Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 4

19.1K 632 67
                                    

'First Mission'


XIN

I went to bed that night with confusion running back and forth my head. I have read enough books and attended more than a thousand classes. Sobra rin akong naguluhan sa history class na binigay sa akin ni Dad noon. I wasn't running into any conclusions, but that's likely what I'm doing right now.

Tumigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marinig ko ang tawa ni Hoshi mula sa kabilang kwarto. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ito. Nasundan ito ng tawa ni Duke at boses ni Baxter. Dahan-dahan akong bumaba sa kama at saka lumabas ng kwarto ko. Naglakad ako papunta sa kwartong 'yon.

"Malalagot ka kay Seth!" Rinig kong sabi ni Baxter pero sinundan lang ito ng tawa ulit ni Hoshi at isang tunog ng parang chip bag.

"Kaunti lang naman." Boses ni Hoshi 'yon. Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang pag-crack ng chips mula sa loob at nabigla na lang ako nang biglang dumating si Seth sa gilid ko.

Nakatingin lang siya sa pinto at biglang ginulo ang buhok niya sa inis kasunod ang pagkatok niya ng malakas sa pinto.

"Kapag hindi niyo binuksan 'to, isa sa inyo ang huhukayan ko ng libingan!" sigaw ni Seth. Parang wala siyang pakialam na narito lang ako sa tabi niya. Agad namang nagbukas ang pinto at nakita namin ang nakangiting mga mukha ni Duke at Baxter.

Naamoy ko kaagad ang amoy ng doritos chips at narinig ko ang tunog ng lalagyan nito. Tiningnan ko si Hoshi na nagpupunas ng labi niya at ngumiti kaagad pero inilahad lang ni Seth ang kamay niya.

"Akin na," sabi nito na ikinayuko lang ni Hoshi.

"Isang pack lang." Nakayukong sabi ni Hoshi habang sinusurrender ang bag ng chips niya.

"Alam mo namang bawal, 'di ba?!" sigaw ni Seth sa kanya. Tumango lang si Hoshi at sabay na lumabas sina Duke at Baxter. Walang pasabing padabog na sinarado ni Hoshi ang pinto ng kwarto niya. Umalis naman silang tatlo sa harap ko na hindi man lang ako kinibuan kaya tumaas lang ang kilay ko.

"You'll get used to it." Tumingin ako kay Matthew na kakaakyat lang at pinupunasan ng maliit na towel ang buhok niyang basa ng kaunti. Tumango na lang ako at pumasok na sa kwarto ko.

The next day, hindi pa rin ako naka-uniform kasi hindi pa 'yon dumadating. Nag-jeans na lang muna ako at isang white T-shirt. Bumaba ako at nadatnan ko silang lahat na tapos nang mag-ayos at kumakain na. Pasimple akong uminom ng fresh milk at kumain ng cookie saka nakiramdam sa paligid.

"Tara na. We're late," sabi ni Seth. Kaagad na lumabas ang iba habang tinatapos ang cookie na kinakain ko. Tumingin naman ako kay Jun na naiinip habang nakaupo roon sa sofa. Hindi ba 'to aalis?

"Where the hell is Matthew?!" galit nitong tanong kay Seth. Tumingala naman si Seth para hintaying bumaba si Matthew. Umirap lang ako sa nangyayari at kaagad na natigilan. My mood. My mood's back again. I'm pissed off again.

Kumunot ang noo ko sa nangyayari at bumigat ang paghinga pero bigla na lang akong huminahon nang bumaba na si Matthew na nag-aayos pa ng necktie niya. Sinamaan lang niya ng tingin si Jun at lumapit sa akin sabay tapik ng balikat ko habang nakangiti.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at tumingin ako kay Jun pero nabigla na lang ako nang biglang kuminang ang mga mata niya. Red, his eyes were red.

"Mamaya mo na alalahanin 'yan." Tinulak kaagad ako ni Matthew palabas kaya hindi na ako nakaangal pa. Paglabas namin ay biglang huminto si Matthew at hinawakan na naman ang nose bridge niya.

"You okay?" Nabigla ako sa aking sarili dahil tinanong ko kay Matthew ang bagay na 'yon. I used to not care about anything, but now, hindi ko na yata kilala ang sarili ko. Biglang dumaan si Jun sa harap ko at inakay si Matthew papasok sa van. Tumingin ako kay Jun na agad humarap sa akin.

Sinister ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon