Chapter 17

232K 5.8K 1.2K
                                    

"Sorry guys kung ngayon ko lang nasabi sa inyo. Hindi ko kasi alam kung paano ko ito ipapaalam eh." Wika ni Abi habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Huwag ka ng umiyak Abi, naiintindihan namin ang kalagayan mo." Wika ni Mia habang hinahagod ang likod nito.

"Alam naming mahirap iyang pinagdadaanan mo kaya nandito lang kami sa tabi mo para alalayan ka." Wika naman ni Roxette.

"Salamat guys sa pag-unawa niyo." Wika ni Abi habang pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"Walang anuman, ano pa't naging magkakaibigan tayo kung hindi tayo magdadamayan diba?" Wika ni Agatha.

"Tama!" Pagsang-ayon ng lahat.

"Ngayong magiging Ina ka na, mas mabigat na responsibilidad ang kakaharapin mo." Wika naman ni Xiara.

"Oo, alam ko iyon kaya nilulubos-lubos ko na ang mga araw na nalalabi sa pagkadalaga ko hehe!" Wika nito.

"Basta ba, magiging ninong at ninang kaming lahat. Diba guys?" Wika ni Ginny.

"Tama!" Pagsang-ayon ng lahat.

"At dahil diyan, group hug!" Sigaw ni Josh at nagyakapan nga silang lahat.

"Oh tapos na ako! Tutal dalawa na lang yung hindi pa naiintriga o napaparusahan, pipili na lang ako kung sino ang next, ano ok lang ba?" Tanong ni Abi.

"Okay lang sa amin." Pagsang-ayon nina Roxette at Arianne.

"Ok, ang napili ko ay si Roxette. Ano, truth or dare?" Malokong tanong nito.

"Ako talaga eh noh? Hehe! Sige pagbigyan buntis naman eh haha! Dare ako!" Matapang na sagot ni Roxette.

"Ahm, letter muna hehe." Dugtong nito.

"Ay oo nga pala, letter Y ako." Masiglang sagot nito.

"Oh bakit ganiyang ka kaligaya?" Tanong ni Abi kay Roxette habang nag-iisip.

"Alam ko kasing nahihirapan ka eh hehe." Wika nito habang nakangisi.

"Ganun? Sige, tingnan natin kung gaano ka kalupit sa ipapagawa ko sayo." Mapangsindak nitong wika.

"Hala, dapat na ba akong kabahan? Hehe, joke lang!" Pagbibiro niya.

"At dahil nakahiligan ko na ito, yung para bang pinaglilihian ko na yung pagkaing ito, kaya ang dare word ko sayo ay YOGURT." Wika ni Abi.

"Yogurt? Haha! Kung pakakainin mo ako niyan, aba! Easy!" Wika ni Roxette na siyang-siya.

"Oo ganun na nga. Kaso, may twist! Kakainin mo ito sa katawan ni Ethan o Mark haha!" Wika ni Abi na humahagalpak sa katatawa.

"W-what? As in, sa katawan! Abi, are you crazy?! Hindi ko kaya!" Wika ni Roxette na napatayo pa sa sobrang gulat.

"Oo seryoso ako! Kaya go! Tingnan mo oh, nakatayo na sina Ethan at Mark sa gitna." Wika nito.

"Oo nga noh? Aba, excited pa sila? Huhu, hindi ko kaya!" Pagmamaktol ni Roxette sa kaniyang isipan.

"Tom, pakikuha nga yung dalawang Yogurt doon sa refrigerator." Utos nito.

Tinungo ni Tom ang kusina para kuhanin ang pinag-uutos ni Abi habang si Roxette ay nangangatog pa rin yung tuhod dulot ng kaba.

"Oh heto na! Blueberry flavor pa pala yung favorite mo." Ani ni Tom habang iniaabot ito kay Abi.

"Hehe, ganun talaga." Aniya.

"Ikaw Rox, sino ang pipiliin mo? Sino ang gustong mong tikman? Si Ethan? O si Mark?" Mapanuyang tanong ni Abi rito.

"Abi!" Wika ni Roxette na mukhang nagpapakipot pa.

Habang ang dalawang lalaki ay hinihintay kung ano ang isasagot ng dalaga.

"Hindi ko kaya yung dare!" Pagmamakaawa ni Roxette kay Abi.

"Oh, may paeasy-easy ka pang nalalaman kanina. Whether you like it or not, kailangan mong gawin ang dare mo, bawal ang KJ!" Wika ni Abi.

"Oo nga! Bawal ang KJ!" Sigaw ng lahat.

"Oo na! Sige na! Gagawin ko na!" Wika ni Roxette kahit na may pag-aalinlangan sa kaniyang kalooban.

"Oh, sino na ang pipiliin mo? At nais mong matikman?" Mapanlokong tanong ni Abi habang nakangisi lang yung dalawang lalaki.

"Si Ethan na! Mas masarap iyan hehe!" Mungkahi ni Agatha.

"Si Mark! Tutal, bagay naman kayo." Ayon naman kay Joan.

"Ano ba iyan, dapat ba talagang mamili? Hindi ba pwedeng sila na lang pareho? Hehe,joke!" Wika nito habang nakapeace sign.

"Sino ba ang pipiliin ko? Kapag si Ethan kasi, okay lang kasi kabiruan ko naman iyan at para wala lang." Wika niya sa kaniyang utak.

"Kapag si Mark naman, Ih! Hindi ko kaya! Alam niyo namang Crush ko iyon eh tapos ka-roommate ko pa kaya magiging awkward kapag magkasama kami." Dagdag pa nito.

"No choice, si Ethan lang talaga." Sambit niya sa kaniyang utak.

"Ok, para matapos na ang kalbaryong kinakaharap ko, ikaw na ang pipiliin ko, Ethan!" Wika ni Roxette at tinungo ang gitna na kung saan nakapwesto yung dalawa.

"Ayiee, sabi na nga ba ay may pagtingin ka kay Ethan eh hehe." Wika ni Arianne.

"Hindi lang iyon, may pagnanasa rin haha!" Dagdag pa ni Ginny.

"Sige na Mark, makakaupo ka na." Wika ni Abi.

Bakas sa mukha ni Mark ang kalungkutan sa hindi pagpili sa kaniya ni Roxette habang binabagtas ang daan patungo sa kaniyang upuan.

"Mark..." Mahinang sambit ng dalaga.

"Oh sige na Ethan, tanggalin mo na iyang suot mong damit para makapagsimula na tayo." Wika ni Abi.

"Okay." Wika nito sabay hubad ng kaniyang damit.

Halos maglaway ang lahat ng kababaihan ng masilayan ang magandang pagkakahubog sa katawan ng binata. Tila ba inukit ng isang magaling na iskultor ang katawan nito.

"Oh girls, alam ko namang yummy ako dahil sa ganda ng pagkakahubog ng katawan ko. Idagdag mo pa ang anim na pandesal na namumuo rito. Kaya, okay lang maglaway pa kayo, haha!" Mapreskong wika nito habang ibinabalandra ang kaniyang katawan.

"Ang kapal mo! Ade ikaw na!" Wika ni Hannah.

"At ikaw naman Rox, baka pasukan ng langaw iyang bunganga mo. Huwag kang masyadong mabighani sa katawan ko, malay mo, pati puso mo, ay maangkin ko." Wika nito habang nakatayo lang sa kaniyang kinalulugdan.

"Magtigil ka nga! Simulan na nga natin ng matapos na." Wika nito at bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pagkakilig sa binitiwang salita ng binata.

"Sige na Ethan, mahiga ka muna riyan at para mailagay ko na itong Yogurt sa iyong katawan." Wika ni Abi at pumuwesto sa may tabi ng binata at ikinalat ang Yogurt sa katawan nito.

"Okay ready na Rox, prepare yourself na hehe." Wika ni Abi.

"Go Roxette!" Wika ng kaniyang mga kaklase.

"Kaya ko ba ito? Huhu! Ang marahas naman kasi masyado eh. Baka kung ano pa ang isipin ng lalaking ito." Wika niya sa kaniyang utak habang nakatitig sa katawan ng binata.

"Kaya ito! Isipin mo na lang, ice cream ang kinakain mo! Ang asim pa naman ng yogurt kaya mapapangiwi ka talaga." Dagdag pa niya sa kaniyang isipan.

"Heto na!" Wika niya at nagsimula na siyang himudin ang yogurt sa katawan ng binata.

Nagsimula siya sa bandang baba nito sa may abs na nagdulot naman ng kiliti sa binata.

"Ah Rox, shet!" Wika ni Ethan sa bawat pagdampi ng dila ng dalaga.

Nakapikit ang dalaga habang ginagawa ang dare niya.

"Ang intense lang! Hanep!" Sigaw ni Adrian.

Maya-maya pa ay natapos na rin ni Roxette ang kaniyang dare.

"Nakakahiya!" Sigaw niya habang nagtatatakbo pabalik sa kaniyang upuan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon