꧁ ҳıı | ɖơƈє

2.3K 227 155
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

Ang buwan ay unti-unti nang natatakpan ng makakapal na ulap. Bilog na bilog ito ngayon at tila ba mas matingkad pa kumpara nitong mga nagdaang gabi.

Maaga akong ginising ni Crispin upang mag-gayak at maghanda sa aming pag-alis. Napupuno ng liwanag ng mga lampara't gasera ang buong hacienda at ang iba pang tahanan. Ito'y aking natatanaw mula sa azotea ng ikalawang palapag ng hacienda na siya namang katabi ng aking silid.

Azotea : Balcony

Malakas ang hanging dinadala ang mahaba kong buhok na nakalugay. Mamasa-masa pa ito dahil kakatapos ko lang maligo mula sa malaking paliguan sa ibaba.

Kakaalis lamang ni Juan Vicente upang pamunuan ang ilang mga guardia civil sa pagbabantay.

"Señorita, narito na po ang pinasadyang kasuotan para sa inyo," anunsyo ni Crispin na hindi ko namalayang nakalapit na sa akin.

Dala-dala niya ang isang malaking tampipi. Agad ko iyong kinuha mula sa kay Crispin dahil mukhang nahihirapan na siyang buhatin ito.

"Ako na lamang po ako magbubuhat." Giit ni Crispin saka sinubukang kuhain pabalik sa kanya ang tampipi.

Nauna na akong maglakad upang hindi na niya ito maagaw pa.

"Samahan mo na lamang akong sukatin ang baro't sayang ito," mungkahi ko naman bago tuluyang pumasok sa aking kuwarto.

Ibinaba ko sa malaking kama ang tampipi habang sumunod naman sa akin si Crispin na siyang nagsarado ng pinto.

Naglakad siya papunta sa nakabukas na bintanang capiz at ibinaba nito ang kurtinang gawa pa sa mamahaling tela na hinabi-habing bulak.

Sa loob ng malaking tampipi ay may isa pang maliit kasama ang isang kulay puti't abong damit.

Ito'y aking kinuha at laking gulat ko nang mapagtantong hindi ito baro't saya kung hindi isang bestida.

"Ang señorito po ang nagmungkahi sa disenyong iyan sapagkat iyan daw po ang istilo ng inyong kasuotan nang kayo'y unang makita ng doña at ng señorito," paliwanag ni Crispin sa akin.

Itinaas ko pa ang pagkakahawak sa damit upang makita ng buo ang itsura nito.

Tulad din siya ng baro't saya na may mahahabang manggas ngunit hanggang balikat lamang ang makakapal na tela. Napalitan ito ng manipis at medyo see-through na telang may burda ng bulaklak sa bandang dulo.

Kulay abo ang maninipis nitong tela habang kulay puti ang hanggang balikat na manggas. Ang malaking panuelo nito ay kulay abo rin at may dalawang manipis na linya sa gitna gamit ang puting sinulid. Ang baro ay kulay puti na may burdang kremang bulaklak.

Ang panuelo ay isang shawl na ipinapatong sa baro.

Ngunit hindi ito tulad ng tradisyunal na baro't saya. Nakadugtong sa baro ang saya nito na tulad ng mga gown sa kasalukuyang panahon.

Ang puti nitong tela sa baro ay lumagpas hanggang sa may bandang pwetan bago mapalitan ng kulay abong saya. Ang dulo ng puting saya ay naka-frill styled habang may nakaburdang maninipis na puting linya sa bandang dulo ng abong saya.

Kakaiba at nakakabighani ang ganda ng baro't sayang ito.

"Ngayon lamang po ako nakakita ng ganyang uri ng baro't saya. Tiyak pong aangat ang iyong karikitan sa handaan," papuri ni Crispin habang nakangiti sa akin.

Maingat kong inilapag sa kama ang damit saka binuksan ang maliit na tampipi. Laman nito ang bakya at mga koloreteng susuotin ko sa handaan.

Ang bakya ay may kaunting takong na halos kalahating pulgada na gawa sa kahoy. Ang malapad nitong strap ay kulay abo na may maninipis na linya ng puting sinulid sa gitna.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now