Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 9

16.6K 590 84
                                    

'Demi-gods'

XIN

"Xin, ang ganda ng moon, 'di b—" Bigla na lang dumating si Hoshi na dala-dala pa ang jacket ni Wolfie pero natigilan siya sa pagsasalita nang nilingon niya si Matthew. "Huy! SPG 'yan! Ano bang pinapakita mo kay Xin?!" Agad na hinagis ni Hoshi kay Matthew ang jacket ni Wolfie at tinakpan pa ang mga mata ko. Muntik ko na siyang mabuhusan ng mainit na kape kaya nilagay ko muna ito sa railings.

"Relax. I'm just introducing who I am." Pasimpleng sagot ni Matthew at nagdamit na. Nakita kong sinamaan lang siya ng tingin ni Hoshi.

"Kailangan talagang maghubad?!" Inis nitong tanong at umuusok pa ang ilong niya pero lumulubo naman yung pisngi niya kaya para siyang hamster na nagagalit dahil ninakawan ng pagkain. Natawa na lang ako sa kanya at giniya ni Hoshi ang tingin sa buwan.

"Sa'n papunta si Wolfie?" Mahinahon kong tanong sa kanya. Nawala kaagad ang pag-usok ng ilong niya at napalitan ng ngiti niyang nawawala na naman ang mga mata niya.

"Sa gubat. Jejebs daw siya. Hihihi!"

"Tumahimik ka. Naririnig ka niya mula rito." Sabay naming nilingon si Matthew na nakabihis na at nakatingin sa relo nito sabay tingin kay Hoshi na humihikab na pala. "It's almost 10 p.m. Papagalitan ka na naman ni Seth," sambit ni Matthew na ikinakunot lang ng noo ko.

"Oo—nga. Tulog na ako, bye—ay teka, jacket ni Wolfie." Namumungay ang mga mata ni Hoshi at kinukusot niya pa ito sabay kuha ng jacket ni Wolfie mula kay Matthew. Tumingin siya sa akin at ngumiti, saka kumaway.

"Good night. Huy! Matthew. 'Wag ka nang—maghuhubad ah?" Pahabol niya kahit humihikab na siya sa antok. Pag-alis ni Hoshi ay tiningnan ko kaagad ni Matthew at parang nakuha niya na naman ang iniisip ko.

"I didn't control him. Hoshi normally sleeps by 10 p.m. Magagalit rin si Seth kapag wala pa siya sa kwarto niya ng mga oras na 'yun," pagpapaliwang niya kaya tumango lang ako.

"Maraming bawal sa kanya. Malalaman mo rin kung bakit," dagdag niya at tumingin muli sa buwan. Now, I wonder how a precious hamster like Hoshi became a member of this Team that's full of monsters.

Inalis ko ang tingin sa buwan at tumingin kay Matthew na seryosong nakatingin sa akin. Tumikhim siya at dahan-dahang naglakad papunta sa gitna ng railings habang nakatingin sa akin.

"Must be hard controlling all of them, huh?" tanong ko sa kanya at naglakad na rin palapit sa gitna ng railings. Umiling lang si Matthew at tumingin sa akin.

"Hindi naman. Seth and Vernon doesn't need to be controlled. Sina Duke, Dino, Baxter at Milo naman ay kaya nang kontrolin ang mga sarili nila. Hoshi and Wolfie are not that hard to control. Tanging sina Walter, Jun, Jayden at Joshua lang ang nagiging sakit sa ulo ko araw-araw." natatawang sabi ni Matthew kaya umangat lang ang gilid ng labi ko. He must be glad that he's not controlling me anymore. I was just adding insult to injury more like it.

"Hey... watch." Tiningnan ko kaagad ang tinutukoy niya. Tinuon niya ang kamay niya sa isang malaking puno at nang sandaling nagliwanag ang kamay niya, glowing things came flying out of the tree. Lumipad iyon palapit sa amin at pinalibutan ako.

Like a princess in fantasyland, even though I'm not a princess and this is clearly not a fantasyland, it still seems like it.

"W-What are they?" tanong ko kay Matthew nang mapansin kong may paa, kamay, pakpak at mukha ang mga lumilipad na bagay na 'yon. Nginitian pa ako ng isa sa kanila kaya tiningnan ko kaagad si Matthew at naghintay ng sagot niya.

"Pixies. Light pixies," sagot niya sabay lahad ng kamay niya at do'n nag-landing yung ibang pixies. I was mesmerized by their glowing wings, their soft giggles, and their sparkling trails. Maya-maya ay sabay-sabay silang umikot at bumalik na sa punong pinanggalingan nila.

Sinister ThirteenWhere stories live. Discover now