Chapter 24

218K 5.3K 1.2K
                                    

Ramil's POV

"Oh shit! Bakit ko ba nagawa yung bagay na iyon? Masyado na ba akong desperado para maangkin siya? Mali itong ginawa ko!" Wika ko pagkapasok na pagkapasok ko sa aking silid.

"Bakit ba kasi Abi ikaw pa ang nagustuhan ko? Bakit hindi na lang ibang babae? Ano bang mayroon ka na wala sila?" Dugtong ko habang nakayuko at sinasabunutan ang aking buhok.

"Oo, marami ngang babaeng nagkakandarapa sa akin pero ang taong mahal ko, iba ang gusto." Pagsisisi ko.

Mas lalo akong naging desperado sa kaniya simula ng malaman kong buntis siya. Mas lalong naging masidhi ang aking nararamdaman at mas lalo kong ninais na mapasa akin siya.

Nang dahil sa pagiging mapusok ko na maangkin siya, hindi ko sinasadyang mapatay siya. Sising-sisi ako sa aking nagawang kasalanan. Parang gusto ko na ring mamatay.

Biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako dito. Akala ko si Ethan, hindi pala.

"What a nice view!" Wika niya habang nakapameywang na pinasok ang aking kwarto.

"Ano ginagawa mo rito?" Wika ko sabay tayo at nilapitan ko siya.

"Ahm, nothing! Ngayon ko lang napansin na hot ka pala." Wika niya habang binabaybay ng kaniyang kamay ang aking katawan.

"Stop! Lumabas ka na." Wika ko sabay wasiwas sa kaniyang kamay.

"Ouch! Wala kang respeto sa babae!" Sigaw niya sa akin habang hinahaplos ang kaniyang kamay na nasaktan.

"Leave me alone please! Get out! Gusto ko munang mag-isa!" Sigaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sumabog. Nakakairita kasi ang kaniyang ginagawa.

"Eh paano kung ayoko? Papatayin mo rin ba ako?" Wika niya habang nakahalukipkip at nakangiti ng nakakaloko.

"Anong bang pinagsasabi mo? Pagod ako, kaya please! Lumabas ka na!" Bulyaw ko habang tinuturo ang direksiyon ng pinto.

Naglakad siya papalapit sa akin hanggang sa pumuwesto siya sa aking likod.

"Ah, napagod ka sa paglapastangan sa katawan ni Abi diba? And worst, pinatay mo pa siya." Bulong niya sa aking kanang tainga na naging sanhi upang kilabutan ako.

Natulak ko siya ng malakas kaya napahiga siya sa kama.

"Hahaha, easy Ram! Ako pa lang naman ang nakakaalam eh." Wika niya habang nakahigang tumatawa.

Nagpanic akong bigla na tila ba hindi alam kung ano ang aking gagawin. Malalaman ng lahat ang paglalapastangang ginawa ko kay Abi na tiyak na ikagagalit nilang lahat. Wala na akong ibang maisip na gawin para maiwasan ang gusot na ito. Ano ang dapat kong gawin?

"Binabagabag ka na ba ng konsensiya mo Ram? Well, hindi mo naman na matatakasan iyan eh." Wika niya habang inaayos ang kaniyang sarili.

"Kung wala kang maitutulong sa akin pwede bang manahimik ka na lang? Oh gusto mong pati ikaw ay patahimikin ko na rin?" Wika ko. Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa aking bibig. Baka isipin niya na ako pa yung killer.

"Ang tanong, kaya mo ba akong patayin?" Wika niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman talaga kaya.

Maya-maya pa'y yumukod siya malapit sa kama at biglang may kinuha siya sa ilalim nito.

Isang tali? Ano ang gagawin niya roon?

"Ramil, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Isa lang ang nakikita kong solusyon upang hindi nila malaman na ikaw ang pumatay kay Abi." Wika niya habang tangan-tangan ang lubid.

"Ano naman iyon?" Tanong ko.

"Magpakamatay ka gamit ito. Iisipin nila nagSuicide ka kapag nakita nilang nakabigti ka." Wika niya habang iniaayos ang lubid.

Ano? Gagawin ko ba? Alam kong maraming nagmamahal sa akin lalo na yung family ko kaso hindi na kaya ng konsensiya ko ang kasalanang nagawa ko eh.

"Bakit nga ba iyan ang suhestiyon mo?" Tanong ko.

Nacurious lang ako kung bakit niya ito ginagawa at paano niya nalaman ang ginawa ko kay Abi. Hindi kaya, siya yung killer?

"Ahm, ano ba sa tingin mo?" Tanong niya habang nanlilisik ang kaniyang mga mata.

"Sabi na nga ba eh, ikaw ang killer! Pero, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" Wika ko habang binubuksan ang record sa cellphone ko ng palihim.

"Simple lang, I want you all to suffer." Matipid niya sagot habang nakatayo lang sa kaniyang pwesto kanina.

"Ganun pala. Pwes, hindi ko na hahayaan pa na mapatay mo kaming lahat." Wika ko sabay sugod sa kaniya na akmang susuntukin siya.

Napatigil ako ng makaramdam ako ng panghihina. Nakita kong may nakaturok na injection sa aking braso. Paano niya naturok sa akin ito? At tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

"Don't worry Ramil, pampakalma lang iyan para maisagawa ko ang plano ko haha!" Wika niya.

Killer's POV

Sayang naman ang kakisigan at taglay na kagwapuhan ni Ramil. Haha! Type pa naman kita pero kailangan ko itong gawin.

Hirap na hirap ako sa pagbubuhat ng katawan niya para maipuwesto na para bang nagSuicide siya.

Yup, tama kayo ng hinala. Tinali ko yung lubid sa kaniyang leeg at ngayon ay malapit na siyang mamaalam sa mundo.

Pero bago iyon siyempre, nilagyan ko muna siya ng Letter S sa kaniyang noo. I hope na sana malaman nila ang mensaheng nais kong iparating sa kanila.

"Goodbye Ramil!" Wika ko at tuluyan ko na siyang ibinigti.

Hahaha! Natutuwa ako sa mga ginagawa ko. Mabuti na lang at hindi pa nabubulilyaso ang aking plano.

Ngayon, dalawa ang naligtip ko ng walang kahirap-hirap.

Letter R and Letter S, accomplished! 22 letters left! Mas gusto ko sana yung brutal talaga kaso, nakadepende ito sa letrang hawak nila kaya saka na! Maswerte pa rin ang mga natitira haha!

Ahm, sino kaya ang unang makakapansin sa mga bangkay? Excited na akong makita ang mga reaksyon nila haha!

---

Masayang nagkukwentuhan yung iba sa baba habang yung iba ay nasa kaniya-kaniyang silid.

"Uy guys, balik na muna ako sa kwarto. Kawawa naman si Abi walang kasama diba?" Pagpapaalam ni Mia sa kaniyang mga kasama.

"Oh sige, balik ka rito mamaya ah? Magkukwentuhan pa tayo." Wika ni Jake.

"Ayie, may namumuo na bang relasyon sa inyong dalawa?" Pangungulit ni Joan.

"Adik ka talaga Joan! Wala noh!" Pagtataray ni Mia at tuluyang nilisan ang lugar.

"Nakakabagot! Gusto ko tuloy makipagjamming mamaya kaming Mp5 para naman mabawas-bawasan ang tensiyon diba?" Wika ni Mia sa kaniyang sarili.

"Pero syempre, kailangan namin ang Pop Diva na si Abi hehe." Dagdag pa niya.

Pagkabukas at pagkabukas ni Mia ng pinto, bumungad kaagad sa kaniyang harapan ang duguan si Abi na walang saplot.

"Ahhhh! Tulong!" Sigaw niya habang napapikit siya at napaatras palabas ng kanilang kwarto.

"Anong nangyari Mia? Oh God!" Wika ni Nikka na na-shock din sa kaniyang nakita.

"Tulong mga kasama! Si Ramil!" Sigaw ni Jerome na aligagang-aligaga.

"Anong nangyari kay Ramil?" Wika ni Ginny pagkalabas niya galing sa terrace.

"Patay na siya!" Wika ni Jerome.

"No!" Sigaw ni Ginny.

"Guys, anong nangyayari at nagkakagulo kayo rito?" Wika ni Agatha na humahangos sa pagtakbo.

"Agatha, patay na si Abi at Ramil!" Wika ni Josh habang nakayuko.

Alphabet of Death (Published)Where stories live. Discover now