Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Chapter 5

17.6K 658 109
                                    

'First Sinister'

XIN

"How long have you been doing this?" Hindi ko alam kung bakit ako nagtatanong. Hindi naman ako ganito at hindi naman ako nagsasalita sa mga hindi ko masyadong kilala, but here I am, talking and even asking them questions.

Sabay silang lumingon sa akin habang nakakunot ang noo. Tumayo si Wolfie at naglakad palapit sa akin at saka umupo sa upuang nasa harap ko. He had good balance even when riding a jet experiencing a turbulence.

"Doing what? These missions?" tanong niya at hinawakan ng mabuti ang baril. Tumango lang ako at tumingin sa iba na nakikinig lang sa amin. It's fascinating how I think of Wolfie to be cold to everyone but he's not.

He's actually warm. Well, literally warm. Hindi kagaya ni Jun na titig pa lang ay manlalamig ka na.

Bigla na lang ikinasa ni Jun ang baril niya na nakaagaw ng atensiyon naming lahat. Tumingin ako kay Matthew noong bigla niyang hinawakan ang balikat ko habang nakatingin siya kay Jun.

"You should put a shield on her. She's pissing me off." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jun kaya tumingin ako kay Matthew na nakahawak pa rin sa balikat ko habang nakatingin kay Jun.

"You know once I put a shield on her, hindi ko na siya kayang kontrolin."

For some reason, I was quiet. Hindi ako nagtanong at hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatitig sa kanila hanggang sa nagsalita muli si Wolfie.

"Matagal-tagal na rin." He broke the awkward silence and acted as if nothing happened. Tumango na lang ako sa sinabi niya at napakunot na lang ang noo ko dahil nga wala man lang akong sinabi sa mga narinig ko.

"Okay, here's the plan." Inangat ko ang tingin ko kay Seth na may dalang white board at pumwesto ro'n sa gitna. Lumapit na rin ako at nakinig habang katabi ko si Hoshi na ngumunguya ng lollipop.

"Dino, ilang CCTV?" tanong ni Seth habang may sinusulat do'n sa whiteboard. "Sixty-seven functioning. Dalawa ang sira." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dino. Well, maybe he's been there before? Umiling na lang ako at tiningnan ang sinusulat ni Seth.

"Guards. Wolfie, ilan?" Tumingin ako kay Wolfie na sandaling pumikit at biglang ngumiti nang minulat na niya ang mga mata. "It's an army. Hindi ko mabilang." Nagkibit-balikat lang si Seth sa sinabi niya at may sinulat na naman. How did Wolfie know that?

"There's a reason why he's called Wolfie." Nakangising sabi sa akin ni Matthew. Nagkibit-balikat lang ako at tumingin na lang kay Seth na maiging nagpaplano.

"Alam niyo na kung nasaan ang target. Jayden, Joshua, Walter and I will take down the guards. Oh, wait, Vernon. You're with us." Tumango lang si Vernon sa sinabi ni Seth at ikinasa na ang baril niya. Tiningnan ko sina Jayden at Joshua na nagtititigan na naman kaya sabay silang binatukan ni Walter.

"We need Matthew to focus." And again, tahimik lang ako habang nakikinig sa mga kakaibang pinag-uusapan nila. Tumingin ako sa plan board na unti-unti nang nabubuo. "Duke, Dino, Jun at Wolfie. Kayo nang bahala sa perimeter check." Tumango lang rin sila sa sinabi ni Seth.

"Wait, isasama mo sa isang team 'tong dalawang 'to?" Protesta ni Jayden at tinuro sina Jun at Wolfie. Tumaas naman ang kilay ni Wolfie sa sinabi ni Jayden pero walang pakialam si Jun sa nangyayari. Tumango lang si Seth.

"We're in one team, Jay," sabi ni Seth habang nagsusulat pa ng kung ano-ano.

"Milo, navigate us. Kill the system. Baxter, samahan mo si Milo rito." Tanging tango lang ang sinusukli nila sa maiging pagpaplano ni Seth. Kumunot ang noo ko matapos mabuo ang plano kaya nilingon ko si Dino na bigla ring lumingon sa akin.

Sinister ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon