꧁ ҳıѵ | ƈąɬơгƈє

2.3K 212 117
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Matapos ang hapunan ay maaga akong pinaakyat ni Doña Soledad sa aking kuwarto upang matulog.

"Anong oras na?" tanong ko kay Crispin nang samahan niya ako sa pag-akyat.

"Las siete y cincuenta na po ng gabi, Señorita Mirasol," sagot naman nito at saka ako pinagbuksan ng pinto.

Nagpasalamat muna ako kay Crispin bago tuluyang pumasok sa aking silid.

Sinabi ni Don Tiburcio kanina habang kami ay nakain na hindi siya makakasama sa San Diego. Ito ay sa kadahilanang siya ang mamamahala ng hacienda at ng pagawaan ng lambanog dito sa Santa Cruz, Maynila.

Dumiretso na ako sa higaan at pabagsak na humiga. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago hinawakan ang kwintas ko at itaas ito sa aking paningin.

"Yuan Karlo Crisostomo," banggit ko sa buong pangalan ni Yuan. Umaasang sa pagsambit ko ng pangalan niya ay mapupunta siya rito sa aking tabi.

Kailangan ko nang ayusin ang aking sarili. Hindi na ako dapat mangapa at mag-alala sa bawat maliliit na bagay na nangyayari sa akin dito.

Hindi ako naniniwala sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari ngunit sa nangyayari sa akin ngayon ay tinatanggal nito ang lahat ng lohikal at pang-agham na paliwanag na naiisip ko.

Kailangan kong ikalma ang aking sarili at lumikha ng isang plano upang pansamantalang umangkop sa mundong ito.

Kasalukuyan akong naririto sa Filipinas sa taong isang libo walong daan at walumpu't walo. Sa pamamagitan ng misteryosong talaarawan na nakita ko sa silid ni Jaeha-himesama. Pagkatapos ay nakita ko ang parehong talaarawan sa isang tindahan ng mga libro ni Ta Karyo rito.

Bakit?

Anong sadya ko upang mapunta rito? Tulad din ba ito sa mga nababasa kong kuwento na may misyong kailangang gampanan?

Kung oo, ano ito? Gusto ko nang bumalik. Ayoko rito.

Napakaraming mga katanungan at konklusyon ang umiikot sa aking isipan hanggang sa hindi ko napansing nakatulog na ako.

"Humayo na po kayo, señorita..." dinig ko sa aking diwa.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog ngunit ayoko pang bumangon. Kaya naman hindi ko ito pinansin at pinilit bumalik sa pagkakahimbing.

"Señorita..."

"Señorita Mirasol..."

Paulit-ulit na pagtawag sa akin ng isang matinis na boses na pagmamay-ari ng isang batang babae.

Kunot noo akong bumalikwas sa pagkakahiga at tinitigan ang gumigising sa akin.

Si Crispin ito na nakaluhod na sa gilid ng aking kama upang gisingin ako. Nakatali ang buhok niya at banayad ang kanyang kasuotan.

"Crispin," pagbati ko sa kanya. Ngumiti siya at bumaba na sa aking kama.

"Las cuatro na po ng umaga. Pinapagising na kayo ng doña upang mag-gayak sa ating paglisan," kuwento ni Crispin habang kinukuha ang nakatabing tampipi sa ilalim ng kama.

Kahit na medyo na-inis ako sa maaga naming paggising ay ngumiti ako't tinanguan si Crispin. Isa pang ikinaiinis ko ay hinawakan na naman niya ako. Hindi ko na naman maiwasan magitla sa hawak niya.

Alam kong walang kasalanan ang bata pero sa tuwing may humahawak sa akin ay nilalamon ako ng takot at poot. Ngunit imbis na pangaralan pa si Crispin ay minabuti ko na lamang na manahimik.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now