglaho ang kapatid niyo pagkatapos kong sabihin sa kanya ang bahagi ng nakaraan ko."

Niyakap siya ni Connor. "I'm sorry, Crayon. I'm really, really sorry."

Umiling siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Tell your brother to stop being a coward. Kung ayaw na niya, tatanggapin ko naman 'yon. Ang gusto ko lang, marinig kong sabihin niyang hindi na niya ko gusto. Mas masakit 'yong ganitong pinagtataguan niya ko."

Nanatili lang si Connor na nakayakap sa kanya, habang patuloy siya sa mahinang pagbayo sa likod nito na animo'y ito ang tumatanggap sa pananakit niya na dapat ay si Riley ang tumatanggap.

Narinig niyang humikbi si Madison. "Kuya Connor, bakit hindi na lang natin sabihin kay Crayon ang totoong dahilan kung bakit hindi siya maharap ni Kuya Riley?"

Huminto ang pagpatak ng mga luha niya. "Anong ibig mong sabihin, Madison?"

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now