꧁ ҳҳıѵ | ʋıєŋɬıƈųąɬгơ

2.4K 235 446
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Taliwas sa kinagawiang paggising, hindi ang nakakasilaw na silahis ng araw ang siyang nagpamulat sa akin. Kung hindi ang impit na huni ng mga kuliglig na lalong nagpahimpil sa aking pagtulog.

Hindi ko na mabilang kung nakakailang ingit na ba ang mga kuliglig sa tabing bakuran. Kahit anong pilit kong ibalik sa alapaap ng karimlan ang aking diwa ay wala itong naidudulot.

Hindi ako makatulog.

Pinilit ko pang gawing oyayi ang huni ng mga kulilig ng ilang minuto. Ngunit sa huli'y napabalikwas ako ng higa at kunot noong napadilat.

Oyayi : Lullaby

Walang rumehisto sa aking paningin kung hindi purong kadiliman. Ni hindi ko nga alam kung nakadilat na ba ako o isa lamang itong panaginip. Dahil walang elektrisidad dito ay lubhang napakadilim tuwing namamayagpag sa kalangitan ang tila brilyanteng buwan.

Unti-unti kong ikinurap-kurap ang aking mga mata upang masanay sa kadiliman ng lugar. Ako'y umupo at nagliyad para banatin ang aking mga butu-buto. Pagkaraan ay lumingon sa nakasaradong bintanang capiz.

Buhat ng nakaladlad ang mahahabang sultang kurtina ay hindi gaanong tumatagos sa loob ng aking silid ang liwanag ng buwan.

Nagpasya akong tumayo't tumungo rito upang sandaling buksan ang bintana. Hinawi ko ang isang kaputol ng sutlang kurtina at itinali ito gamit ang lasong may palawit na borlas. Saka ko dahan-dahang iniurong nang bahagya ang bintanang capiz.

Borlas : Tassel

Sumalubong sa akin ang napakalamig na ihip ng hangin at ang kumikinang na liwanag ng buwan. Ang mga tala ay kumukuti-kutitap sa kalangitan. Tahimik ang bawat lansangan. Sa wari ko'y kapag tumikhim lamang ako ay maririnig na ito hanggang sa itatlong tahanan.

Muling nanumbalik sa akin ang alaala ng kahapon. Kung paano na lang lumitaw sa aming harapan ang isang ginoong kathang isip lamang. At binuwag niya ang inaakala kong imposible nang ako'y kanyang batiin.

Hindi na mapagkakaila kahit alam kong hindi kapani-paniwala. Hindi lang ako basta napunta sa sinaunang panahon. Nasa loob ako ng isang pamosong katha ng ating bayani.

Huminga ako nang malalim dahil nagsisimula na naman akong lamunin ng pangamba at takot.

Muli kong inilibot ang aking paningin sa mga balay na tila walang naninirahan dahil sa dilim. Hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa buwan.

Naningkit ang aking mga mata sa paglaon nang pagtitig ko rito. Tila ba tinutukso ako ng buwan dahil sa mga nangyayari sa akin. Kaya naman nag-iwas ako ng tingin at tuluyan nang isinarado ang bintana.

Tumuloy ako sa aparador upang kumuha ng maisusuot. Napili ko ang simpleng bistida na kulay kape at alampay na gawa sa kulay puting balahibo ng tupa. Hindi na ako nagpalit ng bakya sapagkat nababagay naman ito sa aking gayak.

Alampay : Shawl

Umupo ako sa harap ng tokador para suklayin ang aking buhok. Kinuha ko ang kulay puting laso na nakatago sa isa sa mga kalsunsilyo ng tokador at itinali itong palibot sa aking buhok.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now