Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 7

17.2K 677 107
                                    

'Team Alpha Member'

XIN

"Well done, Team Alpha. Bumalik kayong buo." Tiningnan ko lang ang golden katana na naka-display sa mesa ni Sir Jez habang naka-enclose na ito sa isang glass frame na parang idi-display lang nila sa isang museum. Dahil sa naisip ko, naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa katana. Sa'n ba nila gagamitin 'to?

"Precious artifacts na dapat hindi makita ng ordinaryong tao lang. They need to be sealed and kept from the eyes of many." Hindi na ako nagtanong kung paano nabasa ni Matthew ang isip ko. Tumango lang ako at isa-isa na kaming bumalik sa mga upuan namin. Ngayon ko lang nalaman na si Joshua pala ang katabi ko.

"Hey..." bati niya nang makaupo na ako. Tumango lang ako at tumingin na sa harap.

"Oh, Xin! Binaril mo na ba si Jun?" I still don't like the sound pero tumango na lang ako na ikinangiti lang ni Sir Jez.

"Shooting a vampire doesn't help, huh?" tanong niya na hindi ko sinagot. Sir Jez nodded at me, saka tumingin sa iba.

"Boys, when I told you to introduce yourselves, hindi ko naman sinabing pangalan lang ang sabihin niyo. I meant introduce 'what' you are." Napansin kong nagtiim-bagang si Jun sa sinabi ni Sir Jez especially when he emphasized 'what'. Hindi na muna ako nag-isip nang kung ano-ano at tinuon na lang ang pansin ko kay Sir Jez.

"Ayaw naman niyang malaman kung ano kami." Binaling ko ang tingin ko kay Dino na nakangusong nakatingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at tumingin kay Sir Jez na nakatingin pala sa akin at parang nagtataka.

"It's not that I don't want to know. Dad gave me an order." Sandali silang natahimik sa sinabi ko. Hindi ko alam pero sa tuwing binabanggit ko si Dad at natitigilan sila o natatahimik.

"What order?" tanong ni Sir Jez kaya tumingin ako kay Matthew na kunot-noong nakatingin sa akin.

Don't read my mind. Dad told you to build a seal on me.

Inisip ko lang ang bagay na 'yon habang nakatingin ako sa kanya at agad siyang umiling na parang ayaw niya. Nilabanan ko ang titig niya pero alam kong hawak pa rin ni Matthew ang pag-iisip ko kaya umangat lang ang gilid ng labi ko.

"I don't want to disobey Dad's orders to me, Matthew." Mahinahon kong sabi habang hinihiling ko na lagyan niya ng seal ang pag-iisip ko. Dad gave me a mission right before class started. Isang misyon na palagay ko ay komportable na akong gawin.

"Tell Matthew to block your thoughts. That way, he can't trespass and get hold of your deepest memories. Makagagalaw ka ng maayos and also, your real mission is on the paper that Shine gave you."

Inalala ko ang sinabi ni Dad habang nakatingin sa mga mata ni Matthew habang nag-aabang lang ang iba sa susunod na gawin ni Matthew.

"Block her thoughts, Matthew. She thinks of nasty bloody stuffs." Bigla na lang natawa si Walter sa sinabi ni Jun kaya napailing na lang si Matthew at napapikit. Tumayo siya kaagad at naglakad palapit sa akin.

"Hindi naman problema sa akin na lagyan ng seal 'yang pag-iisip mo, Xin. I just have this one problem," aniya habang tinataas ang hinututuro niya. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi niya. As of this moment, I know he's not controlling my mind.

"After I seal your thoughts, don't hit me." Napabuga na lang ako ng hangin sa sinabi niya at mahinang tumango. Hindi ako nabigla nang bigla siyang yumuko palapit sa mukha ko. Tiningnan ko lang ang mga mata niyang kulay abo na nakatitig rin sa mga mata ko.

He cupped my face, squished my cheeks for fun and smiled at me. "Xin, I'm sealing your thoughts now." After saying that, he leaned in and I felt his soft lips on my forehead. It was cold, the wind was cold. It took him almost a minute before removing his contact from me.

Sinister ThirteenWhere stories live. Discover now