Chapter Sixteen

3.4K 145 6
                                    

NAGTATAGO si Crayon sa likuran nina Antenna at Peanut. Nagpunta sina Antenna at Peanut sa clubroom ng HELLO para dalhan ng packed lunch ang kanya-kanyang nobyo ng mga ito na sina Shark at Bread. Naroon din siya para ibigay ang hinanda niyang packed lunch para kay Riley pero nahihiya siya rito.

Pagkatapos kasi ng mga sinabi niya sa shelter, alam niyang alam na ni Riley na mahal niya ito. Katulad nga ng sinabi nito, ipinagpatuloy nito ang pagbuntot-buntot sa kanya gaya ng ginagawa nito noon. Pero ang pinagkaiba lang, ngayon ay masaya na siya kahit bigla na lang itong sumusulpot sa tabi niya ng walang pasabi.

Nang lumapit si Antenna kay Shark, at gano'n din si Peanut kay Bread ay nawalan na si Crayon ng pagtataguan. Itinakip na lang niya ang dala niyang paperbag sa mukha niya.

"Crayon," narinig niyang wika ni Riley. "Don't do that. I can't see your face."

Ilang segundo lang ay inagaw ni Riley sa kanya ang hawak niyang paperbag. Hinawakan siya nito sa braso at inakay papunta sa pahabang sofa sa gilid ng pinto ng clubroom.

"Pupuntahan na sana kita, pero naunahan mo ko," sabi ni Riley nang umupo ito sa tabi niya. "Not that I'm complaining, pero bakit nadalaw ka rito?"

Tumikhim siya at tinuro niya ang paperbag na nasa pagitan nila. "Dinalhan kita ng lunch."

Saglit na natigilan si Riley. "Really?"

Nilabas niya mula sa paperbag ang Tupperware na naglalaman ng kanin at ng niluto niyang menudo. Binuksan niya iyon at pinatong sa mga hita ni Riley. Inalis niya ang tissue na nakabalot sa kutsara at tinidor at inabot din iyon sa binata.

"Kumain ka na," sabi niya rito habang pinipigil ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Iba pala ang pakiramdam kapag si Riley ang pinagsisilbihan niya.

"Ikaw ang nagluto nito?" Nilingon siya ni Riley. "Para sa'kin?"

Natawa siya ng marahan. Riley looked so hopeful. Para itong bata. "Oo. Ako ang nagluto niyan para lang sa'yo."

Maingat na binaba ni Riley ang Tupperware sa pagitan nila, pagkatapos ay walang imik itong tumayo at naglakad patungo sa bintana ng clubroom. Binuksan nito ang bintana. Humawak ito sa pasamano saka humugot ng malalim na hininga. Pagkatapos ay sumigaw ito ng malakas. "Empire University! Ipinagluto ako ng lunch ni Crayon Anne Pacia! I'm so happy I entered this school!"

Narinig ni Crayon na nagtawanan at naghiyawan ang mga estudyante sa labas na nakarinig kay Riley. Natawa rin ang mga kasama nila sa clubroom na sina Shark, Antenna, Bread at Peanut.

"Riley!" saway niya rito.

Natawa lang si Riley. Pagkatapos ay bumalik na ito sa tabi niya.

"What was that for?" sermon niya rito.

Ngumisi ito. "Gusto ko lang malaman ng lahat na kinikilig ako."

Nag-iwas siya ng tingin dito para maitago rito ang tiyak na pamumula ng mukha niya. "Kumain ka nga lang d'yan."

"Aye, aye, Ma'am."

Nasa kasagsagan ng masiglang pagkain si Riley nang dumating si Connor. Nakasimangot ito habang may dalang malaking libro. It looked like a yearbook.

"'Uy, nakuha mo na pala ang yearbook natin," nakangiting sabi ni Shark. "Sa wakas!"

"Ayoko na sanang kunin 'yan pero kinukulit ako ni Madison. At ang pangit ko d'yan," nakasimangot na sabi ni Connor, saka nilapag sa mesa ang yearbook.

"Magkakaklase rin pala kayo no'ng high school," komento ni Peanut habang binubuklat ang yearbook. Nasa tabi ng dalaga si Antenna na nakikisilip din.

"Yes, baby. Same section for four years," sagot ni Bread.

Impit na tumili si Antenna. "Shark! Ang cute-cute mo no'ng high school ka!"

"Baby, hanggang ngayon naman cute ako."

Nilingon ni Crayon si Riley. Sinasara na nito ang Tupperware no'n dahil tapos na itong kumain. Ang bilis. "Riley, I want to see your yearbook. Gusto kong makita ang itsura mo no'ng high school ka."

"Wala akong yearbook."

"What do you mean?"

"Hindi ako nag-high school sa isang eskwelahan. Nag-home study lang ako."

Nagulat siya. "Sa apat na taon ng high school, nag-home study ka lang?"

"I was accelerated. Two years ko lang kinuha ang high school. Then, I took up Business Management in a business school before I entered Empire for Fine Arts."

"He's a freakin' genius. Hindi lang halata," komento ni Connor.

"How old are you, Riley?" kunot-noong tanong ni Crayon.

"Twenty two. Mas matanda ako ng isang taon kay Connor."

Nagulat uli siya. Ito pala ang panganay sa Domingo Brothers. "Magkasing-edad pala tayo."

Si Riley naman ang nagulat. "Twenty-two ka na rin? I thought you were younger."

"Huminto kasi ako sa pag-aaral for two years."

"Why?"

Nagtama ang mga tingin nila ni Antenna dahil sa tinatakbo ng usapan nila ni Riley. Halatang naging alerto ang pinsan niya. Pasimpleng sinenyasan niya ito at sinabing ayos lang siya.

Nagkibit-balikat siya. "I was at the rebellious age then," pagsisinungaling niya.

Natawa si Riley. "Interesting."

Pabirong hinampas niya ito sa braso na ikinatawa lang nito lalo. Niligpit na niya ang pinagkainan ni Riley at tumayo na. "Aalis na ko. May klase pa ko."

Tumayo si Riley at kinuha mula sa kanya ang bag at mga gamit niya. "Ihahatid na kita sa classroom mo."

Tumango siya. Matapos magpaalam sa mga kaibigan nila ay lumabas na sila ni Riley ng clubroom. Habang naglalakad sila sa pasilyo ay napansin niyang pinagtitinginan sila ng mga estudyante na halos lahat ay nakangiti sa kanila. Parang naging teleserye na kasi ang love story nila ni Riley na sinusubaybayan ng mga taga-Empire.

Mayamaya ay naglakad paatras si Riley habang nakaharap sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "Anong ginagawa mo?"

Ngumiti ito. "I want to see your face while walking."

Napilitan siyang hawakan ito sa braso at hilahin para hindi ito bumunggo sa locker na nadaanan nila. "Sira ka talaga. Umayos ka nga ng paglalakad."

Inalis nito ang kamay niya sa braso nito para hawakan iyon. Hindi pa ito nakuntento dahil maging ang isang kamay niya ay hinawakan din nito. "Alalayan mo na lang ako. Gusto kong makita ka habang naglalakad ako," paglalambing nito.

Napangiti siya. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa mga kamay nito. "Bakit ba kailangan mo pa kong titigan habang naglalakad ka?"

"Bukas na uli kasi kita makikita dahil hanggang alas-otso ang klase mo. Mami-miss kita."

Kinagat niya ang ibaba niyang labi. "Ihahatid mo naman ako pauwi, 'di ba?"

Kumislap ang mga mata nito. "Pumapayag ka nang ihatid kita sa bahay niyo?" Tumango siya. He broke into a wide smile. "Pumapayag ka na ring sunduin kita araw-araw?" Tumango uli siya. He chuckled in delight. "Pumapayag ka nang makipag-date sa'kin?"

Nagpanggap siyang nag-iisip. "Pilitin mo muna ko."

Natawa ito. Pagkatapos ay bigla na lang kumanta. "Akin ka na lang. Akin ka na lang. Iingatan ko ang puso mo. Akin ka na lang. Akin ka na lang. Wala nang hihigit pa sa'yo."

Napasinghap siya nang makitang hagdan na pala ang nasa likuran ni Riley. Hinila niya ito para hindi ito mahulog, pero napalakas ang hila niya rito kaya halos sumubsob na ito sa kanya.

Pero dahil ito ang mas matangkad, siya ang nasubsob sa dibdib nito. Naramdaman naman niya ang mabilis na pagyakap ng binata sa kanya habang nasa kalagitnaan sila ng mga estudyanteng akyat-baba sa hagdan.

"Five seconds," bulong ni Riley habang nakasubsob ang mukha nito sa buhok niya.

Tumango lang siya. Kahit fifty hours pa siguro ang hingin ni Riley, papayag siyang magpayakap dito nang gano'n katagal.

A Rocker May Get Tongue-tied (Complete)Where stories live. Discover now