Prologue

1.5M 28.1K 17.1K
                                    

"At para maging mas masaya ang ating pananatili rito, maglalaro tayo." Wika ni Agatha habang nakaupo nang pabilog ang lahat habang siya naman ay nakatayo sa gitna.

Naglabas siya ng bowl at ipinakita sa mga kaklase.

"Ahm, guys! Bubunot tayo lahat dito sa bowl of surprise na kung saan ay may nakalakip na letra. Kaya kung ano ang letrang panghahawakan mo, ayun ang magiging DARE o kaya ay TRUTH sa ating laro." Paliwanag niya.

"Haha, kundi niyo lang alam. Ang letrang panghahawakan ninyo ay magiging sanhi ng kamatayan niyo! Haha!" Wika ng isang tinig.

"So ibig sabihin, TRUTH or DARE ang lalaruin natin? Na kung saan kapag napili mo ay TRUTH ang sasagutin mo ay kung ano word ang ibibigay sayo ng magtatanong at ganun din sa DARE?" Wika ni Nikka.

"Oo tama ka! Kaya bawal ang KJ! Enjoy lang natin ito!" Wika niya at pinaikot-ikot na nga ang bowl of surprise.

"Ngayong nakabunot na ang lahat, simulan na natin. Spin the bottle muna siyempre." Wika ni Agatha at sinimulang paikutin ang bote.

At ayun nga, nag-eenjoy silang lahat sa kalokohan ng bawat-isa.

Si Adrian naman ang nagspin ng bottle ngayon at ito ay tumapat kay Mae.

"Ano Mae? Truth or Dare?" Tanong ni Adrian.

"Dare na lang para mas masaya! Haha!" Wika ni Mae na wagas pa kung makatawa.

"At dahil may pagkaboyish ka at hindi kami sigurado kung tomboy ka ba o hindi, ang letrang pinanghahawakan mo ay?" Tanong ni Adrian.

"Letter O! Huwag mong hihirapan, ah? Kundi sapak aabutin mo sa akin!" Wika ni Mae na nanakot pa.

"Ang naisip kong word ay OPERATION! Kaya ang gagawin mo ay OPERATION, Seduce Karlo! Haha! Galingan mo ah? Tingnan natin kung maaakit mo ang pinakamahangin sa atin haha!" Wika ni Adrian na tawa nang tawa.

"Gusto ko iyan! Sige nga Mae! Seduce me if you can!" Pang-aakit ni Karlo.

"Iyan ba ang gusto mo? Sige, sisiguraduhin kong mag-iinit ka!" Wika niya at nilapitan si Karlo.

Ngayon, silang dalawa ay nasa gitna ng bilog para gawin na ni Mae ang kaniyang Dare.

Hinagod ni Mae ang likod ng binata habang naglilikod ito papaharap. Maganda si Mae, kahit sino ay matetemp kapag inakit niya kaso nga lang may pagkaboyish.

"Wow, inaamin ko, sa paghagod mo pa lang, binuhay mo na ang alaga ko." Wika ni Karlo na ngayo'y parang tinamaan na kay Mae.

"Ok ok, pwede na! Oh let's say na bagay kayo! Haha!" Wika ni Adrian na inaalaska ang dalawa.

Bumalik na sa upuan ang dalawa. Nagpatuloy sila sa paglalaro hanggang sa dalawin na sila ng antok.

"Ok guys! Good night! Sweet dreams!" Wika ni Agatha sa mga kasama at natulog na nga ang lahat.

Alas tres ng umaga ng maalimpungatan si Mae at nauhaw kaya tinungo niya ang kusina.

Pagkarating niya roon ay uminom siya ng gatas.

"Masarap ba? Eh yung kay Karlo ba masarap?" Wika ng isa sa kaniyang mga kaklase.

"Haha, bakit mo naman naitanong iyan? Tsaka hindi naman kami no! At hindi ako gross! Ang bastos mo!" Wika ni Mae sabay sara ng ref.

"Hahaha! MU kayo right? Patagong pag-ibig nga naman oh!" Wika nito habang nakasandal sa may pader malapit sa lutuan.

"Paano mo nalaman? Huwag kang maingay! Secret lang natin iyon ah?" Wika ni Mae sabay lapit dito.

"Huwag kang mag-alala, secret lang natin iyon. Pero tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag." Wika nito.

"Huwag ka namang ganiyan. Parang tinatakot mo ako eh." Wika ni Mae na umasta na parang bata.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon