Chapter Fourteen

3.2K 129 1
                                    

NARAMDAMAN ni Riley ang pagkabog ng dibdib niya nang mabasa ang signage sa malaki at lumang bahay na pinuntahan nila. Iyon ang address na binigay ni Crayon sa kanya.

Shelter for Abused Children.

Mariing pumikit siya. Bumalik sa isipan niya ang imahe ng umiiyak na batang babae. Mas malala pa ngayon ang ala-alang iyon dahil naririnig na niya ang pag-iyak nito at paghingi ng tulong sa kanya. He saw the younger version of him in his mind, but he ran away.

I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry.

Naramdaman niya ang paghawak ni Connor sa balikat niya. "Ri, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.

He opened his eyes. Ikinuyom niya ang mga kamay niya habang kinakalma ang sarili niya. "I'm okay."

"Are you sure? This place probably reminds you of what happened years ago."

Mariing umiling siya. "Okay lang ako, Connor." Lumabas mula sa malaking bahay si Crayon na may kasamang mga bata. Para siyang nabunutan ng malaking tinik nang makita ang dalaga. "Okay na ko."

Tumingin sa direksyon niya si Crayon, saka lumapit sa kanya. "Riley. Salamat at nakarating kayo." Tumingin ito sa mga kabanda niya na nasa likuran niya. "Tiyak na matutuwa ang mga bata. Halika. Kumain muna kayo ng tanghalian."

"Shark!"

Napatingin siya sa kaklase niyang si Antenna na kalalabas lang ng bahay. Sinalubong agad ni Shark ang nobya nito. Nagulat siya nang lumabas din do'n si Peanut. Maging si Bread ay nagulat.

"Peanut. Bakit hindi mo sinabi sa'kin na nandito ka pala?" nagtatampong tanong ni Bread.

Yumakap si Peanut sa baywang ni Bread. "Sorry, Bread. Gusto lang naman kitang i-surprise kaya sinabi ko kina Antenna at Crayon na 'wag sasabihin sa'yong kasama ako. Happy monthsary, baby." Hinalikan nito sa pisngi ang nobyo nito.

Dahil sa ginawa ni Peanut na paghalik sa pisngi ni Bread ay may naalala siya – ang paghalik ni Crayon sa pisngi niya. Mukhang naalala din iyon ni Crayon dahil napatingin din ito sa kanya.

"A-anong tinitingin-tingin mo d'yan?" tanong ni Crayon. Namumula ang mga pisngi nito.

Si Riley naman ay nanatiling nakatingin lang kay Crayon. Nararamdaman din niya ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Nag-iwas siya ng tingin sa dalaga para hindi nito mapansin ang pamumula ng mukha niya. Hindi niya alam kung paano mahaharap ng maayos si Crayon kung sa tuwina ay naaalala niya ang paghalik nito sa pisngi niya. Parang nararamdaman pa rin niya ang maiinit at malalambot na labi nito sa pisngi niya. Hindi niya alam kung pa'no kokontrolin ang nararamdaman niya kaya natatameme siya ngayon.

Tumikhim si Antenna. "Ahm, kumain muna tayo. Nakahanda na ang lunch."

Nagulat si Riley nang hawakan siya ni Connor sa balikat saka siya binulungan. "Bro, I can't believe that a rocker like you who sings in front of a huge crowd can get tongue-tied while talking to the girl he likes."

Inalis niya ang kamay nito sa balikat niya. "Tumigil ka nga, Connor."

Dumako ang tingin niya kay Crayon. Nilalabas nito mula sa nakabukas na van ang naka-Styrofoam na mga pagkain. Natulala na naman siya habang pinapanood ito. Ah, she looked cuter today. Akmang lalapit na siya kay Crayon para tulungan ito nang matigilan siya. Mula kasi sa likuran ni Crayon ay sumulpot ang isang lalaking naka-shades – si Logan!

Parang huminto sa pagtibok ang puso niya nang makitang masayang nagkukuwentuhan ang dalawa. Bakit nga ba hindi niya naisip na maaaring naroon si Logan? 'Yon lang naman ang maaaring dahilan kung bakit sinama siya ro'n ni Crayon.

Again, ouch.

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon