Chapter 49

166K 5.4K 738
                                    

Nikka's POV

Ang sarap mamuhay sa piling ng taong iyong mahal. Sa wakas, nagkaaminan na rin kami ni Jerome ng feelings sa isa't isa. Akala ko, huli na ang lahat para sa amin pero mukhang kami nga yata ang nakatadhana. Hihi!

Para akong nasa alapaap sa tuwing magkasama kaming dalawa. Wala akong pakialam sa killer kung papatayin niya ako kaagad kasi nasa akin na ang lahat at wala na akong hihilingan pa. Willing akong mamatay basta, kapiling ko si Jerome at magkasama niya kaming papatayin.

Kurat na ba ako? Haha! Basta, in the name of love! Willing akong mamatay kasama si Jerome. Hindi ako papayag na mawalay sa kaniyang tabi. Kung mamamatay siya, much better na mamatay na rin ako dahil hindi ko kayang mabuhay pa na wala na siya.

Praning na kung praning. Oo may pamilya ako na nagmamahal sa akin, mga kaibigan na nag-aalala pero hindi na muli pa akong mabubuo kung mawawalay siya sa piling ko.

Ako na siguro ang pinakamadramang nerd na wagas kung magmahal lalo pa't nasa ganito kaming sitwasyon. Mas mainam nang sulitin mo ang nalalabi mong oras habang buhay ka pa dahil hindi mo alam kung kailan aatake yung kalaban.

Mas daig pa nga namin yung taong may taning na ang buhay. Sa pananatili namin dito, wala kaming kasigraduhan kung mabubuhay pa ba kami o katapusan na namin.

Ngayong wala na si Tom, wala na rin si Henry, ako na lang yung natitira sa grupo namin. Nakakamiss yung time na nagbabangayan kami dahil mayroon kaming hindi mapagkasunduan lalong-lalo na sa Physics na kay sakit sa ulo. Could the Nerdy group survive this game?

"Niks, pwede bang makasama kita mamayang gabi?" Wika ni Jerome habang nasa sala kami at nanunuod ng tv.

Naglalambing na naman ang ugok! Akalain mo iyon, may tinatago palang kakesohan sa katawan itong si Jerome! Akala ko puro panunuya lang ang alam niya, pumupuso rin pala ang mokong. Hihi!

"Rome, lagi naman tayong magkasama ah? Bakit? Mamimiss mo ako kaagad?" Paglalambing ko sa kaniya sabay hilig ng aking ulo sa kaniyang balikat. Ang sarap sa pakiramdam na katabi mo ang iyong minamahal.

"Hindi iyon, what I mean is, tayong dalawa lang. Yung walang sinuman ang maaaring umabala sa atin. Mamayang gabi, tabi tayong matulog." Aniya habang pinaglalaruan ang aking kanang kamay habang magkaholding hands kami.

Aaminin ko, kinikilig ako sa ka-sweetan niya. Noon kasi, puro bangayan lang ang alam namin. Ni hindi ko nga napansin na nahuhulog na pala ako sa kaniya.

"Tayong dalawa lang talaga? Ahm, sige! Eh bakit mo naman naisipan iyan?" Ani ko sabay baling ng aking tingin sa kaniya.

"Kasi nga, walang kasiguraduhan ang pananatili natin dito. Paano na lang kung bigla kang kunin ng killer sa akin? Naku, hindi ko kakayanin!" Paliwanag niya sabay hilig naman ng kaniyang ulo sa aking ulo.

"Ayiiee! Mahal na mahal mo talaga ako! Sige pagbibigyan kita kasi mahal na mahal din kita." Ani ko. Unti-unti ng naglalapit ang aming mukha. I want to feel his soft lips touch mine.

"Ang sweet naman ng RomNik loveteam na nadevelop dito sa isla! Kainggit kayo!" Bungad ni Ginny na nasa aming harapan.

Naitulak ko tuloy yung mukha ni Jerome palayo dahil sa gulat.

"Ano ka ba Ginny? Kita mo ng nagmomoment kami ng Niks dito oh! Panira ka naman!" Wika ni Jerome na nag-init ang ulo dahil nabitin siya. Wala akong mukhang maihaharap kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang unan sa aking tabi.

"Ahehehe! Sorry kung naabala ko kayo. Sige na, una na ako sa taas, bye! Enjoy niyo lang iyan! Hihi!" Wika niya at nagtatakbo na palayo sa amin.

"Oh paano ba iyan? Wala ng mang-aabala sa atin, pwede na ba nating ituloy ang naudlot kanina?" Aniya habang tumataas-baba pa ang kaniyang kilay at nakangiti pa ng nakakaloko.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now