Pride

406 23 6
                                    


Sige, ika'y magbitaw ng salita!
Isinulat ni Eydee Yan

Ako'y namulat sa mundong puno ng hinagpis, pang-aabuso at panglalait
Lahat ng iya'y akin nang nakamit
Hindi man nais, ngunit
Sadyang dumarating

Ang paslit na tulad ko'y inosente lamang
Sa panghuhusga at sa sakit ay walang kaalam-alam
Lilipas man ang sinapit ay hindi naman mawawalan
Dahil nakatatak na ang nagawang kamalian

Gabing nagdaan ako'y napamulat
Matinding panaginip sa aking tumambad
Itay, kaibigan, kaklase at sino pa man
Waring ako'y isang damong tinapaktapakan
At lagi na lamang pilit lumalaban
Kahit na ako'y nahihirapan

Isang likhang hindi magawang mahalin,
Ingatan, alagaan at angkinin
Isang likhang puno ng mithiin
Isang likhang hindi alam kung sa'n pupulutin

Sino ba ako?
Ano nga ba ako?
Minimithi ko ba ito?
Gusto ko bang hinuhusgahan ako?
Ako ba ang lumikha nito?
Ano bang klaseng hinayupak ako
Nang isumpa mo ako ng ganito?

Mundong puno ng buhay,
Ngunit ang mga tao rito'y tinuturing patay
Mga salitang parang nangangatay
Para bang binenta mo ang iyong atay

Salot! Salot!
Ayan ang una kong nadinig
Nang ako'y napadating
Sa eskwelahang akala'y iibigin
'Yun pala ako'y sisindakin

Aking ama'y isang tirano
Mahigpit sa akin ito
Kilos-tikas sa tuwing nakaharap rito
Dahil ako'y bubugbugin nito

Mahirap maging bakla
Lagi kang nasasaktan
Ang akala'y maginhawa,
'Yun pala'y matatabunan

Kami'y laging nagpapasaya,
Ngunit ang sukli'y isang salita,
Salitang 'di kaaya-aya
Nararapat nga ba?

Napangiti't napatawa ka
Ba't nanghusga ka?
Ang saya ba?
Lubusin mo na

Ang iba'y guminhawa
Subalit h'wag mong lahatin
Dahil ang iba'y nagdurusa rin
Ang iba'y nasa mabuti na
Ngunit ako? Ano pa nga ba?
Hanggang ngayo'y ako'y nagdurusa

Salot!
Isang salita na kung sabihin ay para kang tinutusta
May hininga ka pa ngunit ika'y sinusunog na

Kung ituring kami'y parang hindi likha ng maykapal
Dahil daw dalawa lamang ang sekswal
Tao ka babae, tao ka lalaki!
Tao rin kami!
Ngunit ang pinagkaiba'y lalaki ang kasarian subalit babae ang nilalaman

Sige, sabihin mo ang lahat!
Laiitin mo ang lahat!
Lumikha ka ng salita!
Na hindi ikasasaya!
Sige, ika'y magbitaw ng salita!
Ako'y isang bakla!
Ikaw, ano ka ba?

————————————————

Written by Eydee Yan
09 13 17
11:00 Am - 1:00 Pm
Inspired by
Maria Angelica Movilla

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon