Pilipinas

179 8 4
                                    

Anong nangyari sa'yo?
Isinulat ni Eydee Yan

Baybayi'y pinalitan na ng alpabetong Ingles
Katutubong sulat na halos wala nang nakakasulat
Bansang nakamit na ang kalayaan ngunit hindi sa kultura ng ibang bayan
Nais ko lamang sabihing na kaawa-awa ang kalagayan natin

Hanggang ngayon ba nama'y mas tinatangkilik ang iba kaysa sariling atin
Produktong Pilipino ay nararapat nating ipagyamanin
Mga gamit na yari sa abaka
Mga kantang may kaibig-ibig na musika
Kasuotang kay sarap sa mga mata at hindi nakakalaswa sa iba
At ang linggwaheng minsan nang ipinaglaban ng mga totoong makabayan

Tagalog! Tagalog!
Na ang ibig sabihin ay taga ilog
At na dating tawag sa mamamayan ng bansa
Tagalog! Tagalog!
Na wikang ipinaglaban ng mga taong makabayan
Ang wikang magiging tanyag magpakailanman

Espanyol, Hapon, Ingles at ngayo'y Koreano ang mga wikang sumakop at sasakop na sa bansa!
Annyeonghaseyo!
Anong nangyari sa'yo?
Hindi mo na namamalayan ang kalagayan ng bansang ito!
Pilipino pa kaya ako?

Ibang bansa'y minamahal ang kanilang sariling wika kung kaya't sila'y nakakaangat sa iba
Ang banyagang wika ay pilit ipinagsisiksikan ng sariling bansa kahit na ang ilang wika'y masakit sa pa nga

Kay tagal nang ipinaglaban ng mga bayani ang Pilipinas sa ibang lahi
Ngunit tila sa isang iglap lang, ang lahat ay maglalaho rin
Dugo't pawis ay inalay nila sa bansa
At sana rin magawa nating ibuka ang bibig ng walang nakakasagabal na ibang wika!

Pilipinas! Pilipinas!
Nais ko sanang isigaw ang wika ng mga Pilipino ngunit ang kapwa Pilipino rin pala ang humahadlang na gawin iti ng Pilipinong makatao

Ang wika na ang ngayo'y sumasalungat sa nais sabihin ng bayan!
Ang wika na ngayon ang humahadlang sa nais gawin ng makabayan!
Para saan pa ang talinong itinataglay ng Pilipino kung pagbabasehan lamang pala sa wika ng ibang bayan?

Ikaw na'y matatawag na matalino kung kaya mong mag-ingles nang diretso
Ikaw na'y marunong makisama kung alam mo ang kultura ng mga Koreano
Ikaw na ngayon'y magmumukhang katawa-tawa kung sa pananalita ay may halong makata

Wika ang papatay sa milyo-milyong kasaysayan at kultura ng bayan
Wika ang papatay sa alaala ng mga taong makabayan
At wika rin ang papatay sa buhay ng bansang sinilangan

Tagalog! Tagalog!
Nais kong ipakilala ang wika ng mga Tagalog!

—————————————————

11 18 18

🎉 Tapos mo nang basahin ang 𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNER 🎉
𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon