Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 2

22.5K 732 140
                                    

'Shoot Him'


XIN

"This is your schedule of classes—I mean, class." Tiningnan ko ang isang pirasong papel na binigay sa akin ni Shine. Isa lang talaga ang klase ko sa lugar na 'to. I wonder kung anong pinaplano ni Dad. He always got something up his sleeves.

"This is your dorm key. Dadalhin ka ng isang kaklase mo sa dorm kaya 'wag kang mag-alala," nakangiti niyang sambit habang binababa ang mga bagahe ko. Tumingin lang ako sa kanya kahit gusto kong tumulong ay pinigilan ko na lang ang sarili kong gumalaw.

"Iiwan ko 'to rito sa guard house at ikaw na ang bahalang kumuha mamaya. Get to your class first," pagpapatuloy ni Shine matapos i-unload ang mga bagahe ko. Napamulsa lang ako sa aking jacket at tumango sa sinabi niya.

"Hey, no killing, okay?" nakangisi niyang sambit. Tinapik na niya ang balikat ko pero napahinto siya at hinawakan ang kwintas na suot ko. "Nice necklace," nakangiti niyang sabi saka ako tinalikuran.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa susi ng dorm at kinagat ang labi ko pero hindi ko talaga maiwasang magtanong.

"Shine?" Agad siyang lumingon sa akin at ngumiti bilang tugon. "Si Shu? Will he be fine?" tanong ko nang maalala ko ang mukha ni Shu kanina na umiiyak at dumudugo ang likod. It's pathetic of me to care for someone when I'm actually killing hundreds of people.

Nginitian lang ako ni Shine at tumango bilang sagot at saka umalis. Humarap na ako sa gate ng Diamond Hill. It was an ordinary school, I guess. Although I've never been in school because ever since Dad took me in, I was home-schooled.

Pumasok na ako sa campus at nagulat nang bigla akong sinigawan ng guard at natigilan ako sa ginawa niya. May mga estudyanteng tumingin sa akin at yung iba ay tumatawa pa. Yung iba naman ay parang naweirduhan pa sa akin. Lumayo silang pumasok sa campus.

"Where's your uniform, young lady?!" galit niyang sigaw at tinuro pa ako gamit ang baton niya. Lumapit siya sa akin at ininspeksiyon ako at umikot-ikot pa sa akin habang nakatingin sa damit ko. Simple lang naman ang suot ko. 'Yon nga lang, itim lahat. It's my type of wardrobe—black clothes and my usual leather gloves.

"Bago ka ba rito?" tanong niya. Walang imik kong binigay sa kanya ang papel na binigay sa akin ni Shine kanina at 'yong envelope na galing kay Dad. Tiningnan niya kaagad ito at kumunot lang ang noo ko noong bigla siyang namutla. Bigla siyang yumuko sa harap ko kaya mas lalong naweirduhan sa akin ang mga estudyante at tinawanan pa ako lalo ng iba.

"S-Sorry po," sambit niya at biglang nirolyo pataas ang sleeves niya. Do'n ko nakita ang tattoo ng isang Blue Scout. I get it. Kaya pala itong paaralang 'to ang pinili ni Dad. Tumango lang ako at lumapit para kunin ang papel ko pero bigla na lang siyang nanginig.

Huminga na lang ako ng malalim at kinuha na ng tuluyan yung papel. "Uhh... nasa'n 'to?" pabulong kong tanong. Tumingin siya sa akin at agad na nag-iwas ng tingin na parang ayaw niya akong tingnan sa mga mata.

"Dadalhin ko p-po kayo do—"

"Hindi na. Ituro mo na lang ang daan." Tinuro niya naman kaagad kung saang building ako pupunta. Tumango lang ako sa sinabi niya at tumalikod na pero bumalik kaagad ako dahil nahihirapan siyang ipasok sa guard house ang mga gamit ko.

"Naku! Naku! 'Wag na po! Ako na po!" natataranta niyang sabi at pinigilan pa akong damputin ang isang paper bag. Iniwas ko lang ang kamay ko at nilagay na sa guard house yung ibang gamit ko at tumingin ako sa kanya.

"I'm not your Master. I'm a student here from now on." Iyon lang ang sinabi ko at umalis na matapos siyang tulungang ipasok sa guard house ang mga bagahe ko at dumiretso na sa classroom ko. Naglakad-lakad ako kung saan-saan at nilibot ko ang tingin sa paligid.

Sinister ThirteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon