Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 6

16.7K 606 71
                                    

'Second Sinister'

XIN

The moment I said he was a vampire, biglang bumaon ang kuko niya sa leeg ko. Napaubo na lang ako at tumingala sa sakit na ginagawa niya.

"Xin!" Rinig ko ang sabay-sabay nilang sigaw sa earpiece pero hindi na ako nakapagsalita pa dahil pakiramdam ko ay babaliin na ni Jun ang leeg ko.

"Napipikon na ako sa 'yo." Narinig ko ang boses ni Wolfie mula sa earpiece at kasunod nito ang tunog ng parang damit na napupunit at mga bagay na tinatapon.

"N-No! Wolfie!" Nakabibingi ang sigaw ni Seth mula sa earpiece at napahawak na lang ako sa kamay ni Jun na sumasakal sa leeg ko. He lets out a growl at bigla na lang niyang inilapit ang bibig niya sa leeg ko. I was waiting for the bite.

I was waiting for his fangs to bury on my neck but I felt nothing. Bigla na lang huminto si Jun at naramdaman ko ang pag-amoy niya sa leeg ko.

Agad na kumalas ang hawak niya sa leeg ko at nakita ko siyang tumayo at tiningnan ang mga kamay niyang duguan. Napahawak na ako sa leeg kong dumudugo at nanlaki ang mga mata ni Jun sa nakita niya.

"X-Xin..." Sinubukan niya akong lapitan pero napaatras siya nang bigla na lang siyang tinangay ng isang malaking bagay. Naningkit ang mga mata ko sa nakita ko at bigla na lang itong nanlaki ng makilala ko kung ano ang tumangay kay Jun.

A big wolf—No, it's a werewolf.

"There's a reason why he's called Wolfie."

No. This can't be real. Napatayo na ako habang tulalang nakatingin sa bagay na pilit binabaon ang mga ngipin niya sa leeg ni Jun at si Jun naman ay todo ilag sa mga malalaking pangil nito. Napalunok ako sa nakita ko hanggang sa maramdaman ko ang presensiya ni Matthew sa gilid ko.

Biglang tumalon si Matthew sa ere at nag-landing sa likod ni Wolfie. I don't know if this thing is still Wolfie or not dahil ibang-iba ang nakikita ko. Tiningnan ko si Matthew at bigla niyang itinaas ang kamay niya at may nakita akong liwanag doon.

As soon as that light from his hand reached Wolfie and Jun's bodies, everything turned white at napapikit na lang ako. I covered my eyes with my arms hanggang sa unti-unti nang nawawala ang nakabubulag na liwanag na 'yon. Dahan-dahan kong tiningnan ang sitwasyon at nakita ko si Jun na wala nang malay kasama si Wolfie.

Tinanggal ni Matthew ang jacket niya at tinakip ito sa hubad na katawan ni Wolfie. Napahawak na lang ako sa leeg kong basa na sa dugo at napapikit.

"Xin? You still there?" Hinawakan ko ang earpiece ko nang marinig ko ang boses ni Milo. Tumikhim ako at humiga muna sabay pikit ng mga mata ko.

"Y-You... you guys never told me we were living with a cat and a dog."

After my bad choice of words, I blacked out. I blacked out with the image of Jun's fangs and cold hands running down my throat. I blacked out with the image of Wolfie turning into an enormous wolf and almost biting Jun's head off. I blacked out with the images of Matthew's hand lighting up creating a blinding sight.

I blacked out realizing that those fairy tales, were not just tales at all. They were true.

✥✥

"It's my fault, I think?" My body turned conscious. My body was cold but some part of me was warm. May nakahawak na kamay sa kamay ko. I know this hand. It's Dad's. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ang unang nakita ko ay ang kulay ng mga mata ni Dad.

"Hey..." Ngumiti siya kaagad noong nalaman niyang gising na ako kaya nilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakita kong wala ni-isang Blue Scout ang nandito. Umupo kaagad ako at hindi na ininda ang sakit ng katawan ko.

Sinister ThirteenWhere stories live. Discover now