Chapter 21

246K 5.8K 1.3K
                                    

"Ano na ang gagawin natin sa bangkay ni Mae?" Tanong ni Ramil na natataranta.

"Hindi ko alam!" Wika ni Karlo na nakahawak sa kaniyang ulo habang naglalakad pabalik-balik sa harap ni Ramil.

"Maghunos-dili ka nga Karlo! Walang magagawa iyan para masolusyunan ang problema natin!" Wika ni Agatha na wari mo'y nag-iisip.

"Hannah, kalmahin mo nga si Grace. Kanina pa iyan ngumangawa diyan sa may lababo!" Utos ni Joan.

"Oo nga eh, sige ako na ang bahala sa kaniya." Wika nito at nilapitanang nagdadalamhating dalaga.

Inalalayan ni Hannah si Grace na tumayo sa pagkakasalampak nito sa sahig at tsaka dinala sa kwarto nito upang makapagpahinga.

"Mae sorry, hindi namin alam ang gagawin namin kaya huwag mo kaming pagmumultuhan okay?" Wika ni Roxette nakasandig malapit sa refrigerator.

"Guys help! Ano na gagawin natin ngayon sa labi ni Mae?" Tanong ni Agatha na ikinakuha ng atensiyon ng lahat.

"Sunugin na lang kaya natin? Para hindi mangamoy patay dito!" Suhestiyon ni Adrian.

"Ano ka ba? Wala tayong pahintulot ng kaniyang mga magulang para gawin natin iyon!" Wika ni Xiara.

"And one more thing, Mae is our friend! Makakaya ba ng konsensiya mong sunugin ang katawan niya ng basta-basta na lang?" Patutsada naman ni Tin.

"Bahala nga kayo! Gawin niyo ang gusto niyong gawin!" Wika nito sabay hampas sa lamesa at tsaka padabog na bumalik sa kaniyang kwarto.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Ginny habang papababa ng hagdan na nakasalubong si Adrian.

"Huwag mo na lang siyang intindihin. May malaki pa tayong problema." Wika ni Ethan habang nakaupo sa sala at naninigarilyo.

"Lumayo ka nga sa akin! Nakakairita yung usok na nanggagaling diyan sa sigarilyo mo!" Mainit na ulong wika ni Mia.

"Huh, kung alam ko lang, nagpapansin ka lang sa akin." Wika ni Ethan sabay buga ng usok sa mukha nito.

"Yuck! Ehem, ehem, ehem!" Wika ni Mia sabay ubo ng malanghap ang usok at ikinampay ang kamay sa hangin upang maitaboy ito.

"I have an idea guys!" Wika ni Nikka.

"Ano naman iyon?" Tanong ng lahat ng nasa baba ng bahay.

"Ilagay na muna natin yung katawan ni Mae sa isang room para hindi tayo mairita sa kakaibang amoy na maidudulot nito kapag naagnas na." Wika nito habang nakapalibot sa kaniya ang lahat.

"Good idea!" Wika ni Agatha.

"At saan namang room natin siya ilalagay gayong puna na ang lahat ng room?" Tanong naman ni Abi.

"Sa room na lang ni Grace?" Suhestiyon ni Jake na nakakunot pa ang noo.

"Eh saan naman mananatili si Grace?" Dugtong naman ni Aaron.

"Sige doon na lang siya sa room namin ni Hannah para ma-comfort na rin namin siya." Wika ni Agatha.

"So, galaw-galaw na tayo guys!" Dagdag pa nito.

"Arianne, puntahan mo si Grace at Hannah doon sa room nila ni Mae at papuntahin mo sa room namin." Utos ni Agatha.

"Okay!" Pagsang-ayon nito at nagmamadaling tinungo ang direksyon kung nasaan yung dalawa.

"Boys! Ethan, Ramil, Karlo and Josh! Pwede bang buhatin niyo ang katawan ni Mae papunta sa room nila ni Grace?" Wika nito.

"Sige!" Ayon sa kanila.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now