Chapter 3

477K 10.4K 2.4K
                                    

Hindi nagpatinag ang Komedyante ng klase kaya pagsapit ng kanilang tanghalian ay nanatili sila sa kanilang silid at nagpatuloy sa pagkukulitan.

"Anong isda ang mahilig sa karate?" Tanong ni Adrian habang nakaupo sa lamesa ng kaniyang upuan.

"Ano?" Tanong ng D' Kengkoys na sabik nang malaman ang sagot.

"Ade Tila-pia!" Wika niya habang ipinapakita sa mga kasama na siya'y sumisipa ng mataas.

"Hahaha, waley! Ako naman, ano ang tawag sa isdang rapper?" Tanong ni Mae na wari mong may ipagmamayabang.

"Ano?" Tanong ulit nila.

"Ade sap-sap!" Wika nito at umaktong nagrarap.

"Boom waley! Ano ba iyan? Puro luma na ang mga alam niyo! Eto sa akin bago, ano ang masarap ipanghalo sa sinigang?" Wika ni Jerome na ala Jose Manalo.

"Sampalok?" Sagot ni Grace na nakakunot ang noo.

"Mali, sandok! Haha!" Wika nito at humalakhak sa tuwa habang tinutuya ang mga kasama.

"Ang korni niyo guys! Mas mabuti pa kung kumain na tayo ng lunch. Tiyak na gutom lang iyan kaya tara na." Wika ni Grace habang inaayos ang kaniyang gamit.

"Sasama ba kayo sa Outing?" Singit ni Jerome.

"Ako samama ako. Magdamag lang kasi akong matutulog sa bahay kapag nagkataon." Wika ni Adrian na nagpopolbo pa.

"Ako rin sasama ako. Gusto kong magrelax matapos mastressed sa Calculus at Physics namin para ma-unwind naman yung utak ko." Wika ni Kian habang nilalagyan ng wax ang kaniyang buhok.

"Sasama lang ako kapag sumama si Grace. Alam niyo naman, strict ang parents haha!" Wika ni Mae habang nagwiwisik ng pabango sa kaniyang katawan.

"Basta ako enjoy lang. Go with the flow ganun." Wika ni Grace sabay sakbit ng kaniyang bag sa kaniyang likuran.

"Ok, kapag kumpleto mas masaya lalo na kapag buo ang tropa kaya sa tingin ko ay magiging memorable ito sa atin." Wika nito at sumang-ayon naman sa kaniya ang mga kasama.

Maingay nilang binaybay ang daan patungo sa Canteen dulot na rin ng kakulitan ni Jerome kaya ang saya ng kanilang grupo.

Dumako naman tayo ngayon sa IT GIRLS ng klase ang D' Gorgeous na pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan sa Engineering Department.

"Ang swerte talaga ng 2D dahil umuulan ng magaganda sa Section nila."

"Oo nga eh, wala man lang naligaw na magandang binibini sa atin."

"Malay niyo, may makaklase tayo sa kanila kapag majoring na diba?"

Wika ng mga kalalakihan sa paligid na patuloy na pinagpapantasyahan ang kababaihan ng 2D.

Tinungo ng D' Gorgeous ang park para makapagpahangin sandali.

"Narinig niyo ba iyon girls? Ang daming lalaking pinagpapantasyahan ang beauty natin oh!" Wika ni Agatha habang nagseselfie pa malapit sa fountain.

"Maguupload na naman po siya." Wika ni Tin na busy sa pagscroll ng kaniyang notification FB.

"Ikaw na ang OOTD teh! Wagas kung makapagpalda ng maikli at high heels eh. Kinabog mo pa ang sailor moon sa outfit mo." Wika ni Joan na nakatitig kay Agatha.

"Naman! Maganda ako eh! Haha!" Wika nito sabay flip ng kaniyang buhok.

"Ang gaganda nga natin kaso nagmumukha tayong losyang dahil sa math na iyan!" Wika ni Xiara sabang sinusuklay ang bagong rebond na buhok.

"Kaya nga tayo mag-aOuting diba? Para maging fresh ulit tayo hehe!" Wika ni Hannah habang naglalagay ng foundation sa kaniyang mukha.

"Kamusta na nga pala kayo Agatha ni Ethan? May pag-asa na ba na maging kayo?" Wika ni Tin habang patuloy pa rin sa kaniyang ginagawa.

"Ah iyon ba? Ewan ko lang, gusto ko siya pero gusto ko rin ang boyfriend ko eh." Wika nito sabay upo sa tabi ng kaniyang mga kasama.

"Ano? Hindi pwede yun! Ano ito, dalawa ang puso mo? Care to explain more please!" Wika ni Joan na medyo nainis dahil sa inaasal na kasama.

"Eh ayun kasi ang nararamdaman ko eh! Mahal ko silang dalawa! Ano gagawin ko?" Wika nito na wari'y naguguluhan na.

"Para kang namamangka sa dalawang ilog sis. Mahirap iyan!" Wika ni Xiara habang nakatingin ng seryoso rito.

"Dapat alamin mo kung sino ba talaga." Wika ni Hannah habang nakapatong ang kamay niya sa balikat ni Agatha.

"Mahal na Mahal ko yung Boyfriend ko pero kapag nakikita kong nilalapitan ni Ethan si Roxette ay nagseselos ako." Paliwanag ni Agatha sa kanila.

"Oh no! Kung ako man yung nasa kalagayan mo, hindi ko rin alam ang gagawin ko." Wika ni Tin na nakatakip pa ang kamay sa kaniyang bibig.

"Sa tingin ko, hindi selos iyang nararamdaman mo kundi selfishness. Bakit? Nagseselos ka lang naman kapag nakikuta mo silamg magkasama. Learn how to give Agatha." Wika ni Joan na naglalaro naman ngayon ng flappy bird.

"Yah sis, I think Joan is right." Dugtong ni Hannah.

"Hay basta, ibahin na natin yung topic. Ako pa na-hot seat ngayon." Wika nito habang ginugulo ang kaniyang buhok.

"Diyan ka magaling. Oh siya, may nakalap akong mga balita." Wika ni Joan at tumayo sa harap nila.

"Ikaw Hannah, totoo nga bang kayo na ni Kian? O nagpaparamdam pa lang siya?" Wika ni Joan ala Toni Gonzaga sa PBB.

"Xiara, totoo nga rin bang matakaw ka pero pinipigilan mo ang sarili mo para hindi ka namin ma-intriga?" Dako naman niya kay Xiara.

"Tin, matagal mo na nga bang gusto si Aaron at palihim kayong nag-uusap tuwing gabi bago matulog?" Dugtong pa niya.

"At Agatha, pinangakuan mo nga ba si Ethan na makikipaghiwalay ka sa Boyfriend kahit hindi mo naman talaga kaya?" Wika niya rito ng nakataas ang kaniyang kanang kilay.

"At bago niyo sagutin ang mga katanungang iyan, kumain muna tayo ng ating pananghalian sapagkat ako'y hayok na hayok na." Wika niya at nilisan ang lugar kasama ang grupong naghahagikgikan.

Alphabet of Death (Published)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora