Tagutaguan

134 9 8
                                    

Laruan
Isinulat ni Eydee Yan

Laro tayo! Pagbilang ko nang sampo ay nakatago na kayo!

Isa, isang relasyong
Para sa dalawa, dalawang taong nagmamahalan

Tatlo, mapalangit, lupa at impyerno, kahit saan mang dako ng mundo, ang 'ngalan mo ang isisigaw ko

Apat, apat na salita na nagsasabing 'Mahal na mahal kita!'

Lima, limang salitang magpapahiwatig na tanggap mo na ang aking pag-ibig,
'Mahal na mahal din kita!'

Anim, pito o walo. Kahit ilan man ang nagkakandarapa saiyo. Tandaan mo! Ako at ako lang sinta ang magmamahal nang tapat saiyo

Siyam, hindi man kasing dami ng kuting ang buhay ko ngunit para saiyo sinta ay magpapakapusa ako na kahit naghihingalo na ay iyong 'Oo' mo pa rin ang mimithiin ko

Sampo, huli ka!

————————————————

09 15 18

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon