Wattpad Original
There are 9 more free parts

Chapter 1

33.7K 803 45
                                    

'Xin'


XIN

Fifth shot. Isang bala na lang ang natitira sa baril ko. Saglit akong yumuko bago ko binalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. May daplis siya sa balikat pero napakalawak pa rin ng ngiti. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Oh, looks like the big bad wolf can't catch me," nakangisi niyang sabi. Umangat lang ang gilid ng labi ko at tinuon ang baril sa itaas at saka ito pinaputok. Mas lalo siyang natawa sa ginawa ko. "Nababaliw ka na ba? You're not going to catch me now?" pagtatanong niya at pasuray-suray na naglakad palapit sa akin. Tinapon ko na ang baril sa gilid at tinanggal na ang gloves ko habang nakatitig sa kanya.

"Sorry. Nadaplisan pa kita," walang gana kong sabi at nag-sout ng isang leather na glove sa kanang kamay ko at yumuko para damputin ang brief case na nakalagay sa sahig. Kumunot ang noo niya sa ginawa ko.

"Akala mo ba mailalabas mo 'yan dito?" natatawa niyang tanong. Tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko at sinuot ang leather jacket. Umiwas ako ng tingin sa kanya at sandaling yumuko.

"Pinagkatiwalaan ka ng anak ko, Xin." Hindi ako nakinig sa sinabi niya at lumapit na sa pader. Sinipa ko ito at bigla itong bumukas na direkta sa daanan kong palabas ng lugar na 'to. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko. Natawa na lang siya at parang nababaliw na.

"See? She even told you the secret doors," desperado niyang sambit. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa briefcase at tumapak na sa unang tiles ng secret door. Tumingin ako sa kanya na walang emosyong nakapinta sa mukha ko.

"You forgot the three B's in this world, Mister. Bump. Befriend. Betray."

Pinindot ko na ang red button na nag-isolate sa akin mula sa labas ng secret door. Humarang sa akin ang isang bulletproof glass at saktong nagsidatingan ang ibang tauhan ng clan na kasisira ko lang. Kasama nila ang babaeng tinutukoy nilang naging kaibigan ko.

Mangiyak-ngiyak siyang nakatingin sa akin. She was the longest bait. It took me three years to earn her trust—just enough to finish my mission. Pinaulanan nila ng bala ang bulletproof glass kaya dahan-dahan na akong umatras at naglakad palayo. Tumalikod na ako at tuluyang umalis sa lugar.

That was the last memory I had of the place I once loved truly.

Paglabas ay sumakay na ako sa jet na naghihintay sa akin sa field. We quickly took off habang hawak ang briefcase na kinuha ko mula sa kanila. Sinubukan nila itong kuhanin pero tinutok ko lang sa kanya ang baril na nakuha ko mula sa gilid niya. Pinabayaan na lang nila ako hanggang sa makarating kami sa headquarters.

Pumasok kaagad ako habang nakasunod sa akin ang mga Blue Scouts. Ang mga Blue Scouts ang mga official soldiers ng team namin. Sinundan nila ako hanggang sa main office, bago nila akong pinabayaang pumasok mag-isa.

"You're back!" masiglang bungad sa akin ni Dad at tumakbo palapit sa akin. Sinubukan niya akong yakapin pero binigay ko kaagad sa kanya ang brief case na dala ko. Sandali siyang natigilan at ngumiti na lang sabay lagay ng briefcase sa isang safe.

"That thing..." I trailed off. Tumingin si Dad sa akin at inabangan ang sasabihin ko. "What's inside?" tanong ko tungkol sa briefcase. Ngumiti lang si Dad sa akin at kumuha ng wet wipes sabay lapit.

"You're going to need it very soon. I'll keep it safe for you," sabi niya habang pinupunasan ang dugo sa pisngi ko. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil sa lahat ng misyong binigay niya sa akin, para sa kanya o para sa team and lahat ng bagay na makukuha ko para hindi kumalat ang mga gawaing hindi magugustuhan ng high masters.

Sinister ThirteenWhere stories live. Discover now