Ina

252 9 9
                                    

Nasaan ka?
Isinulat ni Eydee Yan

Minulat ko ang aking mga mata,
Bakit hindi kita makita?
Mahal kita!
Aking ina

Ako'y pawang nasa panaginip
Nang minsang napapikit
Aking naaninag,
Mukha mong nakakaakit

Munting batang hagkan mo,
Napagtantong kong ito'y ako
Hawak-hawak ko
Ang ibinigay mong kapirasong puto

Sa tuwing takip-silim
Mata'y laging dumidilim
Hindi dahil sa mainitin
Kundi dahil sa walang laman
Ang maliit kong tiyan

Dali-dali kang tumayo
Mula sa pagkakahiga mo
Na pawang bang nagkakagulo
Dahil sa luha kong tumutulo

Alam ko inay ika'y wala pang-tulog
Nang biglang ang alarma ay tumunog
Pahiwatig na gabi'y lumubog
At ang sinag ay nagpasigabog
Sa mga, sa mga mata mong namimilog

Nang ako na ay lumaki
Dahil sa pag-aalaga mong matindi
Wala pa rin akong nabibigay na silbi

Kapag naman ako'y humingi
Ika'y hindi nagbibigay ng tingi-tingi
Dahil alam mong ito'y aking ikangingiti
At ang luha sa mga mata ko ay mawawagli
Dahil sa iyong salapi

Kapag nagalit, ako'y sumasagot
Kapag umayaw, ako'y magdadabog
Kapag namalo, ako'y di magpapatalo
Kapag nagbilin, ako'y maiinitin

Hanggang sa tumanda,
Ang ugali'y di nawala
Kahit na ilang salita pa
Ang gawi'y di pa rin naitatama

Kalupi mong puno ng pera
Isa-isa na lang nawawala
Di mo nararamdaman ang kamay kong nagsasala

Sa ilang utos mo lamang
Ang mata na'y sumasabat
Sa ilang hingi mo lamang
Agad ng nanunumbat

Ako'y napamulat ng mata
At nagising ng tunay ang kaluluwa
Tiningnan ang katawan mong nakahiga sa...
Sa higaan ng mga namayapa

Pawang umulan ng bigla
Kahit na umaga ay masigla
Dahil sa luhang tumatama
Sa salaming kita ang maamo mong mukha.

Wala na!
Nagawa na!
Ang mga salang nagpasakit sa iyong dibdib
At doon bigla ka na lang napahiga at tanging sambit mo,
'Anak, anong nangyari sa'yo?'

Bigla na lang ako napaisip

Sa piling mo inay,
Ako'y lumigaya ng tunay
Ngunit puro pasakit ang aking ibinibigay

Sa piling mo inay,
Ako'y minahal mo ng tunay

Sa piling mo inay,
Ba't akoy tinatangay
Ng daloy ng buhay
Sa ibang sangay

Namimiss ko na yung tawanan, halakhakan, kasiyahan at pati na yung kahit pag-aawayan

Minsan na nga lang tayo magkasama
Sa tuwing kami ay gagala

Minsan na nga lang tayo masaya
Kapag walang problema

Minsan na nga lang ako sumunod
Sa tuwing lumalamig ang ulo

Minsan na nga lang bumigkas ng matamis na salita
Ngunit Ina?
Bakit ka agad nawala?
Ikaw na'y lumihis, ikaw ay mamimiss!

Sa muling pagkakataon!
Minulat kong muli ang isang pares ng aking mga mata,
Pinunasan kong muli ang mga luha na tumutulo sa mga namumugto kong mga mata,
At sa muli at walang katapusan na pagkakataon!
Muli kong sasambitin ang mga salitang ito Ina!

Mahal na mahal kita,
aking Ina!

𝐓𝐔𝐋𝐀, 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 𝐋𝐄𝐓𝐑𝐀 | THE WATTY'S 2018 AWARD WINNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon